Chapter 17: University Trip 3

247 10 0
                                    


Maagang nagising ang lahat dahil huling araw na nila para sa University Trip. Hinayaan silang maglibot bago sila umuwi.

Sina Maxine at ang dalawa nitong kapatid ang magkakasama sa isang Restaurant. Sumunod din sa kanila sina Marc, Herbert, at Jake. Samantalang si Blake naman ay pumunta kay Bea at kinausap ito.

"Bestfriend, okay ka na ba?" tanong ni Jake habang ngumunguya ng pagkain niya. Hindi kasi sila nakakain kagabi dahil sa nangyari.

"Okay na ako. Ginamot na ako ni Brent," nakangiting sagot ni Maxine at ngumiti. 

Napanganga naman si Jake na animo'y gulat na gulat sa narinig. Iba na naman ang pumapasok sa utak niya. Pwedeng pwede nang pasukan ng langaw ang bunganga niya.

"Isara mo nga bunganga mo,"natatawang wika ni Herbert kaya naisara naman ni Jake ang bunganga niya. 

Nagtuloy ang kwentuhan nila habang kumakain sila.Nagpakwento naman si Herbert kung anong nangyari kahapon sa pagitan ni Maxine at Brent. Inaasar nila si Maxine matapos marinig ang kwento.

Nang matapos silang kumain ay pumunta na sila sa bus nila. Nando'n na kasi ang mga gamit nila bago sila kumain. Sina Zexien at ang iba pa ay doon umupo sa dati nilang pwesto habang si Maxine ay nag-aalangan kung tatabi ba kay Blake o hindi. 

Pupunta na sana siya sa upuan ng higitin ang braso niya ng kung sino at ng tingnan niya ito ay si Brent itong nakangiti sa kaniya.

"Tabi tayo?" nakangiting tanong nito ay tumango. 

Pumunta muna siya sa mga Kuya niya at kinuha ang gamit nito. Nagpaalam din na doon siya uupo sa harap katabi ni Brent. Pagkatapos ay bumalik siya kay Brent at naupo na sila sa harap. Hinihintay na lang sina Blake at si Bea na hanggang ngayon ay wala pa.

Ilang saglit pa ay dumating na ang dalawa. Pagkapasok ni Blake ay nagtama ang mga paningin nila ni Maxine. Tinawag naman si Blake ni Marc kaya napaiwas ito at pumunta na sa upuan nito habang nakasunod sa kaniya si Bea. Nang makaupo sila ay nagsimula ng umandar ang bus nila.

"Anong feeling maging Student President?" pambabasag ng katahimikan ni Maxine sa pagitan nilang dalawa ni Brent. Nilingon naman siya ni Brent at nginitian.

"Masaya din naman pero kailangan wala kang emosyon para matakot sila at sumunod," sagot nito.

"Hindi ba nakakapagod 'yan kasi madaming ginagawa kapag Student President?"

"Kapag mahal mo ang ginagawa mo hindi ka mapapagod,"nakangiting sagot ni Brent dito at ginulo ang buhok ni Maxine. Humaba pa ang kwentuhan nila ng humilig ang ulo ni Maxine sa balikat ni Brent, inaantok.

"Matulog ka muna," nakangiting sabi ni Brent kaya napangiti rin si Maxine. Naglagay naman ng earphone si Brent at ang isa ay inilagay sa tenga ni Maxine at natulog na rin.

Sa kabilang banda naman ay pigil ang inis ni Blake habang nakatingin sa pwesto nina Brent at Maxine. Mula sa likod ay nakikita niyang nakahilig ang ulo ni Maxine kay Brent.

Katabi naman niya si Bea na nakapulupot ang braso nito sa braso niya. Selos,inis at galit ang nararamdaman niya ngayon. Kinausap niya si Bea at ipinaliwanag na layuan na siya nito pero umiyak lang ito at nagtangka pang maglalaslas. 

Hindi naman niya mapigilan na huwag itong tulungan dahil nga naawa siya rito. Kaya kasama na naman niya si Bea at nakadikit na naman ito sa kaniya.

Nagopen na lang siya ng Telegram niya para makabawas ng inis. Una n'yang binuksan ay ang gc nilang magkakaibigan. May group chat din sila sa telegram dahil mas active sila do'n at kalokohan na naman ni Jake.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon