Chapter 1:Welcome Back

1.6K 49 10
                                    

DISCLAIMER:This is under major editing. Maaring may makita pa kayong mga maling bagay, or errors in terms of grammar and such sa librong ito.

Blake's Pov

It's already 7:30 o'clock.

 "Blake iho gumising ka na at malelate ka na!"sigaw ni Manang. Nagising ako sa lakas ng boses niya parang nakalunok ng microphone. 

Akala ko pagkain lang nilulunok, pero pagdating kay Manang microphone na rin nilulunok.

"Opo manang"sagot ko at nagsimula nang maligo. Mabilis lang akong naligo at mabilis din akong nag-ayos ng sarili dahil gwapo naman na ako. 

Oo, alam kong mahangin h'wag kayong ano diyan,walang basagan ng trip.

Bumaba na agad ako at dali-daling pumunta sa kotse. Hindi na ako nagpaalam kasi malelate na talaga ako. Maya-maya nakarating na ako sa university namin kasi malapit lang din naman. Mabilis akong bumaba at nagsimula na naman umingay ang highway.Sanay na ako sa ingay  nila araw-araw.

Gwapo ko talaga grabe.

"Shems ang gwapo talaga niya," sigaw ng mga babaeng nasa gilid ko.

"Yung kapogian mo, nakakaiyak," sigaw ng lalaking mukang bendable na ruler.

"Blake I love you, anakan mo ko," tili naman ng babaeng nakasunod sa akin.

"Blake why so gwapo?"

'Di ko rin talaga alam kung bakit e.

"Akin ka na lang," wika naman nung isang may kulay ang buhok.

Hard pass.

"Pakasalan mo ko Blake." Mas lumapit sa akin at tumili.

Hindi ko na lang sila pinansin at dali-daling pumunta sa classroom pero bago ko marating ang classroom ko ay may nakabanggaan akong babae. Nang tiningnan ko ang babae pinupulot na niya ang mga gamit niya at tumayo na rin agad.

"Hindi mo ba ako nakikita?"tanong niya sa mismong mukha ko. Halata ang irita sa boses at mukha niya. Pero infairness maganda siya. Blonde and curly ang hair. Nakacontact lens, maputi, at sobrang ganda niya.

"Done checking mister?"tanong niya sa akin. Mukhang transferee siya kasi ngayon ko lang siya nakita.

"Yes."wala sa sarili kong sagot sa kanya pero wala akong nakitang reaction niya.

"Okay."maikling sagot niya sa akin at nagsimula nang maglakad.

Lamig, may nagbukas ba ng aircon?

Ang taray naman naman niya ang tipid pa magsalita. May bayad na ba ang pagsasalita ngayon?

Magkano kaya?

Holy cow, it's already 7:55 o'clock at 5 minutes na lang malelate na ako.

Tinakbo ko na lang papuntang classroom. At nadatnan ko na magsisimula na sila kaya umupo na rin ako.

"Goodmorning Senior."bati ng proffesor namin kaya binati din namin siya pabalik.

"Goodmorning din Sir."bati namin kay Sir.

"Senior may transferee pala tayo actually dati na siyang nag-aaral dito. Be nice to her."sabi ni Sir "Miss Delmundo introduced yourself." And the woman he was talking about stood up. Pumunta ito sa tabi ni sir. Nakayuko siya at dahan-dahang nagtaas ng paningin. And then nakita ko yung babaeng nakabanggaan ko kanina.

"My name is Maxine Phenelope Delmundo,17 years old." pagpapakilala niya sa sarili at ngumiti ito sa lahat. Ang tipid niya pa rin magsalita hanggang ngayon.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now