Chapter 63: Lambing

1K 34 0
                                    

Zyra POV

Nakulong si shadow. Mali kasi ang kaniyang ginawa. Mali rin na sumabatan at pagbintangan ako ng wala siyang ebidensya.

Ngayon paniguradong nag-wawala na ang mga magulang niya. Kinulong si shadow sa italy. Kami lang ni darklight ang nakaka-alam nun. Ako ang nag-utos na sa italy siya ikulong dahil mas maraming bantay doon kesa dito. Hindi agad siya makakatakas doon dahil napaka-liwanag doon at nagkalat ang mga gangster sa paligid.

"Bakit absent ka kahapon?" Tanong ni lance ng maka-upo ako sa upuan ko.

"Ah, may pinuntahan kami ni zyzeir"

"Nag-date kayo?"

"Hindi----maybe?"

"Ah? Ang gulo mo, ah!"

"Eh, sa hindi ko alam tawag doon. Magagawa ko"

"Absent-absent tapos hindi alam ang dahilan kung bakit umabsent" sinamaan ko nga siya ng tingin. Eh, sa hindi ko alam, eh. Ang pagkaka-alam ko. Pinasyal ko si yabang sa organization!

Dumating na si miss clown at agad na nag-turo. Napangiwi ako at nakinig. Oo, nakinig na ako. Sayang naman binabayad ko dito. Kahit nakaka-tamad siyang panoorin kinaya ko. Para sa ekonomiya gagawin ko, hehe. Oa ba sa ekonomiya? Sorry, naman.

Pagkatapos ng dalawang subject. Sa wakas. Reces na! Ito ang hinihintay ko. Pati din naman kayo pag may klase kayo, mm! Sabihin niyong hindi. Edi, hindi.

"Ang bagal mong maglakad" sermon sakin ni lance. Napangiwi ako.

"Eh, ikaw! Ang bilis mong maglakad! Maghintay ka nga, lance! Tinatakbuhan mo ba ako?!" Tumigil siya at hinila ako. Bwiset na lalaki toh! Isa pa tatamaan na toh sakin.

Luminga-linga siya sa paligid bago ako tignan.

"Baka makita ako ni aile----Aray, para saan yun?" Binatukan ko kasi siya.

"Nakita ka na niya kanina. Sa tingin mo susundan ka niya? Mahiya---"

"Sshhhh, ayun siya oh! Parang may hinahanap!" Turo niya sa hindi kalayuan. At napangiwi ako ng makita ko si aile. Para ngang may hinahanap siya.

"Hehehe, makabilang ako ng tatlo! Takbo na tayo, okay?" tumango-tango siya. "1! 2!... 3!-----TAKBO!" Tumakbo agad kami ng tumingin samin si aile.

Takbo lang kami ng takbo kaya pinag-titinginan na kami ng mga estudyante. Napaka-rami pa namang estudyante kaya nababangga namin sila. Matakasan lang namin si aile ayos na! Para kaming shunga sa totoo lang.

"Hey!" Napatigil kami dahil dun. Sila yabang. Nakahinga kami ng maluwag ng nasa cafeteria na pala kami. Lumapit kami kila yabang at mabilis kaming uminom ng tubig.

"Yah!" Sita nila samin pero hindi namin sila pinansin. Kakapagod kaya.

"Natakasan kaya natin siya?" Tanong ko agad kay lance.

"Siguro! Hays, ikaw kasi!"

"Huy, lalaki! Bakit ako! Kasalanan mo, ah!"

"Aba! Ikaw kaya!"

"Sino ba nanghila sakin?!"

"Sino bang nag-ayang tumakbo?!"

"Umagree ka naman! Saka nag-agree ba akong hilahin mo ako!"

"Pag hindi ko iyon ginawa makikita niya tayo"

"Kung hindi mo ako hinila hindi niya tayo makikita!"

"Nakita tayo kasi ang ingay mong mag-bilang!"

"Ikaw kaya ang maingay! Dadamay mo pa ako!"

"Ang ingay mo pang tumakbo!"

"Yung bag mo kaya maingay!"

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon