Chapter 35: Acquaintance Party

1K 26 0
                                    

Zyra POV

"Okay, mag-lunch break na muna tayo" sabi ni yanna ng mapractice namin ang kalahating itutugtug namin.

Nagsi-unat na muna kami bago pumunta sa kaniya-kaniyang baon. Yeah, nagbaon ako. Pag ganitong practice kasi nakakatamad pumunta sa cafeteria.

"Sabay tayo, pwede?" Nakangiting tanong ni yanna kaya tumango ako at binuksan na ang baon. Nagsimula na rin kaming kumain dahil pare-pareho kaming gutom. "Balita ko kaibigan mo ang quartz at F3" biglang sabi niya na kinakunot noo ko.

"Ah? Hindi ko alam, hehe"

"Huh? Bakit hindi mo alam?"

"Eh, kasi parang ang labo namang maging kaibigan ko sila. Mga sikat ang mga yun tapos ako. Heto lang"

"Huwag mo nga minamaliit sarili mo. Hindi porket ganiyan ka na, eh. Hindi mo na sila pwedeng maging kaibigan" napabuga na lang ako ng hangin at tumitig sa kawalan.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni yabang. 'Walang impossible sa lahat ng bagay'.

Siguro tama siya. Walang impossible sa lahat ng bagay. Napangiti at napa-iling na lang ako. Hays, ano bang nangyayari sakin?

"Okay...5...5..4..3..2..1.." Pagkasabi ni yanna yun nagsimula na kaming tumugtog.

Sound proof naman tong kwarto kaya hindi kami maririnig sa labas. Ang ganda lang dito kasi nag-eecho ang boses. Ganito kasarap magpractice, hehehe. Pagkatapos ng practice nagsi-uwi na kami.

Bukas na pala ang acquaintance party. Kaya panigurado mangilan-ngilan na lang ang papasok. Syempre, paghahandaan nila ang bukas ng gabi.

"Waaahhh, kinakabahan ako bukas, couz" sigaw ni zana habang nanonood kami ng Netflix.

"Tsk, huwag ka ngang OA. Hindi mo naman first time"

"Kahit na! Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na kasabay natin ang GHS at G.U"

"Oh, ano naman ngayon? May kaaway ka ba doon? Tara resbakan natin"

"Sira! Syempre, madaming pogi, hehe---aray" binato ko nga siya ng unan.

"May boyfriend ka na nga lumalandi ka pa"

"Ano ba yan, Couz. Paminsan-minsan naman lumandi ka para hindi malosyang yang ganda mo"

"Duh, kahit hindi ako lumandi maganda na ako at kahit kailan hindi ako malolosyang. Diyan ka na nga"

Pumasok na lang ako sa kwarto ko kesa makipag-usap sa babaeng yun. Naligo muna ako bago nag-review. Hays, sumisipag ako, ah. Habang nagbabasa ako biglang pumasok si zana sa kwarto ko.

"Ano na namang kailangan mo? Nagkamali ka ng pinasukang kwarto" sabi ko habang hindi inaalis ang paningin sa libro.

"Yah, Couz. I know"

"Eh, bakit ka andito?"

"Hindi kasi ako makatulog sa sobrang excited"

"Tsk, edi mag-aral ka hanggang sa makatulog ka. That's easy, zana"

"Eh, tinatamad akong mag-aral"

"Edi, huminto ka na sa pag-aaral"

"Sira!" Tinawanan ko siya at tinignan.

"Total hindi ka makatulog. Edi, tawagan mo si luis. Para hindi rin siya maka----"

"Tulog na siya"

"Tsk, matutulog na ako kaya, shupi" nguso naman siyang lumabas sa kwarto ko.

Niligpit ko muna ang gamit ko bago ako natulog.

---

"Guys, kailangan na nating itodo ito dahil mamaya na ang acquaintance party" pag-sasaad ni yanna ng magsisimula na kami.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon