Chapter 33:Laitero

187 8 1
                                    

Grave siguro pwede na akong magvlog. Tapos content ko school tour odiba ang saya. Ang saya saya promise. Ang init init tapos ang lalayo ng mga building like dzuh. Bakit ako? Bakit hindi si Brent? Bakit laging ako? HUHUHUHUHU

Kanina ko pa siya tinotour kaya pagod na ako. Tumatagktak na ang aking pawis. Omg!!

"Ayan okay na dito lang kita tinour dahil dito lang ang building ng mga junior" paliwanag ko at naupo sa malapit na bench dito. Pinunasan ko ang pawis ko ng kaing kamay dahil naiwan ko ang panyo ko sa bahay.

"Oh" at inabot ni Blaze sa akin ang panyo. Nagaalangan pa akong tanggapin yun at mukang napansin niya. "Malinis yan hindi ko pa nagagamit ATE". Aba tinawag niya pa akong ate. Muka na ba akong matanda? Nakakagigil.

Kinuha ko ang inabot niyang panyo at itinuloy ang pagpupunas ko ng pawis ko. Madaming nagkakalat na junior dito dahil nga break time nila. May mga naglalandian pa nga akong nakikita. Tinalo pa ako. Ang babata pa nila pero may kalandian na nahiya naman ako.

E ako nga ghinost pa e. Tapos sila may kalandian. Nakatadhana pa akong ighost? HUHUHUHUHU pero bakit ko ba iniisip yon? Nakakaqiqil lang nakakasira ng beauty. Ay wow beauty pak na pak!

"Salamat" sabi ko at inabot na sa kaniya ang panyo niya. Hindi naman mabaho ang pawis ko pwede niya pang gamitin to dzuh.

"Wag na sayo na yan meron pa naman ako dito" nakangiting sabi niya kaya ibinulsa ko na lang ang panyo na pinahiram niya ay binigay pala. Yayamanin namimigay ng panyo.

Nang makapagpahinga na ako ay saka ako tumayo. May kailangan pa akong gawin. Pero syempre joke lang pupunta lang akong cafe kakain. Nakakagutom kaya.

"Mauna na ako sayo wag kang lalagyo, dito ka lang sa building mo baka mapagtripan ka" paalala ko sa kaniya. Baka mapagtripan siya ng mga sisiga sigang mga studyante dito naku. "Wag na wag kang pupunta sa room ng pinsan mong demonyo a mapapahamak ka lang don" dagdag ko pa. Oo demonyo talaga demonyong ghoster grr!!!

Natawa naman siya at tumayo din. "Masusunod ate" at kumaway na sa akin. Nang makalayo na siya ay saka ako naglakad papuntang cafe. Para siyang nakakabatang kapatid ko pero bwisit din. Mabait naman siya hindi dahil sa binigyan niya ako ng panyo. Halata naman kasing mabait siya. Hindi pala sila magkaugali ng pinsan niyang demon-ghoster. Oh pak ganda ng tawag ko sa kaniya. Sosyalin nyek!!

Nang makarating ako sa cafe ay agad akong pumila para makaorder. Bet ko kumain ngayom ng carbonara tapos isang slice ng pizza tapos isang cheeseburger with large fries at orange juice. Hindi ako diet ngayon gutom ako. Gutom akooo!!!

Nakaorder na ako at lilipat na sana sa isang lane para hintayin ang order ko ng may makabunggo ako. At sa kasamaang palad ang malditang hipon ang nakabangga ko. Nasa tabi niya pa si demon-ghost. Grabe nung umulan ata ng kamalasan sinalo ko lahat pero joke lang.

Kawawa naman kilay niya palaging nakataas. Ang kapal kapal pa ng makeup niya di naman bagay. Muka siyang multo. Bagay na bagay sila. Ghost tapos ghoster odiba pak!!

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo" inis niyang sabi. Sigaw pala yun at nakaagaw yun ng pansin sa mga studyanteng umoorder. Duh pano ko kaya siya makikita e nakatalikod ako boba din to. Papansin talaga tong hipon na to!!

"Hoy babaeng hipon tumingin ka sa mas nakakaganda sayo" maarte kong sabi sabay irap sa kaniya. O diba palaban na ako ghorl. Galit na galit siya saken like dzuh inaano ko ba siya? Pero? San ko naman nakuha yung "tumingin ka sa nakakaganda sayo"? Maldita type ang peg!

Gutom na gutom na ako tapos ganito pa makakaharap mo. Makita ko lang mukha niya nawawalan na ako ng gana. Paepal talaga kahit kelan!

"How dare you!!" galit niyang sabi at akmang sasampalin ako ng may pumigil sa kamay niya. Akala ko nga si demon-ghost ang pumigil pero hindi pala. Tiningnan ko kung sino yon at si---Blaze? Bakit nandito to? Sabi ko wG siyang pupunta sa ibang building tapos ngayon nandito siya? Ang kulet!!

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now