Chapter 54: Family

980 37 0
                                    

Zyra POV

From: ninja

Sayo ko lang sasabihin sayo toh ah! Pinatay ng mga magulang ni shadow ang anak ni dean Carl.

Parang hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ng mabasa ko iyon. Pinatay ng mga magulang ni shadow? Ang anak ni dean carl? Pero, bakit pinatay ng mga magulang ni shadow ang anak ni dean carl?

To: ninja

Bakit nila ginawa yun? Bakit nila pinatay? Anong kasalanan ng anak ni dean carl sa magulang ni shadow?

From: ninja

Matagal ng magka-away si dean carl at ang magulang ni shadow.

To: ninja

Bakit hindi ko alam yan? Bakit walang bumalita sakin niyan? Anong away yan? Bakit umabot sa patayan?

From: ninja

Dahil sa negosyo. Gustong bilhin ng magulang ni shadow ang CIS pero hindi pumayag si dean carl. Yun lang ang alam ko at nalaman ko na lang na umabot na sila sa ganiyan.

Napabuga ako ng hangin sa nabasa ko. Magbabayad sa batas ang magulang ni shadow. Hindi gangster ang magulang ni shadow kaya dapat silang managot sa batas.

Hindi ko hahayaan na madumihan ang pangalan ng organization. Kailangan kong gumawa ng paraan para mahuli ang magulang ni shadow. Mabait na tao si dean carl kaya dapat tinutulungan sila.

Pero, bago yun kailangan kong maka-usap si dean carl.

"Babe?" Napatingin ako kay yabang ng sabihin niya iyon.

"Mm?"

"Kanina pa kita tinatawag pero mukhang hindi mo ko naririnig"

"Ah, sorry. May iniisip lang"

"Ano yun? Tell me"

"Wala. Maaayos din yun. Kaya na namin yun"

"Are you sure?"

"Yeah?" Patanong kong sabi. "Ahm, anong oras pala tayo uuwi?"

"Why? Inaantok ka na?"

"No. May trabaho pa kasi ako bukas" palusot ko.

"I see. Siguro maya-maya"

"Ahm, may gusto sana akong sabihin"

"Mm? What is it?"

"Huwag kang lalapit sa hindi mo kakilala. What I mean, kung kilala ka nila tapos hindi mo sila kilala huwag kang lalapit. Kahit sabihin nilang kilala nila ako o yung magulang mo pero hindi mo sila kilala huwag kang lalapit, okay?"

"Okay? Why?" Ngumiti ako at umiling. Malalaman mo rin soon.

---

Nakahiga na ako sa kama habang nakatingin sa kisame.

Pupuntahan ko na si dean carl ngayon. Hinihintay ko lang mag-11pm. Sigurado kasi akong tulog na tulog na si zana pag ganung oras.

Inayos ko na ang sarili ko bago dahan-dahang lumabas sa condo. Mag-11 na eh. Nang maka-labas ako sa condo agad akong sumakay sa kotse ko.

Panigurado akong nasa CIS si dean carl kaya doon ako nagtungo. Nang makarating ako sa CIS dumeretso agad ako sa dating cafeteria at tama nga ang hinala ko. Andodoon si dean carl kasama ang mga tauhan niya.

"Dean carl" tawag ko sa kaniya.

"Oh, miss vic. Anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na?"

"May gusto lang ho sana akong itanong"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon