Chapter 47: Noodles

970 28 0
                                    

Zyra POV

Nang matapos ang practice nag-punta na ako sa parking lot. Madami din akong inaral na tugtug kaya napagod ako.

"Mukha kang luntang gulay" sabi ni yabang kaya awtomatiko akong napaayos ng tayo. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun. Eh, dati naman wala akong paki. Hays.

"Tsk, ano bang paki mo?"

"Tss, may sinabi ba akong may paki ako?" Sinamaan ko siya ng tingin ng wala akong masabi. Bakit ganun? Dati-dati lahat ng sinusumbat niya may nasasagot ako. Bakit ngayon? Argh. Hindi na kita maintindihan self. Anong nanyayari sayo?

"Alam mo yabang. Wala ako sa mood ngayon!" Tama! Kaya ako nagkaka-ganito kasi wala ako sa mood?!

"Bakit parang wala namang nagbago sa mukha mo?"

"Ano bang meron sa----"

"Huwag mo ng tanungin, pandak. Masasaktan ka lang" napa-irap ako at sumakay sa kotse ko.

"Bahala ka nga diyan! Maghanap ka ng kausap mo!" Sabay alis ko sa lugar na yun.

Nang makarating ako sa condo agad akong humilata sa sofa. Nakaka-pagod. Tumingin ako sa kisame at tinitigan yun.

Ano bang nangyayari sakin tuwing nakakaharap ko si yabang? Para akong nawi-wirduhan sa sarili ko tuwing nakaka-harap ko siya. Bakit tuwing nandiyan siya bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit tuwing nandiyan siya hindi ako makapakali at parang may paru-paru sa loob ng tiyan ko na para akong nagugutom o nakikiliti? Hindi kaya.....

"What? No! Never! Never ko siyang magugustuhan! Argh, ano ba itong iniisip ko. Kinikilabutan ako! Hindi naman porket ganun ang nararamdaman ko eh may feelings na ako sa kaniya. Argh" para na akong baliw dito na kinakausap ang sarili ko.

Ano bang ginagawa mo sakin yabang?! Napaka-yabang mo tapos magugustuhan kita? Argh, never! Hindi ko matanggap.

Naligo muna ako bago humiga sa kama. Tumitig ulit ako sa kisame kasi hindi mawala sa isip ko si yabang.

"Bakit hindi ka mawala sa isip ko? Bakit lagi kitang iniisip? Wala ka lang naman sakin---wala nga ba? Argh" gumulong-gulong ako sa Kama dahilan para mahulog ako. "Arghh" sigaw ko at hinawakan ko ang bewang ko. Ang sakit.

Babangon na sana ako ng may makita akong maliit na papel. Taas kilay ko namang kinuha iyon at binasa.

'Gusto na kaya kita?!'

Halos itapon ko ang sulat ng mabasa ko iyon. Hindi ko siya gusto! Never ko siyang magugustuhan----argh, accept the truth, zyra. May gusto ka na kay yabang! Arghhh.

Napabuga ako ng hangin at dumungaw sa bintana. Kailan pa toh nagsimula? Bakit kailangan mangyari ito? Bakit ako nagka-gusto kay yabang? Anong nagustuhan ko sa kaniya eh ang yabang-yabang niya!

Kailangan ko na ba siyang iwasan para hindi ako lalong magka-gusto sa kaniya? Kailangan ko na bang lumayo? Bakit ako lalayo eh wala naman kaming ginagawang masama at isa pa hindi niya kasalanang magka-gusto ako sa kaniya kasi ako ang may nararamdaman sa kaniya. At hindi niya sinabing mahulog ako sa kaniya.

Argh, kasalanan ko ito, eh. Nagpabaya ako! Kaya pala hindi na ako nasaktan ng makita kong mag-halikan si joy at xylorh kasi si yabang na pala ang gusto ko at hindi na si xylorh.

Kaya pala naiilang ako kay yabang kasi may gusto na ako sa kaniya. Hays. All I have to do is to accept.

---

Nang makarating ako sa campus mabilis akong pumunta sa room. Ayaw kong masabat si yabang. Alam kong maiilang ako sa kaniya. Natatakot din ako baka pag nagkita kami, eh ma-imagine ko nire-reject niya ako.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang