Chapter 40:Opening

213 12 4
                                    

DISCLAIMER:This is an unedited story. Maaring may makita pa kayong mga maling bagay, or errors in terms of grammar and such sa librong ito.

For more concerns and updates visit my social media account.....

Facebook:Heart Gatbunton
Instagram:heartalday
Twitter:ry_alday
Email:heartalday7@gmail.com

Sorry sa matagalang updates nasira ang aking paking laptop kaya sinapian ako ng katamaran.Uwu

____________________________________

-Blake' POV

Hindi ko talaga makakalimutan yung nangyari kagabi. Shet nakakagalit na nakakainis.Pinagsisisihan ko na sumama pa ako sa kanila. Kung hindi sana ako sumama hindi ko naranasan yon. Dfck sinukahan ni Jake ang kotse ko.

"Kalma pre ang aga aga galit ka kaagad" natatawang puna sa akin ni Zexien. Isa pa to, kung hindi niya pinasakay sa kotse ko si jake hindi sana masusukahan ang kotse ko.

Hinarap ko siya at tiningnan ng masama."Kasalanan mo to kaya linisin niyo ang kotse ko"

Galit na galit ako tapos tinatawanan lang nila ako. Dahil nasukahan ang paborito kong sasakyan ibang kotse ang ginamit ko. Makita ko lang si Jake ngayon sasapakin ko siya.

"Pero bakit nga wala pa yon? Tinawagan ko kanina papasok naman daw siya" sabi ni Marc.

"Baka natakot delubyo sasalubong sa kaniya e HAHAHAHA" natatawang sagot ni Herbert. Nakakainit sila ng ulo.

"Oh ayan na pala e" biglang sabi ni Zeid habang nakaturo sa gate. At tama nga siya. Nandun si Jake at pakaway kaway pa sa mga studyanteng kasabay niya. Kayabangan tsk!!

"Hanep nakuha pang kumaway lakas talaga idol"sunod namang sabi ni Herbert. Naiinis na ako sa kanila. Ang ingay nila. Nakakarindi.

" Pre kamusta"magiliw na bati ni jake ng makalapit siya sa amin.Nagsimula nang tumawa ang mga nasa likod ko.

"Sige pre una na kami kamustahin ka na lang namin mamaya pfttt" pagpaalam ni Marc at umalis na sila. Kami na lang ngayon ang naiwang dalawa. Sarap sapakin neto.

"Ano pre? Bat ganiyan ka makatingin sa akin? May sasabihin ka pa ba? Magsisimula na opening interhigh e" sunod sunod niyang sabi. Opening? Interhigh? Ngayon na pala yon?

"Opening na ng interhigh sana matapos na agad para chill chill na lang" napatingin ako kung sino ang nagsalita non. At sa paglingon ko ay Beagles ang nakita ko. Sabay sabay silang papasok at kasama si Maxine fck!! Katabi niya pa si Brent. Gusto atang gumawa ako ng gulo.

Mas lalo akong nainis at napakuyom ng kamao ng yakapin ni Brent si Maxine.

"Kalma pre madaming nakatingin nakakahiya" bulong sa akin ni Jake. Pero kahit anong sabihin niya naiinis pa din ako. Gustong gust ko sapakin mukha ni Brent.

Lumingon sa gawi namin si Maxine at mukhang nagulat na nandito kami. Wala akong ipinakitang emosyon ng tingnan ko siya. Gusto ko manakit. Gusto ko saktan si Brent. Hinahawakan niya yung teritoryo ko.

Teritoryo ko yon! Akin yon!

Pero naalala ko manliligaw nga lang pala ako. Wala pa akong karapatan. Napangiti na lang ako ng pilit sa naalala ko.

"Let's go" walang emosyon kong yaya kay Jake at nilagpasan na ang mga Beagles.Kasalanan ko din naman siguro. Kung hindi ko pinakawalan si Maxine edi sana hawak ko pa siya. Edi sana hindi ako natatakot na baka maagaw siya saken.

"Blake" rinig kong sigaw. At alam kong sigaw yun ni Maxine. Pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. "Jake" tawag na naman niya.

"O bakit Maxine? Miss mo agad ako? Yieeee" rinig kong sabi ni Jake. Hindi ko na marinig ang iba nilang sinasabi baka nagbubulungan sila.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant