Chapter 75: Lola

964 32 0
                                    

Zyra POV

"Tauhan mo ba si dean max?" Tanong ko agad kay stepher.

"Kalaban namin sila"

"Ah? Paano nangyari yun?"

"Dalawa na ang grupong frats" napa-kunot noo ako sa sinabi niya.

"Ano? Paano nangyari iyon?"

"May taksil noon sa tauhan ko. Kaya pala siya sumali noon sa grupo ko para magkapag-invite siya sa grupo ko. Marami-rami rin siyang nakuha na tauhan ko at yun ang ginawa niyang tauhan niya"

"Sino ang nilalang na iyan?"

"Zaimon Vic" para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Napasandal ako sa sofa at hanggang ngayon nagpro-proseso pa rin sa utak ko ang sinabi niya. Bakit pa ako magugulat eh, alam ko namang mga taksil sila.

"Couz, nagsisimula na sila" litong sabi ni zana. "Malalagay na sa piligro ang buhay mo lalo na at nagka-ayos na kayo! Mapapadali na ang habol nila sayo"

"Hindi ako papayag sa ganun" tumingin ako sa malayo. "Kung nagsisimula na sila dapat magsimula na rin tayo"

"Anong plinaplano mo?" Tanong ni Bryant. Ngumisi ako ng malaki.

"Guys, don't forget who am I" napalunok sila sa sinabi ko. Nagtaka naman yung mga babae except kay zana.

"Tauhan mo ba si remeo?" Tanong ni ashero kay stepher.

"Hindi. Hindi ko siya kilala. Mukhang nasali siya sa frat nila zaimon"

"Si dean carl. F-Frat din ba siya?" Tanong ni sam. Tumingin kami sa kaniya.

"Hindi" ngumisi ako. "Pero, may alam siya na hindi niyo alam"

"AH? ANO NAMAN YUN?" Sabay-sabay nilang tanong, napangisi tuloy ako lalo.

"Alam niya ang headquarter ng mga kalaban" Nagulat sila sa sinabi ko. Ngisi naman akong kumain ng tinapay.

"Paano niya nalaman?" Tanong ni Wayne.

"Isa siyang detective noon, diba!"

"Tsk, buti hindi siya nahuli---aray para saan yun?"

"Kaya nga pinasabog yung CIS, diba!"

"Sila ang may pakana?" Tanong ni lance.

"Sa tingin mo" umayos ako ng upo. Kahiya sa kanila na ang popormal umupo. "Kung hindi sinunog ang CIS tiyak na wala na tayo ngayon"

"Ah? Bakit naman?" Kunot noong tanong ni fred.

"May nakatanim na bomba doon at ni isa sating mag-aaral walang nakaka-alam nun. Buti na lang 'akin' nalaman niya iyon kaya pinangunahan niya/nila"

"What's 'akin'?" Tanong ni jasmine. Natawa ako.

"Akin ka na lang, akin ka na lang-----aray, haha" agad nila akong binatukan. Hindi masakit grabe!

"So, kakausapin mo si dean carl?" Tanong ni step at sumipsip sa kape niya. Social ang gagong yan, eh.

"Hindi"

"Ah? Bakit?"

"Hindi siya ang kakausapin ko bagkus, ang lola ni zaimon"

"Bakit siya? Aanhin mo ang matanda?"

"Hihingi ako ng allowance, ano pa ba? Tagal-tagal naming hindi nagkita nun tapos hindi niya ako bibigyan ng allowance ko?----hehe, joke lang naman, eh! Ano ba yan! Syempre, kakausapin ko. Alam ko namang inosente iyon hindi tulad ng asawa niya. Alam ko rin na marami siyang nalalaman pero tumatahimik lang iyon. Mahina na si lola zina kaya tumatahimik na lang siya para sa ikakabuti niya"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now