Chapter 11:Bawal Magdemand

673 13 1
                                    


MARC's POV~

Nang makarating kami sa mall ay agad kaming bumaba at pumasok na sa loob. Sa pagpasok namin ay umingay na naman ang dinadaanan namin. Puro estudyante na nag-aaral din sa school namin.

Ayan na naman sila.

"Grave ghorl ang bait ni Maxine tinulungan niya yung nerd kanina."

"Mabait na maganda pa!"

"Sinugod daw siya nung Bea."

"Nagagalit si Bea kasi inaagaw daw ni Maxine si Blake kahit hindi naman. Napakadesperada!"

Mukhang tinatarget na ni Bea si Maxine. Mukhang magkakagulo talaga at mapapahamak si Maxine. Nginitian lang namin silang lahat at dumiretso muna sa clothes shop dahil bibili daw si Maxine ng damit para makapagpalit dahil hindi daw siya makakapaglaro ng maayos sa suot niya. 

Sobrang ganda niya! Legit no lies.

Nang makapili siya ay pumasok na agad siya sa fitting room.Inaantay na lang namin siyang lumabas bago kami pumunta sa arcade. Ilang saglit pa ay lumabas na si Maxine kaya napalingon kami sa kaniya at lahat ng mga tao na nando'n sa store ay napapalingon din.

Iba talaga ganda niya, hindi nakakasawa.

She still looks stunning even if she is wearing an oversized plain shirt with a shade of rust and denim shorts. Bumili rin siya ng sapatos at ipinalit sa sandals na suot niya. Kahit anong suotin niya, bumabagay pa rin.

Lumapit na siya sa amin at niyaya na niya kami. Habang naglalakad kami ay napapatingin sa kaniya lahat ng nakakasalubong namin kaya hinila siya ni Zexien at pinagitnaan nila ni Zeid habang naglalakad.

Nang makarating kami sa arcade ay maraming mga estudyante na naglalaro. Lumapit kay Maxine ang iba at nagpapicture. Yung iba ay nagpapavideo greet. Patapos ay nagsimula na kaming maglaro. Lahat inikot namin at lahat nalaro namin which is good. At nang mapagod kami ay napag-usapan na naming bumaba na at maghanap ng makakainan. 

"Jollibee na lang tayo," sabi ni Zexien at tumango naman kami. Sa ibang fast food kasi punuan kaya dito na lang kami konti pa ang tao. Sina Herbert at Blake na ang umorder.

"Bestfriend iiwasan mo si hipon, okay!" pagpapaalala ni Jake at inakbayan si Maxine. Hindi ko malaman kung si Jake na ang kuya niya. Tinalo niya pa yung dalawang kuya ni Maxine.

"Opo kuya." natatawang sagot ni Maxine kaya natawa naman kami. Dumating na rin ang pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain.Tahimik kami habang kumakain parang ayaw magpaistorbo ng bawat isa. 

Focus sa pagkain, huwag sa iba.

Ang lahat ay nakatuon sa pagkain at wala ng iba.Mabilis naman kaming nakatapos dahil nga hindi naman kami nagkwentuhan at kumain lang ng kumain. Nagpahinga muna kami sandali bago kami lumabas. Bumili lang muna kami sandali ng damit para sa gagamitin namin sa isang araw. Ipapakilala kasi ang lahat ng investors ng school. Nang makabili kami ay pumunta na kami sa parking lot at nagdesisyon na umuwi na kami.


~JAKE's POV~

Nang makarating kami sa bahay nila ay bumaba muna kami para magpaalam.

"Sa bahay na muna ako matutulog kitakits na lang bukas" ani Marc na sinag-ayunan naman namin. Ilang araw na rin kasi kami nakikitulog sa bahay nina Zexien kaya medyo nahihiya na kami.

Medyo lang naman.

"See you!" sabi naman ni Blake at pumasok na sa kotse niya. Kumaway at nagpaalam na muna ako kina Zexien at pumasok na rin sa kotse ko. Nakita kong sumakay na rin si Herbert at pinaharurot na ang kotse niya na sinundan naman namin.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon