Chapter 3: Crush

3K 62 0
                                    

Zyra POV

Pagkatapos ng klase ng pang-umaga. Pumunta na kami sa Ice School International. Kung saan nag-aaral ang mga inspiration namin sa buhay.

Sa kotse na lang ako ni lance nakisakay. Para hindi magastar sa gas. As usual hindi makapakali si lance habang nag-dri-drive mukhang timang. Feeling naman niya first time niya niyan.

"Umayos ka nga. Pag-tayo nabangga lagot ka sakin" banta ko. Napabuga naman siya ng hangin.

"E-eh, kasi----"

"Kasi kinakabahan ka? Dapat nga sanay ka na dahil nagawa mo na yan noon!"

"Tsk, kahit nagawa ko na ito. Kinakabahan pa rin ako kasi iba naman kasi yung ex ko kay kc"

"Tss, pareho rin lang naman silang babae"

"Kahit na. Magka-iba sila ng ugali"

"Whatever" napatingin ako sa cellphone ko ng may mag-text.

From: mike

Hi. Where are you?

To: mike

Car.

From: mike

Ah? Where are you going?

To: mike

Malayo sa mga problema.

From: mike

Huh? Don't tell me......

To: mike

Hahaha, sira. Hindi noh. Papasyal lang.

From: mike

Hmm, okay. Sino nga pala kasama mo?

To: mike

Lance. My one and only brads, haha.

From: mike

Ganun ba? Sayang sabay sana tayo mag-lunch.

To: mike

Ah, sorry. Next time na lang.

From: mike

Okay lang. Aasahan ko yan, ah? Next time?

To: mike

Yep.

"Nandito na tayo" napatingin ako kay lance na pinark ang sasakyan.

"Una mong tatandaan na bawal natatae ang mukha doon"

"Asshhhhh!!!" Tinawanan ko siya. Haha, epic talaga ng mukha niya. "Bigay mo daw ito kay dean max" Sabay bigay niya ng white folder.

"Dumaan ka kay Dean kanina?" Tumango siya sa tanong ko. "Tsk, samahan mo muna ako"

"Ayoko nga! Ayoko pinag-aantay ang crush ko"

"Dami mo alam"

"Hehe, wait kita sa cafeteria" tumango na lang ako at bumaba na sa kotse niya.

Pumasok na ako sa loob ng campus. Sanay naman na ang mga students dito na makita kami kaya hindi na nila kami pinapansin. Hindi tulad noon na halos hindi nila maalis ang tingin samin ni lance noon. Noon lang atah sila nakakita ng maganda at gwapo, hahaha.

Nang makarating ako sa P.O. kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko naman si dean max na busy sa pagsusulat. Napa-tingin lang siya sakin ng makita ako sa harap niya.

"Oh, miss Vic" nakangiting sabi niya na tinanguhan ko.

"Good afternoon, dean. Pinapa-bigay nga po pala ni dean carl. Para daw po yan sa mga sports" sabay bigay ko ng white folder na agad niyang tinignan.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now