Chapter 19:Selos?

235 8 1
                                    


~BLAKE 's POV~

Pinopormahan ba no'n si Maxine? Angas niya a!

Bilis naman kumilos no'n ginamot lang si Maxine pomoporma na agad. Nakakabanas pinopormahan niya yung pag-aari ko. Tumatapak siya sa teritoryo ko. 

Ang akin ay akin. Tapos aagawin niya?

Kumikilos na agad kasi nakakakuha na ng pagkakataon. Nang makita ko talaga yung post na 'yon gustong-gusto ko siyang sugurin pero ayoko namang gumawa ng gulo. Lumalayo na ako sa gulo. Kaya dapat layuan ko na si Bea, kasi siya ang gulo.

Kailangan hindi na ako kulitin ni Bea para maayos ko na yung sa 'min ni Maxine. Pero ang hirap, bakit nangyari sa 'kin to? Ayaw akong tigilan ni Bea at sinasaktan din niya sarili niya dahil sa 'kin.

Nauna na akong umuwi dahil sa inis ko. Nagpalipas at nagisip-isip. Baka masaktan ko pa mga makakasalubong ko dahil sa selos. Nanonood na lang ako mag-isa dito sa bahay para pampalipas oras. Maya-maya ay tumatawag sa akin si Zexien kaya agad ko itong sinagot, mainipin pa naman 'yon.

Katulad ko! Nasa lahi na ata naming magkakaibigan.

"Oh," walang gana kong sagot sa tawag niya.

"Punta ka dito!" sigaw niya dahil sobrang ingay sa bahay nila. Mukhang nagkakasiyahan sila dahil sa ingay.

"Pass," walang gana ko pa ring sabi dahil nga naiinis pa din ako. Wala pa rin ako sa mood dahil sa nakita ko. And ayoko munang makita si Maxine para iwas na rin gulo. Ayoko muna makipag-usap lalo na at mainit ang ulo ko.

"Hoy baki....." Bago pa niya matapos sasabihin niya ay agad ko ng pinatay. In-off ko na rin para hindi nila ako matawagan. Ayoko muna ng istorbo ngayon, gusto ko muna magliwaliw. 

Sobrang nagseselos ako kahit wala pang kami. Sobrang naguuluhan na ako sa nangyayari. Kung hindi ko ba nilapitan si Bea hindi mangyayari 'to?  Kung hindi sana ako napalapit hindi magugulo ang lahat?

Sumasakit na ulo ko!

Pumunta ako sa kusina namin at kumuha ng beer sa ref. Kailangan ko ito kapag naguguluhan ako at sobrang dami ng problema. Feeling ko kasi matutulungan ako ng alak kahit hindi naman. Pampatanggal stress sa mga nangyayari. 

Simula ng umalis si Maxine natututo na akong uminom. Yung mga hindi ko ginagawa dati ginagawa ko na ngayon. Gano'n naman talaga kapag broken diba, nagbabago? Hindi ko alam gagawin ko no'n tapos naisipan kung mainom. 

Try lang sana 'yon pero nagustuhan ko kaya tuloy tuloy na. 'Yon din yung mga panahon na kasama ko si Bea. Lagi ko siyang tinutulak palayo pero siya naman 'tong lapit nang lapit. Kasama ko siya sa tuwing umiinom ako. Lagi siyang nakikinig sa mga kwento ko. Tinutulungan niya ako sa problema ko. Pinapagaan niya pakiramdam ko pero kahit anong gawin niya kay Maxine pa rin nakalaan ang nararamdaman ko. 

Kahit sinong dumating, kay Maxine pa rin talaga ako interesado. Gusto kong siya yung kasama ko sa araw-araw. Gusto kong kasama ko siya sa pag-abot ng mga pangarap naming dalawa. Siya lang, wala ng iba.

Lagi kong sinasabi sa kaniya na si Maxine lang pero hindi siya naniniwala. Sinasabi niya na magbabago rin naman ang nararamdaman ko pero hindi talaga. Si Maxine at si Maxine lang. Hanggang sa sinabi kong tigilan na niya ako. Layuan na niya ako pero hindi niya ginawa hanggang sa makabalik na si Maxine .Doon na nagulo ang lahat. At hanggang ngayon magulo pa rin.

Tuloy tuloy ako sa paginom hanggang sa nalasing na ako. Kahit lasing ako si Maxine pa rin ang nasa isip ko. Siya lang at wala ng iba. Lakas talaga ng tama ko sa kaniya. Hindi ko na nakayanan ang kalasingan ko kaya umakyat na ako sa kwarto at nakatulog na.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon