Chapter 87: I wish

1K 31 0
                                    

Ilang araw na akong nagduduwal at palaging nahihilo, hindi na din ako muna pumapasok sa organization dahil masama ang pakiramdam ko. Nandidito ako sa office ni Dr. Kitty dahil gusto ko ng malaman kung ano bang sakit ko.

"Ilang araw ka ng nagduduwal, zyra?" Tanong pa nito, kanina pa niya ako tinatanong ng kakaiba kaya mas lalo akong naguguluhan.

"It's been two weeks, doc" ngumiti siya sa akin at tumayo, nilahad niya ang kamay niya sakin kaya naguguluhan ko itong tinanggap.

"Congratulations, zyra. You're soon to be mommy" nagulat ako sa sinabi niya, buntis ako?! "Anyway, where's the father of your child?!"

"He's busy"

"Then, surprise him. I know, he will be happy"

"Thank you, doc" tumango siya at sinabi sakin kung kailan ang mga check up ko, kung anong bibilhin kong vitamins ko at marami pang iba, argh! It's hard to be pregnant!

Masaya akong nagdridrive papuntang company ni zyzeir dahil ibabalita ko na sa kaniya ang magandang balita! We're going to be parents soon! Hinawakan ko ang tiyan ko at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Habang nagdridrive ako nakatanggap ako ng text mula sa kaniya.

From: Babe

Let's talk. I'm at the park.

Hindi ko na siya nireplyan dahil nagmanadali akong puntahan siya sa park. Excited na ako sa magiging reaksyon niya. Then, kapag nalaman na namin kung female or male ba ang anak namin, edi sabay kaming mamimili ng mga gamit ng anak namin.

Pinark ko na ang sasakyan ko at bumaba na ako sa kotse ko, habang naglalakad ako nakangiti akong nakahawak sa tiyan ko. Ngunit agad bumaba ang ngiti ko at agad nadurog ng paulit-ulit ang puso ko ng makita ko si zyzeir na may kahalikang babae, kita ang saya sa mukha niya at parang nanalo siya sa lotto.

"I'm going to be dad soon!" Sigaw niya kaya agad natawa ang babae at sinita siya dahil maingay si zyzeir. Natawa siya at niyakap niya si crish, yeah. It was crish, the girl na kasama nila noon sa restaurant. Sila pala! Pero bakit niya ito niloko! Bakit ako pa ang ginawang kabet niya.

Napaluha ako dahil hindi ko kinakaya ang sakit na nararamdaman ko, this is the most painful and I can't hold on anymore. He broke my heart again! I'm so stupid! Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at hinampas ang manibela! Sinaktan na naman niya ako, niloko na naman niya ako and worst he never love me again! It was a game again and I let him win again. Hinawakan ko ang tiyan ko at mas lalo akong napaluha. Wala siyang amang kikilalanin dahil yung ama niya, nagsasaya sa iba niyang anak. Yeah, they made a happy family. And me? He left us and he never love us. He's words are just like a fire, if you going to be with it then you may just hurt yourself.

"Mommy always love you, my baby" ngumiti ako habang patulo akong lumuluha dahil sa sakit.

Napatingin ako sa cellphone ko ng umilaw ito at nakatanggap ako ng unknown text, nang mabasa ko ito agad kong pinaandar ang sasakyan ko papunta sa rainter village. They want to see me.

Nasa tapat na ako ng mansion ng rainter family, napabuga ako ng hangin at nagdoorbell. Agad akong pinapasok ng maid kaya nagpasalamat ako, habang naglalakad ako sa kusina mas lalo akong kinakabahan. I don't know what am I going to feel again.

"Anak!" Agad akong niyakap ni mommy at daddy kaya agad akong napaluha. Those words! I miss them so much!

Kumalas sila sa yakap kaya niyakap din ako nila luck. Nasira nga ang relasyon namin ni zyzeir, naayos naman ang relasyon ko sa pamilya ko.

"Paano niyo po nalaman?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Habang comatose ka, pina-dna test ka namin. And it was a positive. You are our daughter and You are my zyra"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now