Chapter 48: Dance Blish

948 28 0
                                    

Zyra POV

Nang makarating kami sa bahay nila mike. Busy lahat ng katulong nila. Pina-upo naman ako ni mike sa sofa at nag-utos siya ng maid na bigyan ako ng meryenda.

"Kukunin ko lang yung uniform ko sa kwarto ko. And if you need anything. Punta ka lang sa blue door. That's my kwarto. Okay?" Tumango ako at umalis na siya.

Ang sarap ng cookies kaya okay na ito sakin. Kung alam ko lang gumawa ng cookies baka araw-araw akong gumawa sa condo. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong mag-ring. Napakunot ang noo ko ng unknown number.

"Hello?" Sagot ko ng masagot ko na ang tawag.

"Huy, pandak! Bat ang tagal niyo?!" Parang dinambo ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Si yabang! Paano niya nakuha yung number ko? Tsk, baka kinuha niya kay zana.

"A-Ah? K-Kasi hinahanap n-niya pa yung uniform niya" tsk, kailangan ko ba talagang mag-explain?

"Tsk, 30 minutes na kayong wala. Tapos hindi niya pa rin nahahanap?" Muntik ko ng naitapon ang cellphone ko sa sinabi niya. Inorasan niya kami? Tsk, anong trip mo, yabang?

"Oh, eh. Ano naman ngayon? Hinahanap niya ngarod anong magagawa ko?"

"Tsk, bilisan niyo! Pag-lunch break wala pa kayo. Humanda ka sakin" sabay patay niya ng tawag. Hindi ko alam pero napangiti ako. Tsk, yabang.

"Ah, manang paki tawag na ho si mike. Hinahanap na ho kasi kami. Baka malate ho siya sa practice nila. May laban pa naman siya mamaya" sabi ko sa maid na kadadaan lang sa harap ko.

"Sige po, ma'am" at umalis na siya.

Tumingin-tingin ako sa paligid. Maganda rin naman ang bahay nila mike kaya maganda ring huwag ng lumabas habang buhay, hahaha char.

"Oh, mike. Buti andiyan ka na" sabi ko at umayos ng tayo.

"Diba, sinabi ko pag may kailangan ka tawagin mo ako sa kwarto ko?" Napalunok ako ng ang seryoso niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

"Ahm, k-kasi masakit paa ko. H-Hindi ko pa n-napapa-check up" palusot ko, hehe. Ayaw ko kasing iwan yung cookies na kinakain ko.

"Tsk, whatever. Halika na" sabay alis niya. Sumunod naman ako sa kaniya.

"Ahm, mike. May problema ba?"

"Nagtatampo ako sayo"

"Ah? Bakit-----"

"Kasi hindi mo sinunod yung sinabi ko" yun lang ba? Big deal ba yun?

"Ganun ba? Ano ba meron doon-----"

"Wala. Sumakay ka na" bumuga ako ng hangin at sumakay na.

---

"Bakit ngayon lang kayo?" Malamig na bungad samin ni yabang ng makarating kami sa garden.

"A-Ah, kasi------"

"Hinanap ko pa itong uniform ko" seryosong sabi ni mike. Nailang naman ako kaya umalis na ako sa tabi nila.

"Painom nga" sabi ko kay zana at ininom ang tubig niya.

"Bakit ba ngayon lang kayo? Kanina pa hindi mapakali yan si kaizer" talaga? Bakit kaya?

"Hinanap niya pa uniform niya, eh" Tumingin ako sa kanilang lahat. "Tara na. Mag-lunch na tayo"

"Mabuti pa nga. Tara na" sagot nila.

Nang makarating kami sa cafeteria. Pumunta agad kami sa kaniya-kaniyang table namin. Tulad ng dati si lance ang mag-oorder at ako naman ang taga-antay, haha.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon