Chapter 32: Sakit

1K 28 0
                                    

Zyra POV

*Dream/Flashback*

"Kuhanan mo nga ako ng juice" utos saakin ni mommy kaya agad akong kumuha ng juice at binigay iyon sa kaniya pero sa hindi inaasahan bigla akong nadulas at natapon ang juice sa damit niya. "Oh, my, god. Look what have you done!" Galit na sigaw niya kaya nanginig agad ako sa takot.

Lagi na lang kasi siyang galit sakin I mean silang lahat galit sakin. Hindi ko alam kung bakit. Basta pag dumadating ako dito sa bahay agad na nila akong inuutusan. Dinaig ko pa ang katulong namin kung maka-utos sila.

"S-Sorry, mommy. H-hindi ko sinasadya"

"Ang sabihin mo naiingit ka sa damit ko" bagong labas kasi ang suot niyang damit. At binili niya pa ito sa hongkong.

"H-Hindi po, mo-----"

"Lumayas ka sa harapan ko. Ayaw na kitang makita!" Para naman akong asong sumunod sa kaniya.

Nang makarating ako sa kwarto ko agad akong umiyak. Syempre, kailangan kong hinaan baka pag narinig nila. Papagalitan pa ako kung anong drama ko ngayon.

Ano bang nagawa ko sa inyo. Sa tingin ko wala naman. Matapos nating mag-bakasyon sa U.S.A naging mainitin na ang ulo niyo saakin simula ng bumalik tayo dito sa pilipinas.

Nang magising ako naligo at nagbihis agad ako sa banyo. Nang matapos bumaba na ako.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now