Chapter 29:No more Flumes

201 11 0
                                    

Nang magising ako ay ako na lang nandito sa Music Room.Mukhang maaga silang umalis at iniwan akong magisa dito.Tiningnan ko ang orasan ko at 9:00 na kaya agad akong bumangon ay dumiretso sa banyo.Gosh pupunta pa pala ako sa gym ngayon.Napasarap ang tulog ko a.Hindi man lang ako ginising ng mga ugok.

Tsk

Binilisan ko na ang pagligo ko.Nakakahiya na kasi lagi na lang akong nalelate.Hindi naman nagtagal ay natapos na ako maligo.Kaya mabilis akong nagbihis at nagayos ng aking face.See through embroided off shoulder three quarter sleeve blouse ang aking suot at nagsapatos na lang ako.

A/N:Maxine's OOTD

Nang matapos ay agad akong lumabas papuntang gym

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang matapos ay agad akong lumabas papuntang gym.Syempre madami na namang studyante ang nagkalat.Yung iba ay nagdedesign na para sa darating na interhigh.Yung iba naman ay kumakain sa cafe.Wala ba silang klase sa oras na to at pakalat kalat sila?

Nakarating na ako sa gym at nandun na silang lahat.Kahit si Jake ay nandun na at presentableng nakaupo na akala mo ay boss.Walanghiya talaga hindi man lang ako ginising.Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Brent.

"Goodmorning,sorry late"pagpapaumanhin ko habang akward na ngumiti.Binati din nila ako at tinatanong kung bakit nalate ako.Sinabi ko na lang na napasarap ang tulog ko.At syempre hindi din ako ginising ng hinayupak na mga kasama ko.

"Hindi ka ginising ni Jake?"tanong ni Mocky  habang nakaturo ang hintuturo sa mukha ni Jake.Umiling ako bilang sagot ko.

"Dragona kasi yan"sagot ni Jake kaya matalim ko siyang tiningnan.Nakuha pa niya talaga akong asarin pagkatapos ng hindi niya paggising sa akin.Ibang klase talaga tong taong to.

"Tama na yan magtraining na kayo sina Brent at Maxine naman ang magppractice rumampa"sabi ni coach na kararating lang.Agad naman silang sumunod at nagsimula ng magtraining.

"Bakit nandito sina Blake at Bea?"tanong ni Brent at hinawakan ako sa bewang ko.NIlingon ko naman siya at nakangisi lang ang loko.Medyo nakikiliti ako kasi lumalapit ang balat niya sa balat ko.

"Hoy bat may paghawak?"sigaw ni Jake kaya napalingon lahat ng nasa gym sa kaniya.Kahit kailan talaga walang kahiya hiya.

"Siraulo"bulong ko pero mukhang narinig ni Brent dahil natawa siya.

Ako kasi ang nahihiya sa ginagawa niya.Parehong pareho sila ni Marc walang kahiya hiya sa katawan.Sa susunod yun ang ituturo ko sa kanila.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.Magpapractice lang naman kami rumampa pero kinakabahan ako.Wala naman sigurong mangyayaring masama diba?Kapag nasa paligid ko si Bea feel ko may gagawin siyang masama laban saken.

"Okay ka lang?"tanong ni Brent na ngayon ay humigpit na ang hawak sa bewang ko.Nilingon ko siya at ngumiti.

"Sure?"

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now