Chapter 48:Awarding

107 5 1
                                    

Madaming typo di perpekto si author.
________________________________________

-ZEXIEN's POV

Nandito kami ngayon sa mga stall. And pumipili kami kung anong bibilhin namin.Medyo nadagdagan yung mga stall nila.

Mamaya pa din kasi ang awarding kaya nagkayayaan muna kami na maglibot dito at bumili na din ng kakainin.

"Dun ako sa may smoothie" sigaw ni Maxine at tumakbo na papunta don sa stall ng smoothie. Tsk basta pagkain mabilis e.

"Sundan ko muna siya" sunod namang paalam netong Blake na to. Binabakuran na naman tsk.

Bumili ako ng fries at burger ganon din naman ang binili ng iba. Nagpasabay na din kami kay na Maxine ng smoothie.

"Kanina ka pa kumakain a kain na naman?"salubong ni Herbert ng maupo na sina Blake at Maxine.

" La kang pake."Ang taray talaga netong kapatid ko na to san ba to nagmana?

" Burn"pangaasar ni Jake kay Herbert.Sila naman ang magaaway niyan.

"Anong burn? Bobo mukha ba akong nagaapoy?"

"Loh ang bobo"

"Maa bobo ka sabihan ba naman akong burn e nagaapoy na ba ako"

"Gamitin mo nga utak mo"

"Gamitin mo din utak mo"

Pareho naman silang walang utak.

"Tumigil na nga kayo.Hanapin niyo muna mga utak niyo baka nawawala" singhal ni Marc sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan pa sina Jake at Herbert at biglang tumawa. Baliw amp. Mga baliw. Di na naman nakainom ng gamot. Kanina lang nagaaway sila tapos ngayon nagtatawananan na.

"Hinay hinay sa pagkain mabibilaukan ka niyan" rinig kong sbai ni Blake kay Maxine na kumakain lang at walang pakealam sa sinasabi ng boyfriend niya.At totoo nga ang sinabi ni Blake. Nabilaukan si Maxine.

"Tu--big" nahihirapang sabi nito na agad namang inabutan ng tubig ni Blake.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kaniya o maawa e. Ang kulet kulet kasi. Tigas ng ulo. Alam namang mabibilaukan na nga siya go pa din ng go.

"I told you to eat slowly tsk hard-headed" galit na sabi ni Blake.

Para silang aso't pusa pero masaya ako para sa kanila. They have sacrificed a lot. With the amount of problems they had, they remained steadfast. And all the tears they cried were worth it.

"To all the students of Mild, Placton and Clint University, you can all enter the hall. The awarding ceremony will begin now"

"Tara na magsisimula na" aya ni Zeid ng marinig ang announcement na yon. Nagsisipasok na din ang ibang studyante.

"Dun tayo kay na Steve Kuya" sambit ni Maxine at agad hinila ang boyfriend niya. Wala namang nagawa si Blake kundi ang magpahila na lang. Under HAHAHAHA.

Lumapit na kami sa kung nasan sina Steve at umupo na. Nakaupo na din ang ibang studyante. Nasa harap na din ang principal at mga coach ng bawat laro.

"Sa lahat ng Student Council Member umakyat kayo dito sa stage dahil kayo ang magbibigay ng mga medalya sa mga nanalo"

"Need mo pa bang umakyat?Kaya naman na siguro nila yon kahit wala ka don" rinig kong sabi ni Blake.

"Yes.Student Council ako kaya kailangan."

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now