Chapter 81: Diamond

897 27 0
                                    

Zyra POV

"Li----" napatigil ako sa pag sasalita ng mag-ingay ang red group. Mabilis akong napalingon sa butas at napakunot noo ako ng may makita akong pinto, pinagkukumpulan nila ito.

May isang bababa ulit sanang red group pero mabilis akong tumakbo at mabilis kong tinakpan yung bibig niya. Nagpumiglas siya kaya tinutukan ko siya ng silence gun. Napatigil siya at nanginig sa takot, tsk, hinila ko siya papalayo doon.

At nang makalayo doon, pinakawalan ko siya. Kita ang gulat sa mata niya ng makita ako. Nilapitan ko siya ulit kita naman sa mukha niya ang pangamba.

"Ano ang kukunin niyo doon?!" Seryosong tanong ko sa kaniya.

"W-Wala-----"

"Ang hindi nagsasabi ng totoo, pinuputulan ng ulo" mas lalo siyang nangitla sa sinabi ko.

"S-Sasabihin ko na----"

"Ano?! Ang tagal----ow, not so fast" sinipa niya kasi ako, buti na lang naka-ilag ako. Sinuntok ko siya sa sikmura ng mabilis, kaya ayun nag-suka ng dugo ang loko.

Hindi pa ako nakuntento, sinipa ko siya ng malakas dahilan upang tumilapon siya sa pader. Tumingin ako sa kaniya nakasubsub na yung mukha niya sa lupa. Kinuha ko yung kwelyo niya at doon ko nakita ang mukha niyang duguan na.

"Ano? Hindi mo pa din ba sasabihin? O, gusto mo na talagang pumanaw?"

"S-Sasabihin ko na, p-pakawalan mo lang a-ako *ubo*" dumura siya ng dugo. "N-Nais nilang kunin y-yung *ubo* diamond *ubo* *ubo*" nabitawan ko siya dahil sa gulat. Diamond? Diamond ng puno? Shit! Uunahan pa kami!

Dali kong tinawagan si ninja at sinabi kong mag-dala siya ng dalawang grupong back up dahil sasabak kami sa madugong laban. Pagkatapos tumingin ako sa kinawawa ko, halos hindi na siya magkandaugaga sa kakaubo. Yan kasi! Bakit mo pa kasi ako kinalaban. Alam mo pag suot ko ang mask na ito nadedemonyo ako.

Pumunta ako kila yabang, kanina pa sila palinga-linga mukhang hinahanap nila ako. Nang makita nila ako nakahiga sila ng maluwag.

"Saan ka galing? Bigla-bigla ka na lang tumatakbo!" Sermon agad ni yabang, napaka-seryoso niya kaya katakot, lumunok ako at tumango.

"Bumalik na kayo sa campus"

"Ah? Bakit?" Takang tanong ni jace.

"Basta, sige na"

"And do you think iiwan ka namin dito?" Inis na sabi ni yabang, napabuga ako ng hangin at hinarap siya. Makakabayad na kami sa Ocean Blue pag nakuha na namin ang diamond ng puno.

"Please, sumunod na lang kayo sakin. At isa pa, magsisimula na yung practice niyo kaya shupi!"

"Aba, kung maka-utos ka akala mo kung sino" parinig ni lampa, umbagin ko ito, eh.

"Maiiwan ako" malamig na seryosong sabi ni yabang.

"Ako din" sabay na sabi ni Wayne at Bryant.

"Me too" sabay ring sabi ni troy at xylorh. Then, yun na nga nagsi-sabi na sila ng maiiwan din sila.

"Bahala kayo" saktong dumating ang tatlong van. Huminto iyon sa tapat namin. Nang makababa sila, yuyuko na sana sila ng senenyasan ko silang huwag dahil may ibang tao kaming kasama. Nagsitango na lang sila ng konti na tinanguhan ko din pabalik. "Stylish, green, kayo na ang bahala sa kanila.. Darklight and moonlight sumunod sakin... At kayo sa dati" tumango-tango sila. Tumingin ako kay yabang, seryoso lang siyang nakatingin sakin. Lumapit ako at bumulong sa kaniya. "Babalik ako...... Pangako" ngayon ko lang sinabi yan sa isang tao. At kapag sinabi ko iyan talagang tutuparin ko.

Tumakbo na ako kaya sumunod na sakin yung dalawa. Tumalon ako pababa sa butas at buti na lang nagpadulas ako kundi naku! Talaga! Ang lalim pala talaga!

May konting liwanag dito na nagbibigay sa itaas. Tumingin ako sa paligid, puro lupa lang makikita, senenyasan kong magdahan-dahan yung dalawa na agad nilang tinanguhan. Agad akong gumilid ng may dadaang dalawang red group sa harap ko. Agad ko silang binaril ng makalagpas sila sakin.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now