Chapter 63: Lambing

Start from the beginning
                                    

"Enough!" Awat nila samin. Napatigil tuloy kami at napatungo. Pahamak ka lance! Humanda ka talaga sakin!

"Bakit na naman kayo nag-aaway? Hindi talaga kayo nag-sasama ng tahimik noh? Kapag magkasama kayo aso't-pusa kayo parati!" Sermon samin ni zana. Napangisi tuloy ako.

"Siya aso! Mukha siyang buldog na nag-lalaway pag gutom! Hehehe" sinamaan niya ako ng tingin. Mabilis akong nagtago sa likod ni yabang.

"Bakit kayo tumatakbo?" Takang tanong ni xylorh.

"Hinahanap daw kasi siya ni aile kaya ayun tinakbuhan namin si aile" natawa sila.

"Oh, bakit niyo siya tinakbuhan?"

"Ewan ko ba diyan kay lance!"

"Baka may sasabihin yung tao?" Saad ni winnie. Napabuntong hininga ako at umupo.

"Si lance kasi!"

"Bakit ako?!"

"Bakit tayo tumakbo!"

"Aba, malay ko sayo" napailing na lang sila. Hehe, ganito kami, eh

"Kumain ka na. Baka mamaya isumbat mo na naman sakin na hindi kita pinakain" tama si yabang! Kumain na lang ako kesa makipag-talo sa bwiset na lance na yan!

Ang sarap ng pagkain. Hehe, libre kaya masarap----

"Yung bayad mo?" Sabay lahad niya ng kamay. Nganga akong napatingin kay yabang. I can't believe this!

"Ano?!"

"Yung bayad mo!"

"May bayad toh!"

"Oo naman. Pera ko yan noh kaya bayaran mo!" Aba! Hindi ako makapaniwala sa mayabang na toh! Ang yaman-yaman na nga hindi pa manglibre!

"Oh, hindi ko na kakainin! May bayad pala set A pa naman yan kaya mahal!" Tumingin ako kay lance. "Lance, bili ka na ng pagkain ko!"

"Ah? May pagkain ka na, ah"

"Hindi ko yan pagkain! May bayad yan! Sayo wala! Kaya sige na! Isipin mo na ang na nasa CIS pa rin tayo----"

"Tsk, ikaw pala ang hindi mabiro" bulong ni yabang. Napangisi ako.

"Ano pang hinihintay mo, lance? 15 minutes lang recess natin-----"

"Kakainin mo yan o susubuan kita?" Inis na sabi ni yabang. Taka akong tumingin sa kaniya.

"May ba----"

"Wala! Binibiro lang kita!" Napangisi ako lalo.

Hehe, ayaw niya bang ilibre ako ni lance? Eh, kung ayaw niya ako gusto ko! Hindi naman siya yung ililibre pero kung mag-ayaw niya feeling siya, hmp!

Masaya akong kumain. Hays, buti ganito buhay ko dito. Libre pagkain! Hindi ko na nagagalaw yung credit card ko. Magagalaw ko lang pag may birthday sa kanila. Edi, yun na rin ang bayad ko sa kanila, hehehe.

"Ano na namang kailangan mo samin?" Tanong ni Sam. Napatingin kami doon.

May live show na namang magaganap. Bibilisan ko ng kumain baka sabihin na naman ni yabang na 'Tatayo ka o bubuhatin kita' o di kaya 'Now! All of you! Go back to your room' EDI! Hindi na naman ako nakakain.

"Hays, hindi na sila natapos" sabi ni zana at umiling-iling. Hindi ko sila pinansin at kumain lang ako.

"How many times do I have to tell you na hindi kayo nababagay dito!" Mataray na sabi ni natasha. Psh, hindi nga rin siya nababagay dito.

"Dahan-dahan nga! Para kang nauubusan" saway sakin ni yabang. Hindi ko siya pinansin. Uminom ako ng tubig. Ang sakit sa lalamunan at bunganga.

"15 minutes lang ang break" sabay subo ko ng burger.

"Pero, huwag mong madaliin ang pagkain!"

"May nag-aaway oh! Puntahan mo na! Sermunan mo na!" Sinamaan niya ako ng tingin.

Tumingin ako kay xylorh. Kinuha ko yung pamalo niya. Ewan ko kung saan niya ito nakuha.

"Bakit mo kukunin yan?" Masungit na tanong niya. Ngumiwi lang ako. Tumingin ako kay yabang.

"Oh! Pang-palo mo para manahimik sila. Sa susunod gagawa ako ng uniform mo at may nakasulat sa likod! Tanod, hehehe" sinamaan niya lalo ako ng tingin. Ngumiti naman ako ng pilit. Yung labas lahat ng ngipin.

"Kung ikaw kaya gawin kong tanod?"

"Sus! Hindi na kailangan! Lagi naman akong nag-lilibot at nag-aawat kapag may nag-aaway" tinaasan niya ako ng kilay. Ngumuso na lang ako. Bakit hindi ba?

Tumingin ako kila taylor at fred. Busy silang kumakain habang nanonood kila natasha. Bakit sa kanila ang daming pagkain? Samantalang sakin parang binawasan?

"Anong tinitingin-tingin mo sa kanila?" Masungit na sabi ni yabang. Tinignan ko siya at nag-puppy eyes ako.

"Alam mo, babe. Ang gwapo-gwapo mo" malambing kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Alam ko" ano ba yan! Bulok!

"Syempre! Iba sa paningin ko noh! Mas lalo kang gwuma-gwapo pag----"

"Nililibre kita ng pagkain?" Yeah! Ang galing mo!

"Hindi ah" deny pa tayo, ah! Alangan namang sabihin ko agad. Syempre hindi siya papayag na bilhan ulit ako ng pagkain! "Mas lalo kang gwuma-gwapo pag tinititigan kita"

"Deretsuhin mo na ako. Ano na kailangan mo?"

"Ah! Wala nga! Bahala ka nga diyan!"

"Sus! Waiter----ito na lang pa lang pagkain ko. Oh, sayo na" nagdiriwang ang aking tiyan, haha. Kakain na sana ako ng....

"Zy, tara na" aya sakin ni lance. Tinignan ko siya ng masama.

Yun na yun, eh! Nag-lambing-lambing pa ako kay yabang tapos mapupunta sa wala itong pinag-hirapan ko? Bwiset ka talaga, lance!

"Oh, tinatawag ka na! Kaya akin na yan" sabay bawi ni yabang. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi pa noh! May five minutes pa bago matapos ang break! Sadyang atat lang tong si lance. Tumingin ako kay kc. "Kc, pagsabihan mo nga yang si lance"

"Why?"

"Atat atang makita si aile" sumama agad ang mukha ni kc. Tumingin siya kay lance. Hehehe, lagot kang lance ka!

"Totoo ba ang sinabi ni zyra, mm? Gusto mo ng makita that cheap aile?" Napalunok agad si lance.

"O-Of course not! Bakit ko naman siya gustong makita? Eh, sa totoo lang ayaw ko ng makita yun!" Tumingin sakin si lance. "Huy, babae ano na namang----"

"Babe, oh!" Sumbong ko kay yabang habang nakaturo kay lance. Napalunok naman agad si lance kasi sinamaan siya ng tingin ni yabang. Hmp! Ako pa rin ang panalo.

"Sasali ba kayo ng camping? Oh, my, gosh, I can't wait na" napatingin kami sa nagsalita. Ang impaktang kinulang sa tela.

Ginagawa ni Natasha dito?! Hays, manggu-gulo na naman ba siya? Hindi na talaga siya nadala sa sinabi ko.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now