Chapter 15:University Trip 1

261 12 0
                                    


~HERBERT's POV~

Ngayong araw daw ay magkakaroon ng university trip .Kagabi lang inannounce kaya nakapaghanda pa rin naman kami.

Nandito na ako sa university at ang mga ugok wala pa. Tinawagan ko naman na sila kanina at otw na daw. Ginawa pa akong uto-uto, alam ko naman kung ano talagang ibig sabihin ng otw nila. Otw na pero alam kong kababangon lang nila. Alam ko kasi gawain ko rin 'yon minsan.

Maya-maya ay may dumating na mga kotse at nagsilabasan ang ugok kong kaibigan. Ha? Kulang sila. Wala pa sina Blake at Maxine. Nasaan na naman kaya 'yon?

"Asan si Maxine?" tanong ko sa kanila at itinuro nila ang parating na sasakyan ni Blake. Bumaba sina Maxine at Blake at sa mukha palang nila ay nag-aaway sila. Nakakunot kasi ang noo ni Maxine at rinig na rinig ang boses nila.

"E bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Edi hindi sana ako nagagalit ngayon," kalmadong sabi ni Blake pero kitang kita naman na galit na galit na siya at pinapakalma na lang ang sarili. 

"HIndi pa naman kita boyfriend kaya okay lang!" sigaw sa kaniya ni Maxine at dinilaan ito. 

Napasabunot naman sa buhok si Blake at lumapit na sa amin. Natawa na lang kami sa kaniya kasi alam niyang talo siya. Akala niya siguro kayang kaya niya yung kakakulitan ni Maxine.

"Ano ba 'yan, ang aga aga nag-aaway kayo!" iritang sabi ni Jake at umakbay kay Maxine.

"At dahil sa damit lang ni Maxine," natatawang sabi naman ni Marc na nakasandal na sa kotse niya.

Ipinahawak ni Maxine ang bag niya kay Jake na malapit sa kaniya. "He's overreacting. Maayos naman 'tong suot ko! I'm wearing a plaid shirt, crop top, and denim shorts. What's mali with that ba?"

"Maikli yung short mo." laban pa ni  Blake.

"Kaya nga short e. May mahaba bang short?" iritang sagot naman ni Maxine at padabog na kinuha ang bag kay Jake. Tama naman siya. Matatawag pa bang short kung mahaba? 

"So epal!"  Inirapan niya pa si Blake na nagpipigil ng inis at hinawi ang buhok niya na lumapat sa mukha ni Blake at umalis na.

What a scene. Ano ka ngayon! Napakaseloso kasi.

"Bro, tiklop ka pala sa kapatid ko e," si Zeid na natatawa. "Hindi mo kinaya kapatid ko 'no?"

"Letter U for ulol!" At inambaan siya ng suntok ni Blake na tinawanan lang naman niya.

Dumating na ang mga bus na sasakyan namin kaya pumasok na kami sa bus namin. Magkakasama ang lahat ng mga anak ng investors. Kagaya ng inaasahan namin ay pinagtititinginan na naman si Maxine kaya inakbayan siya ni Blake at nginisihan ang mga anak ng investors. 

Napailing na lang ako sa ginawa niya. Nang-aasar pa.

Sa pinakalikod kami umupo at nahiwalay lang sina Blake at Maxine. Sa pangdalawahang upuan sila umupo. Nang makasakay na lahat ng investors ay nauna na kaming umalis at sumunod naman ang ibang bus.

"Saan daw ba university trip natin?" tanong ni Zeid habang ngumunguya na ng Piattos. At dahil nakaamoy ng pagkain ang mga ugok nagsihingian na sila. Malalakas ata radar nila basta pagkain. Patay guts!

"Sa Coron Palawan daw," si Maxine na ang sumagot at kumakain na din ng Lays. 

Nagkakagulo na kaming lahat dahil sa pagkain pero sina Blake at Maxine ay tahimik lang at nagpipicture na. Kanina lang nag-aaway pa sila na parang aso't pusa ngayon ang sweet na. Grabe rin mood swings netong dalawa na 'to.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now