Chapter 65: Selos

Start from the beginning
                                    

"Aalis na!"

"Ah, okay. Andiya-diyan nga pala si Sam" agad siyang umupo. Natawa tuloy ulit kami.

"Pinagtri-tripan mo ba ako?!"

"No! Of course not!" Tumingin ako sa kaniya. "Halika na! Sasamahan na kita kay doc vin"

"Hindi na. Ayoko ng lumabas!"

"Ah, sige. Pag nakita lang kitang lumabas mamaya. Lagot ka sakin" napasandal na lang siya sa inis. Natawa tuloy kami lalo. Tumingin ako kay yabang. "Tawa ka ng tawa. Kumain ka" sinamaan niya agad ako ng tingin. Yeah, yabang wins.

"Bro, may gusto ka kay sam?" Ngising tanong ni luis. Mas lalo namang napapikit si yuan.

"Of course not. Of course that will never happen!"

"Then, why you're so guilty?" Tanong naman ni xylorh.

"Of course. I'm not guilty. I-I'm just saying the truth" nagkibit balikat naman agad ako ng tumingin sila sakin. Bakit ako? Eh, nagsasabi lang ako ng totoo.

"Oh, babe" napatingin ako kay yabang. Ubos niya na. Masunuring yabang.

"Gusto mo pa ba? Bibili kami ni yuan sa labas"

"Nah, I'm full"

"Okay" napatingin kami sa pinto ng bumukas ito. At napangiti agad ako ng makita ko kung sino ang pumasok. "Dadu"

"Oh, my princess"

"At kailan pa kayo bumalik sa trabaho? Mm?" Nagpamewang ako sa harap niya. Napakamot ulo naman siya.

"Hehe, kanina lang----"

"Dadu?"

"Nung bumisita ako sayo" napasimangot ako. Ang tagal na nun at kakalabas niya lang sa hospital nun. Napaka-tigas talaga ng ulo niya katulad ko.

"Dadu, naman eh. Paano kung mabinat kayo!"

"Hay, naku couz! Pinag-sabihan ko na rin si tito vin pero, hays. Sadyang matigas ang ulo. Katulad mo" natawa si dadu sa sinabi ni zana. Tsk, magka-katulad lang naman kami.

"Dadu, tignan niyo na ho si yabang--este zyzeir. Makakalabas na ho ba kami agad?" Deretso kong sabi. Natawa naman siya.

Lumapit siya kay yabang. May sinabi-sabi siya kay yabang pero hindi ko naririnig. Ang hina ng boses nila. Feeling naman nila strangers kami! Umupo na lang ako sa isang tabi. At nag-isip ng nag-isip.

Kailangan kong maka-usap si dadu ng masinsinan. O kaya si yaya soling. Alam kong may nalalaman pa siya tungkol sakin. Impossibleng wala na. Hindi naman niya agad ako papaalisin kung wala pa siyang nalalaman. I want to know everything, yaya soling.

"Hey" tawag sakin ni xylorh. Napatingin ako sa kaniya. "Ang lalim ng iniisip mo, ah. May problema ba?"

"Ah, wala naman. May iniisip lang"

"Ano naman yun? Tell me. Hindi naman ako iba sayo, diba?" Tumango ako.

"Iniisip ko lang yung dati" natigilan siya. Ngumiti ako. "Saan ko kaya siya matatagpuan?"

"Delikado yang iniisip mo, zyra"

"Pero, gusto ko siyang makita. Please, xylorh sabihin mo sakin. Tulungan niyo ko" umiling-iling siya.

"Delikado siyang tao, zy. Ayaw kitang mapahamak"

"Matagal na akong napapahamak, xylorh" tumingin ako sa mata niya. "Ayaw kong mapahamak si zyzeir. Kaya please, xylorh. I'm begging you tulungan niyo ako. Ayokong mawala sakin si zyzeir. Mahal na mahal ko siya. Kaya please"

"Sinasaktan mo naman ako" natigilan ako sa sinabi niya. "Napaka-swerte ni kaizer. Dahil meron siyang ikaw. Alam mo namang mahal---"

"Stop, xylorh. Mag-move on ka na. Andiyan na si joy. Si Stella. Siya ang karapat-dapat sayo"

"Sana ganiyan kadali, zyra?"

"Alam mo ba kung paano ako naka-move on?" Tinitigan ko siya. Nag-iwas naman siya ng tingin. "Inisip ko parati kung sino ang nasa tabi ko palagi. Sa kaniya ko itinutuon ang atensyon ko. Siya lagi iniisip ko hanggang sa unti-unti ko siyang nagugustuhan kahit may pagkasama yung ugali niya. Walang araw ang lumipas ng hindi ko siya inisip. Mula sa pagbangon at pagtulog siya iniisip ko. Xylorh, ganun gawin mo" napayuko siya. Napabuga naman ako ng hangin.

Alam kong mahirap ang pinag-dadaanan niya. Bakit kasi iniwan mo ako. Bakit kasi hindi ka bumalik agad? Hinintay kita noon. Napaka tagal nun, xylorh pero, hindi ka bumalik. Bagkus may dumating. Bakit? Ayaw mo ba akong makasama noon sa pag-galing ko? Alam kong may pagkukulang rin ako kaya hindi ko siya pwedeng sisihin sa lahat ng bagay.

"Kung ayaw mo akong-----"

"Tutulungan kita" tumingin siya sakin. "Tutulungan ka namin" napangiti ako.

"Salamat. Maraming salamat" tumayo ako at humarap sa kaniya. "Ngayon haharapin natin siya. Siya ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito ngayon" tumango-tango siya.

"Couz, makakalabas na si kaizer" napatingin ako kay zana. Tumango ako at tumingin muli ako kay xylorh.

"Sige na. Puntahan mo na siya"

"Lagi mong tatandaan na andidito lang ako/kami. At lagi mong tatandaan andiya-diyan lang siya palagi sa tabi mo"

"Thank you, zyra"

"No. Thank you, xylorh. Thank you sa lahat" tumango-tango siya. Lumapit na ako kay yabang.

"Bakit ang tagal mo?!" Inis niyang sabi. Tumabi ako sa kaniya. Ang yabang na masungit, hehe.

"I love you" natigilan siya at tumingin sakin.

"Tsk, baka naman si lorh ang sinabihan mo" napangiti ako.

"Seloso"

"What?! No, I'm not"

"Hindi daw. Tsk, oh maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Maayos na maayos na, tsk" sabay irap niya. Napaka-supladong yabang. Nasa kaniya na nga ang lahat.

"Nasaan ang mommy mo?"

"Nasa japan" napa-kunot noo ako sa sinabi niya. Anong ginagawa ng mommy niya dun? "Nasa Japan siya para sa business, tsk" ah, okay.

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Tss, dun ka na sa lalaki mo" aba, napaka-seloso. I can't believe na ang isang Zyzeir Kaiser Lopez ay isang seloso.

"Kinausap ko lang yung tao. Ano ka ba?! Huwag kang mag-alala dahil hindi kita ipagpapalit"

"How you sure?"

"Hindi ko alam na paulit-ulit ka pala. 100% percent sure"

"Tsk" hindi ko na alam gagawin ko sa kaniya!

"Okay fine! Malalaman mo rin naman. Huwag kang atat" inirapan niya lang ako.

Hindi ko ini-expext ito. Sa lahat ng nagustuhan ko bumabago sakin kinalaunan pero siya. Walang pinag-bago. Pero, siya lang ang nakapag-paramdam sakin na kakaiba kapag nagmamahal. Sa kaniya ko lang ito naranasan.

At mas lalong hindi ko ini-expext na magkaka-gusto ako sa kaniya. Mali! Hindi ko ini-expext na mamahalin ko siya higit pa sa sarili ko.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now