Chapter 79: Clinic

911 31 0
                                    

Zyra POV

Hingal na hingal akong dumating sa clinic. Nahilo daw kasi si zyzeir habang nagpra-practice sila sakto namang kakatapos lang naming kumain kaya nagtungo agad ako dito upang makita ang kalagayan niya.

"Nasaan siya?" Tanong ko agad kay xylorh na nasa harap ng clinic kausap niya si yuan.

"Nasa loob. Kumakain"

"Ano ba kasing nangyari?

"Habang nagpra-practice kami bigla siyang natumba, then he said na nahihilo siya so we brought him here"

"Anong sabi ng nurse?"

"Kulang sa pahinga" nasapo ko yung noo ko.

"Napaka-tigas talaga ng ulo niya" tumingin ako sa kanilang dalawa. "Kayo din!"

"At bakit pati kami?!" Angal nilang dalawa. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Tignan niyo nga yang mga sarili niyo" tinignan naman nila. "Pawis na pawis, hays naku! Pag kayo nagkasakit----"

"Oo na po. Pumasok ka na doon" sinamaan ko ng tingin si xylorh. Senenyasan niya akong umalis na gamit ang kamay niya. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin ng ngumisi siya.

"Huwag kayong papakita sakin dahil pag nakita ko kayo humanda kayo!"

"Huy, bakit pati ako nasali?" Sinamaan ko na lang ng tingin si yuan na kinatawa ni xylorh.

Pumasok ako sa loob ng clinic at agad bumungad sakin sina yabang. Prente siyang kumakain, napaka-arte pang kumain. Lumapit ako sa kaniya kaya napatigil sila sa pag-tatawanan.

"Oh, ginagawa mo dito?" Taka niyang tanong. Minsan gusto ko siyang upakan ng malakas hanggang sa magmakaawa siya.

"Sa tingin mo, ano nga ba? Siguro pumunta ako dito para kumain rin kasi kumakain ka, eh. Dito na ba ang bagong cafeteria?" Nagsibungisngis yung mga ka-team niya, sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Bumalik ka na nga----hehehe, gusto mo din?" Alok niya agad sa kinakain niya ng sinamaan ko lalo siya ng tingin. Nagsi-pigil naman sa tawa ang mga ka-team niya.

"Tsk, kumain na kami" umupo ako sa upuan na nasa tabi niya. "Lance, tubig nga"

"Ayaw ko nga----"

"May gunting ba kayo?"

"Oh, tubig!" Agad binigay ni lance yung tubig na hawak. Hindi pa nabubuksan at sa tingin ko dadalhin niya ito papuntang DB mamaya. Tsk, madadaanan naman nila yung cafeteria kaya makakabili ulit siya.

"Galit ka atah, lance?" Sabay sulyap sa kaniya, napalunok agad siya.

"H-Hindi, ah! Bakit ko naman gagawin iyon?!"

"Naninigaw?"

"H-Hindi" Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Tumingin ako kay yabang na agad kumain ng tignan ko siya.

"Ano ang sabi ng nurse?"

"G-Gutom daw ako kaya nahilo daw ako"

"Yun ang sabi?"

"M-Mmm"

"Nagsasabi ka ng totoo?"

"M-Mmm"

"Ayun sa nabalitaan ko. Kaya ka daw nahilo dahil kulang ka sa PAHINGA. Totoo ba iyon?" Agad siyang napalunok ng mariin at dahan-dahan siyang tumingin sakin. Sakto namang bumukas yung pinto at niluwa nun si xylorh at yuan na agad ding nangitla. Binatuhan ko sila ng walang laman na bottle pero agad din naman nilang nasalo iyon. "Umupo kayo dito kung gusto niyo pang mabuhay" agad silang umupo sa tabi ni yabang na palihim na tumatawa. "Bakit siya napunta dito? Mm?" Mas lalo silang nangitla.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon