Chapter 8:Enchanted Kingdom

511 13 1
                                    


~JAKE's POV~

Nang matapos kami sa first subject namin ay pumunta na kami sa susunod naming klase. Sa first subject lang kami magkaklase pero sa ibang subject hindi na. Pero bago pa man ako makarating sa susunod na klase ko ay nag-anunsiyo agad na wala na naman ang mga teachers at nagpupulong na naman para sa gaganapin na event.

Yes! Pahinga yuhoo!

So I went to Maxine's room first to invite her to go to the Enchanted Kingdom because she really wanted to go there. I found her surrounded by men giving letters, flowers, and chocolates.

Nice! May libre na naman akong chocolate.

Pinatabi ko silang lahat at hinila si Maxine. Punong-puno ang kamay niya ng mga binigay nung lalaki. Nagpasalamat naman si Maxine kaya umalis na yung mga lalaki.

Inabot naman niya sa akin yung iba dahil hindi na niya kayang buhatin lahat. Napakaliit kasi ng kamay.

"Ano nga pa lang ginagawa mo dito aber?" nakataas kilay niyang tanong habang binubuksan na ang chocolate na binigay sa kaniya. Binigyan naman niya ako kaya napapalakpak ang mga tenga ko. 

D'best talaga nitong bestfriend ko.

"Enchanted Kingdom tayo libre mo ko!" Hindi 'yon tanong dahil pinal na utos ko talaga. Desisyon ako, wala siyan magagawa. "May kasalanan ka sa akin kaya pambawi mo na yon," sabi ko habang kinakain na yung binigay niya sa aking chocolate.

Tumango naman siya at nagsimula kaming maglakad papuntang parking lot. Inilagay ko naman sa kotse niya ang mga binigay nung mga lalaki kanina. At sa kotse na niya ako sasakay dahil namiss kong sumakay kapag siya ang nagddrive.

Ang angas kaya! Kung si Herbert at ang iba pa ay ayaw na ayaw sumasakay kapag si Maxine ang nagddrive, ako gustong gusto ko.

Parehas kaya kaming mabilis magpatakbo.

Sinimulan na niyang paandarin ang kotse niya at mabilis na pinaharurot ito. Todo sigaw naman ako sa saya at itinataas ko pa ang kamay ko.

Sobrang saya  yuhoooOOoo.

Mabilis kaming nakarating sa enchanted kingdom dahil nga wala namang traffic at sa sobrang bilis ba naman neto magpatakbo. Agad kaming pumasok at naghanap ng mga rides.

Our first ride was the Anchors Away. Todo sigaw naman kami ni Maxine sa sobrang saya dahil ngayon na lang ulit namin ito naranasan.

Next ride is the Disk-O Magic. Nakataas ang aming kamay at dinadama ang hangin habang umiikot from left to right. 

Sobrang saya dahil naexperience ko na naman pumunta dito at libre pa. Heaven!

Next, Maxine invited me to the Extreme Tower Ride, a 2-second drop tower from a 120 feet high tower. I'm worried when it falls down, which makes me nervous here, but since Maxine asked me to go, I go for it.

Nang matapos ay niyaya niya naman ako sa Space Shuttle. Syempre sobrang saya kahit nakakahilo. Kayang-kaya pa ng ilang rides. 

And the last ride we rode was Jungle Log Jam, which takes the riders uphill, down ramps, and splashes into the water. When we got down we got wet. I'm so happy because my best friend is the one who came here with me. Sobrang memorable. Sulit na sulit ang libre. 

Nang matapos ay niyaya na niya akong magpalit para makakain daw muna kami bago umuwi. Naghanap kami ng mga stall ng tshirt at nakakita naman kami. Nang makapili na kami ay agad na kaming nagbihis dahil pareho na kaming gutom.

Couple pa nga. Pwede na 'to couple bestfriend gano'n.

Nang matapos kami magpalit ay kumain na kami. Stir Fried Rice ang binili niya at bumili na lang kami ng juice.

"Sobrang saya nawala tampo ko sayo," natatawang sabi ko at napailing naman siya. Well gusto ko ding makabonding siya dahil 3 years siyang nawala. The last time I came here, she was also with me. 'Yon na yung last dahil nga sa States na siya nagaral.

"Di ka naman nagtatampo. Gusto mo lang talaga pumunta dito," sabi niya at ako naman ang natawa .Hindi naman kasi ako marunong magtampo sa kaniya dahil nga bestfriend ko siya at kilalang kilala niya ako. 

"Sorry na," sabi ko at tinapos na namin ang pagkain namin. Nagpicture picture muna kami bago kami umuwi. I shared our photo on Instagram, and it received a lot of likes and comments. At syempre pinangungunahan ng mga ugok kong kaibigan.

@ZexienDlmnd: Wala man lang pag-ayang naganap! Mga tuckseal!

@ItsUrZeidDlmnd: Hoy! Uso mag-aya mga madadamot!

@MarcMeInUrHeart: Sinolo si Maxine, madaya!

@Hrbrt_25: @Max_Phenelope bakit sinama mo ang supot?HAHAHAHA

Nagreply naman ako sa kanilang lahat at itatabi ko na sana ng phone ko ng may isa pang nagcomment at si Blake 'yon.

'Di talaga papahuli.

@BlakeThanawut:  Akin 'yan pre!

Umani ng maraming reacts at reply ang comment niya. Si Maxine kase ang tinutukoy niya sa reply niya, halata naman. Natatawa akong napailing.

Ang arte ng ugok na to gusto pa din naman pala ang bestfriend ko. Nagpapabebe pa akala mo babae.

Sinulyapan ko si Maxine at nakangiti ito habang nakaharap sa phone niya. Panigurado nakita na niya yung comment ni Blake.

"Ayiee kilig kilig!" pangaasar ko sa kaniya. SInundot-sundotm ko pa tagiliran niya pero  tinarayan lang ako. Tinabi na niya yung phone niya at pinaharurot ang kotse.

Today was very memorable because my best friend and I had a bonding together again. She's been gone for a long time, 3 years, so I thought of inviting her to the Enchanted Kingdom because we haven't been there for 3 years.

Hindi din naman ako pumupunta do'n nung wala siya dahil nga wala akong kasama and ayaw din akong samahan nung mga ugok. Mga tamad sila pero kapag mambababae ang sisipag.

Mabilis kaming nakarating sa bahay niya at nando'n na rin sa tapat nila ang kotse ko at kotse ng mga ugok. Mukhang dito na naman matutulog kina na Zexien. Nang maipark na ni Maxine ang kotse niya ay pumasok na kami. Kumpleto silang lahat. Zexien and Marc are playing video games while Herbert, Zeid, and Blake are playing mobile legends.

"Hoy!" sigaw ko sa kanila at sinulyapan naman nila kami. Umupo naman kami ni Maxine sa tabi nila at pinanood sila. Nang matapos sila maglaro ay kinuyog ako ng mga ugok. Hindi ko raw sila inaya at sinolo ko lang daw si Maxine. Dinadaganan nila ako at ginugulo gulo ang buhok ko.

Sasarap katayin ng buhay.

Nang magsawa naman sila ay tinigilan na ako at nagtanong ng kung ano-ano. Ang iingay ng mga bunganga akala mo pwet ng manok, hindi lang niyaya ganito na sila. Ano kayang nakain ng mga 'to at ganito sila?

"Sa susunod isasama na namin kayo kaya manahimik na kayo pwede?" naiinis na sabi ni Maxine habang nakatingin do'n sa mga ugok, mukhang narindi na rin sa mga boses nila. Tumahimik naman sila at muling nag-ingay nang magtawag si manang at nakahanda na raw ang hapunan. Nag-unahan pa ang mga ugok sa pagpunta sa kusina at halos madapa pa sila. 

Mga patay gutom!

Sumunod na rin kami ni Maxine at nagsimula nang kumain. Napuno ng kwentuhan at tawanan ang kusina habang kumakain kami.

Best Day Ever!

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now