Chapter 59:Surprise

97 6 1
                                    

Note:MADAMING TYPO SI OTOR PASENSIYA NA!!

Nakauwi na sa bahay si Maxine.Dun na niya pingpatuloy ang pagpapahinga niya.At sa mga araw na iyon ay nasa tabi niya lang ako.

"I'm sorry."

Napalingon ako sa kaniya ng sabihin niya iyon.Binigyan ko naman siya ng isang naguguluhang tingin,hindi magets kung ano ang sinasabi.

"I'm sorry."paguulit niya pero kinunotan ko lang siya ng noo."Nacancel yung wedding natin dahil sa akin."

Lumapit ako sa kaniya at ibinaba ang tray na may pagkain.

"No need to say sorry.Wala ka naman kasalanan.It's accident."

Mukhang hindi siya kuntento sa sagot ko pero tumahimik na lang siya.Alam kong naguguilty siya dahil hindi natuloy ang kasal namin.Pero hindi ko hahayaang ikasal kami ng ganito ang sitwasyon.Kaya aayusin ko 'to.Hahanapin ko kung sino ang dahil sa nangyaring aksidente.

"Anong gagawin mo na ngayon?" tanong ni Zexien.Nandito kaming dalawa sa tambayan namin.Nagyaya si Zexien na pumunta dito at maginuman saglit.

"Gusto kong siguraduhin kung aksidente lang ba talaga o sinadya ang nangyari."

"Good.Tama din na icancel muna ang kasal niyo hangga't hindi pa okay ang lahat."sagot niya.

Natahimik kaming dalawa.Iniisip ko din kung sino ang may kagagawan sa pagkabangga ng kotse na sinasakyan ni Brent at Maxine.

Nagpatuloy kami sa pag-inom.Tahimik lang kami at nakatitig sa madilim na kalangitan.Sa tagal ng panahon na nagkahiwalay kami ni Maxine ngayon pa ba ako susuko.

Hindi ko na ata alam kung ano ang ibig sabihin ng suko pagdating kay Maxine.Parang lahat ilalaban ko kahit pagod na ako.

Si Maxine yung babaeng nakakaintindi sa akin.Toyoin pero sobrang lambing.Siya yung taong masarap ipaglaban.Siya yung babaeng hinding hindi ko susukuan.

"Goodluck."mahinang sambit ni Zexien pero sapat na para marinig ko.Napatango na lang ako sa kaniya.

Kinabukasan agad akong pumunta sa hospital kung saan ako nagtatrabaho.Binisita ko din ang mga pasyente para kamustahin sila.Medyo naging busy ako ngayong araw at nakalimutan kong itext si Maxine.Ang dami niyang missed calls.

Sakto namang tumawag siya kaya sinagot ko.Sigurado akong umaapoy na naman 'to sa galit.

[Ang tagal mong sagutin.Ano bang ginagawa mo? Nambababae ka ba? Hindi ka man lang nagtext.Mas maganda ba yan sakin? Mas sexy ba yan? I hate you!!]

Sobrang lakas ng boses niya kaya medyo nailayo ko ng konti sa tenga ko ang phone ko.Ang bilis niyang magsalita. Dati ba siyang rapper?

[Calm down baby.I'm here at the hospital.I need to work for our future.At wala akong iba baby chill.]

[Yaya I want strawberries.]Rinig kong sigaw niya sa kabilang linya.Mukhang mamamalengke yaya nila.[Pag nalaman kong may babae ka diyan maghihiwalay na tayo.]

Natawa naman ako sa banta niya na mukhang kinainis niya.My fiance is so cute.

[Okay,hindi ako papahuli sayo baby.]biro ko at pinatay niya ang tawag. Natawa na lang ako sa inasal niya.Tinawagan ko ulit siya pero hindi na niya sinasagot.Mukhang sineryoso biro ko.

"Ngiting ngiti Doc."Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.Nasa may pintuan pala ang ilang doctor na ktrabaho ko.

"Kumikislap mga mata mo Doc."pangaasar pa nung isa. Tinawanan ko na lang sila at umalis na din naman sila pagtapos.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant