Chapter 51: Mafia Queen

984 33 0
                                    

Zyra POV

"Ah! Ikaw yung babaeng umupo sa harap ko! Hahaha, baliktad pa libro mo, ah! Hahaha. At isa pa, kaya pala nawawala yung calling card ko kasi naiwan ko at nakuha mo" nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni xylorh.

"Haha, then. Akala ko hindi ko na makikita nun si xylorh pero nagkamali ako kasi nabangga ko siya, hahaha. Natapunan ko ng kape yung uniform niya. Kaya ayun senermunan niya ako ng senermunan, hahaha. Hanggang sa lagi ng nagtatagpo ang landas namin. Lagi kaming nagbabangayan dahil lagi niya akong pinag-kukumpara sa lahat ng bagay katulad ni yabang, tsk. So, isang araw nakilala ko ang kaibigan ni xylorh dahil ka-team ko sila sa palaro. Nang manalo kami doon kami naging close lalo nila jace at luis. Tapos maka-ilang buwan nun umuwi dito si zana galing Singapore. Hindi kami close noon ni zana kasi sa ibang lugar kami pareho lumaki. Nang makitira samin si zana doon na kami konti-konti naging malapit hanggang sa naging close na kami at pinakilala ko na siya kila luis" mahabang kwento ko at uminom ako ng tubig.

"So, what next?" Tanong ni brix habang kumakain ng burger. Yeah, bumili sila ng pagkain para daw habang nagkwe-kwento ako kumakain sila.

"Yun, hanggang sa naging close kaming lima. Hanggang sa umamin sakin noon si x-xylorh na m-may gusto daw siya s-sakin"

"Oh, my, gosh, so anong nangyari? Naging kayo ba?" Tanong ni kc na kinangiti ko ng mapait.

"Hindi" napanganga sila ng sabihin ko iyon.

"Bakit?" Tanong ni deo.

"Kasi naaksidente ako" natigilan silang lahat sa sinabi ko.

"What? Bakit ka naaksidente?" Tanong ni Wayne.

"Saan ka nga pala pumunta nun?" Tanong ni luis.

"Pupunta sana ako sa bahay nila xylorh para sana s-sagutin siya. Kaso kung minamalas umulan ng malakas nun habang nagdri-drive ako papunta sa kanila. Syempre, malakas ang ulan nun kaya naisipan kong tumabi muna sa gilid kaso ganun na lang ang gulat at takot ko ng ayaw gumana ng break ng kotse ko. Kaya double-double na ang kaba ko lalo na nung may truck na papasalubong sakin. Wala na akong nagawa nun kundi ang umiyak at yakapin ang tuhod ko hanggang sa marinig ko na ang busina ng truck at yun na. Nawalan na ako ng malay"

Uminom ulit ako ng tubig kasi feeling ko nauubusan ako ng laway, haha.

"Akala ko nun hindi na ako sisikatan ng araw pero buti na lang nagising pa ako. Sabi nila na-comatose daw ako ng 2 years kaya isa daw miracle kasi nabuhay ako. Balak na sana akong i-give up ng mga magulang ko buti na lang daw nagising na ako"

"Eh, kung ganun bakit hindi kayo nagpapansinan noon? Tuwing pupunta tayo ng ISI?' Tanong uli ni lance.

"Kasi nag-panggap ako nun"

"Nagpanggap kang?"

"Nagpanggap akong may amnesia noon" nagulat sila sa sinabi ko na kinatawa ko na lang.

"Bakit mo ginawa yun?" Takang tanong ni yuan.

"Kasi may nagbanta sakin noon. If hindi ko ginawa yun. Baka hindi na natin nakikita sila xylorh ngayon" Napakunot ang noo nila.

"May nakakaaway ba kayo dati?" Tanong ni jacod.

"Wala noh" sabi naming lima.

"Kung wala bakit ganun?" Tanong ni Bryant.

"Hindi ko rin alam"

"Ang tanong kilala mo ba ang nagbanta sayo?" Tanong ni Frey.

"H-Hindi" palusot ko. Napabuga naman sila ng hangin.

"Teka, sino bang nauna mong nakilala? Sila patricia o sila lorh?" Tanong ni Wayne.

"Sila patricia"

"Hindi kaya sila ang nagbanta sayo?" Natawa ako sa sinabi ni jace.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now