Chapter 70: Friendship

839 31 0
                                    

Zyra POV

"Anybody here?!" Sigaw ko pa at naglakad-lakad sa buhangin. Panay din ang hawak ko sa braso ko kasi mahamog dito sa isla at isa pa walang katao-tao dito at sobrang tahimik ng lugar.

Bakit ganun? Kung saan may magandang lugar doon naman wala ang mga tao? Hays. Umupo ako sa buhangin at hindi ko maiwasang mapangiti dahil pinong-pino ang buhangin at puting-puti.

Tumingin ako sa dagat kulay berde na may asul ito. Nakakawala ang stress. Pero teka nga! Nasaan na ba ako? Yan kasi! Langoy ka ng langoy tapos hindi mo alam kung saan ka mapapadpad!

Tumayo ako ng may maalala ako. Sila yabang! Shemay! Baka nag-aalala na sila. Sumulyap ulit ako sa kabuoan ng isla. Napaka-ganda dito kaya gusto kong ipunta ang mga kaibigan ko dito.

Pumunta ulit ako sa dagat at lumangoy. Buti na lang naalala kong may cave akong nadaanan kaya yun ang hahanapin ko.

Napangiti ako ng may makita akong cave. Pumasok ako doon at lumangoy-langoy ulit ako. Hindi ko maiwasang mapangiti kasi napaka-pamilyar ng cave na ito sakin. Nakita ko na ba ito dati? Hays.

Lumabas ako sa cave at umahon na ako. At muli naghabol ako ng hininga. Gusto kong matawa ng makita ko sila yabang na nag-aalala na at nag-uusap-usap na. Natatawa akong lumapit sa kanila.

"Hey" tawag ko. Napatingin sila sakin at nakahinga sila ng maluwag.

"Where did you go?" Nag-aalalang sabi ni yabang at lumapit sakin. Natawa naman ako.

"Pumunta ako sa napaka-gandang isla. Gusto niyo bang makita? Ipupunta ko kayo doon ngayon"

"Ah? Saan naman iyon?" Tanong ni luis.

"Waahhh, tara na! Tignan natin" tuwang sabi ni kc.

"Maganda ba talaga?" Hindi makapaniwalang sabi ni jasmine. Tumango-tango ako.

"Sobrang ganda. Ayaw ko na ngang umalis doon kanina kaso naisip ko kayo kaya bumalik ako dito"

"Kyaahhh, excited na ako. What are you waiting for pa! Let's go na" atat na sabi ni mish. Natawa tuloy ako.

"Okay, let's go----"

"Wait" napatingin kami kay lance. "Hindi pa ba tayo kakain? Tanghali na"

"Ano ba, honey! Mamaya na tayo kumain!" Napabuga naman ng hangin si lance at tumango. Hinawakan ni yabang yung kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Huwag ka ng umangal. Pinakaba mo ako ng sobra-sobra kanina" napangiti ako at lumapit sa kaniya.

"I love you, yabang" bulong ko sa kaniya. Napa-tsk naman siya kaya natawa ako. Yabang, tsk.

"Te amo, pandak" natawa ako sa sinabi niya. Pinisil ko iyong ilong niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ahem!" Napatingin kami sa mga kaibigan namin. Napailing na lang ako.

"Tara na nga. May mga papansin----hahaha, kidding" samaan ba daw ako ng tingin.

----

"Wow, ang ganda naman dito" tuwang sabi ng mga babae. Nandidito na kami sa isla at tulad ko kanina namangha sila.

"Sana dinala ko yung camera---aray, para saan yun?" Binatukan ko kasi si Troy.

"Mababasa yung camera. Remember?!"

"Hehehe, sabi ko nga"

"How did you find this beautiful place?" Tanong ni yabang. Lumapit ako sa kaniya. Babatukan ko na sana siya ng samaan niya ako ng tingin kaya ngumiti ako ng malaki.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon