Chapter 39: Parking lot

1K 31 0
                                    

Zyra POV

"Bakit ang tagal mo?" Inis na sabi sakin ni yabang ng makabalik ako. Nauna kasing bumalik si xylorh para hindi nila malaman na magka-sama kami.

"Ang dami kayang tao sa restroom, tsk" napataas ang kilay ko ng makita kong tulog si Natasha sa isang sulok. Baka lasing na. May kasama naman siya kaya. Kaya na nila yan.

"Tsk. Nag-restroom ka nga. Gulo-gulo naman damit mo. Useless" napa-irap na lang ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa mga kasama namin na nagpapalpa na lang.

Tsk, inom pa kasi. Hindi ako uminom kasi alam kong may trabaho ako bukas at yun ang iniisip ko na baka pag uminom ako hindi na naman ako makaka-pasok sa trabaho. Excuse na nga ako nung linggo tapos maabsenan pa ako bukas. No way.

"Oh, uminom kayo ng tubig!" Sabay abot sa kanila ng tag-iisang mineral bottle. Kinuha naman nila iyon at ininom. "Kaya niyo bang mag-drive, ah?"

"YEAH" sagot nila. Napa-irap na lang ako at umupo.

Kanina ko pa napapansin na ang tahimik ni yabang. Baka lasing na kaya tahimik na?

Hindi ko na siya pinansin pa bagkus naglaro na lang ako ng candy crush sa cellphone ko. Level 79 na ako dito. Eh, kasi naman bihira lang akong maglaro nito.

Nang magsawa ako kakalaro tinago ko na ang cellphone ko. Tumingin ako kay joy na ngayon ay inaasikaso si xylorh. Siya ang deserve mo xylorh at hindi ako.

"Thea, halika na. Uuwi na tayo" tawag ni troy kay thea. Siya nga pala ang nanalong prince sa GHS.

"Ah, oo kuya. Magpapaalam lang ako sa friends ko, kuya" siya ang kuya ni thea? Wow, naman kay liit ng mundo.

"Okay, bilisan mo" si patricia ang sumagot. Epal talaga. Hindi naman siya ang kinakausap.

Buti na lang pala at nakatalikod ako sa kanila at buti na lang pala at nakamaskara pa rin ako hanggang ngayon.

"Ahm, zy. Una na ako, ah" bulong ni thea na tinanguhan ko. "Una na ako, guys. Bye guys, nice to meet you ulit"

"Nice to meet you too. Bye" sabay-sabay nilang sabi na kinangiwi ko.

Tumango na lang si thea bago umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

"Ahm, guys okay na ba pakiramdam niyo?" Tanong ko sa kanila. Anong oras na kasi.

"Mm, kaya naman na namin. Kaya umuwi na rin tayo" sagot ni ashley.

Nagsitayo na kami at umalis na sa gym.

Habang naglalakad kami papuntang parking lot. Nag-uusap-usap sila. Pero, hindi ko maiwasang magtaka ng ang tahimik ni yabang. Problema nito?

"Inaantok ka na ba, ah? Yabang?" Taas kilay kong sabi. Ngisi niya naman akong tinignan.

"Bakit? Bubuhatin mo ba ako kung inaantok na ako?"

"Aba, ang kapal mo din eh noh? Hihahatid na nga kita tapos magpapa-buhat ka pa? Sapak gusto mo?"

"Nagtatanong ka tapos isusumbat mo ganiyan pag sinabi kong inaantok ako"

"Tinanong ko lang. Nag-request ka naman!"

"Tsk"

Nang makarating kami sa parking lot nagulat kami ng makita naming sinampal ni Patricia si...zimon? Anong ginagawa niya dito?

"Oh, my, gosh, Patricia" rinig kong sabi ni euna na nandito din pala.

Mabilis nag-init ang ulo ko sa ginawa ni Patricia anong karapatan niyang sampalin ang kuya ko?

At dahil sa galit ko mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya. Narinig ko pang tinawag ako ni zana pero hindi ko siya pinansin bagkus mabilis pa sa alas kwatrong....

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now