Chapter 55:Reunion

108 2 0
                                    

-Author's Note-
Hi aym back. Halos isang buwan na ata akong walang update. Naging busy sa online class dahil patapos na ang 1st grading at nagkasakit na din.Sorry sa lahat ng mga naghintay at thankyou sa 18k reads and 702 votes. Mahal ko kayong lahat.Staysafe!!

Fb:Mary Heart Joy Alday
Instagram:binnie_cookie
Twitter:@ry_alday

Blake's POV

Nagising ako ng masakit ang ulo.Nakahawak pa ako sa ulo ko ng bumangon ako dahil sobrang sakit talaga. Hindi naman madami nainom ko kagabi a? Konti lang yon pero sobra sumakit ulo mo.

Iminulat ko ang mata ko at nagulat ng makitang wala ako sa mismong kwarto ko. Hindi naman yellow ang design ng kwarto ko. Puro yellow nakikita ko dito.

"Gising ka na pala.Masakit ulo mo?"napalingon ako sa pintuan ng marinig ang boses na yon.Napagalaw pa ako ng makita kung sino yon.

"Maxine."banggit ko sa pangalan niya. Ngumiti naman siya sa akin at ibinaba ang tray na hawak niya. May juice doon at rice na may pork steak. May mga iba't-ibang prutas din siysng nilagay. Maayos ang pagkakalagay nila.

"Maligo ka na muna bago ka kumain." Iniabot niya sa akin ang plastic bag na siguro ay damit ang laman."Matutulog muna ako habang naliligo ka chupi."At pinagtulakan niya ako papasok sa banyo. Natawa naman ako at iiling iling na pumasok sa banyo.

Nagsimula na akong maligo.Mukha akong abnoy kasi nakangiti ako habang naliligo. Ang saya lang sa pakiramdam lahat ng nabgyayari ngayon.Worth it lahat ng pagod namin dati.

Mabilis naman akong natapos at nagbihis na din ako sa loob ng banyo. Wala ako sa sarili kong kwarto at babae pa naman ang kasama ko kaya hindi ako lalabas na nakatapis lang ng tuwalya.Malaki ang respeto ko kay Maxine.

Paglabas ko ay naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya habang nagcecellphone.

"Tapos ka na kumain?" tanong ko sa kaniya at naupo sa dulo ng kama. Inayos ko na din ang pagkain na dala niya.

"Yes" ang tanging sagot niya. Tutok na tutok siya sa phone niya ano bang meron don?

Nagsimula na akong kumain habang may kinakalikot din sa phone ko. Nagpost ako ng mga picture namin ni Maxine sa instagram. And wala pang isang minuto ang dami na agad ocmments and likes.

Picture namin ni Maxine yun kagabi. Sinend lang din sakin ni Marc ang picture na yon. Yung picture na yun ay yung nagpropose ako sa kaniya. Nakaluhod ako habang may hawak na singsing at nakatayo si Maxine sa harap ko habang naluluha.

"Why did you post that?" Nilingon ko si Maxine ng marinig ko siayng inis na sumigaw sa akin.Natawa naman ako sa itsura niya kaya nginitian ko na lang siya.

"You look happy in that picture." nakangiti kong sagot at hindi naman nakatakas sa akin ang pamumula ng mukha niya.

Cute!

Maya maya ay tumayo siya at lumayo ng konte ng tumunog ang phone niya. Yung ibang boyfriend ayaw na luamlayo ang girlfriend nila kapag sumasagot ng tawag pero ako hindi. Privacy niya yon at sobrang laki ng tiwala ko sa kaniya.

"Si Brent. May biglaang reunion daw."sabi niya ng matapos ang tawag."Magbibihis muna ako a."nakangiti niyang sabi at agad na siya ng pumasok sa banyo.

Napangiti naman ako kasi sinabi niya sa akin kung sino ang tumawag sa kaniya kahit na hindi ko naman tinatanong.And wala na din naman sa akin kung sino ang kausap niya kasi engage pa lang kami at gusto kong magenjoy muna siya pero alam niya ang limitasyon niya.

Naiwan naman ako magisa dito sa kwarto niya kaya mabilis kong tinapos ang pagkain ko at pumunta sa kwarto ni Zexien.Naabutan ko pa siyang nagaayos ng buhok niya sa harap ng salamin.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon