Chapter 27: Ghoster

206 10 3
                                    


-MARC's POV

Nang matapos kami maglibot ni Maxine ay nagpaalam siyang aakyat daw muna siya sa kwarto niya. Kung saan saan ba naman ako hinila siguro napagod. Pumunta ako sa Pearl Farm Butik and Cafe. Nandoon daw kasi sila at mukhang may pagpupulong.

Nang makarating ako doon ay agad akong umupo sa tabi ni Herbert. Seryoso lang akong nakatingin sa kanilang lahat. Nilingon ko si Zexien at Zeid, seryoso lang din silang nakatingin sa mesa. Hindi ko malaman kung bakit kami nandito at kung bakit ako pinapunta dito.

Napansin ko rin na wala na si Blake. 'Wag mong sabihing umalis na rin siya? Ang alam ko si Jake lang ang mauunang umalis? Sumabay din siya?

"Nasaan si Blake?" tanong ko para makasigurado. Malay ko bang nasa kwarto lang siya or naglilibot diba.

"Huh? 'Di nagpaalam sayo? Umalis na siya kasabay ni Jake," si Steve ang sumagot. So tama pala ako umalis na talaga siya. May galit ba siya sa akin kaya hindi siya nagpaalam? Edi hindi rin siya nagpaalam kay Maxine? Malamang Marc ni hindi niya nga mapansin si Maxine e!

"Ano ba talagang nangyayari?" inis na tanong ni Zeid at binalingan ako ng tingin. "Nililigawan mo ba ang kapatid ko?"

The f*ck nanliligaw? Saan na naman kaya niya nakuha 'yon? Lumalapit lang naman ako at  kinakausap ko lang katulad ng dati tapos nililigawan ko na agad?

Sinalubong ko ang tingin niya. "No."

"Nabasa ko sa page ng Universirty natin, nililigawan daw ni Blake si Bea," kwento ni Migz kaya nilingon ko siya. "Dumaan kasi sa feed ko kanina ang dami ngang nagulat kesyo daw ang alam nila si Maxine ang nililigawan ni Blake."

"At nakita rin ni Maxine 'yon, nagreact pa nga siya," sabi naman ni Xiel. Ano na namang kalokohan 'to Blake. Ano na naman'tong ginagawa mo? Nagparaya na nga ako gago ka pa rin.

Tiningnan ko si Zexien pero tahimik lang siya. Mukhang nakikinig siya sa mga sinasabi ng mga nasa harapan niya. Seryoso ang mukha niya at halata na rin ang galit sa kaniya.

"Uuwi na tayo bukas. Sina Steve lang at iba nitong team ang maiiwan," sambit ni Herbert.

"Tumawag si Brent sa akin kailangan daw si Maxine bukas. Kailangan daw nilang magpractice para sa Muse and Escort sa darating na interhigh," seryosong pahayag ni Zexien.

Natapos ang usapan na iyon at sabay-sabay kaming bumalik sa kwarto namin. Ang dami pa ring bumabagabag sa isip ko. Katulad nung kay Blake at Maxine .Hindi ko alam kung anong hangin ang pumasok sa utak ni Blake .Nagparaya na nga ako kasi alam kong sa kaniya sasaya si Maxine tapos ganito? Sasaktan din pala niya si Maxine sa huli.

Tsk tsk tsk!

Sinusubukan kong tawagan si Blake pero hindi niya sinasagot. O mas tamang sabihin na pinpatay niya ang tawag ko. Nakailang ulit ako ng tawag sa kaniya pero hindi niya talaga sinasagot. Naiinis na rin ako sa kaniya kaya hinayaan ko na lang. Kung ayaw niya edi huwag diba. Basic pinapahirapan ko pa sarili ko.

Napagdesisyonan ko na lang matulog dahil babiyahe pa kami pabalik bukas. Pero bago ako matulog ay inayos ko muna ang mga gamit ko. Para bukas ay aalis na lang kami at hindi na mag-ayos pa. Nang matapos ay saka ako humiga sa kama ko at nagset ng alarm para sure na magigising ako ng maaga. At dinalaw na ako ng antok.


-HERBERT's POV

Maaga akong nagising dahil ngayon na kami uuwi. Kailangan daw kasi si Maxine kaya uuwi na kami. Agad akong nag-ayos ng sarili ko at inayos ko na rin ang kama. Nakakahiya naman kasi kung iiwan kong magulo. KInuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na. Kakain daw muna kami bago kami bumyahe.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now