Chapter 37:Sorry?

213 11 1
                                    

-BLAKE's POV

Sayang yung pagkakataon.Maipapaliwanag ko na sana lahat arghh!! Pinuputol niya lahat ng sinasabi ko. Sayang sayang ayon na e!!

"Nakapagusap kayo?" Zeid asked.

"Hindi. She always interrupts what I'm saying"

"Ang hina mo naman" natatawang singit naman nitong si Herbert. Nangasar pa talaga hmp!

Paano na ako ngayon makakalapit sa kaniya? Laging nakasunod sa kaniya ang Beagle at siguradong sigurado ako na hindi nila ako palalapitin kay Maxine.

"We can ask Kuya Zexien for help" Zeid suggest.

Imposible. Hindi yon tutulong.He always said that I should fix all the trouble I made.

Tama naman siya ako ang gumagawa ng gulo kaya kailangan ako ang umaayos at hindi ang iba. Pero tulong lang naman e.

"Parang hindi mo naman kilala si Zexien" walang pagasa kong sagot.

"Kakausapin ko siya ako bahala" pagpipilit pa niya. Gusto ko ng maayos tong gulo na to. I want to be with Maxine again. I want to see her beautiful smile. Hays

Madami na nga akong kaagaw dumagdag pa si Brent. Una pa lang alam kong gusto na niya si Maxine.Sino nga bang hindi mahuhulog kay Maxine tsk!

I need to apologize.Kailangan kong maipaliwanag sa kaniya ang lahat. Kailangan bumalik ulit siya sa akin. Because from the beginning Maxine was mine.

Makukuha din kita Maxine, Aayusin ko to!!

-ZEXIEN's POV

Napapansin kong palagi na lang hindi sumasama tong si Herbert at Zeid. Katulad ngayon. Saan na naman kaya pupunta tong dalawang to.

"Saan na kasi kayo pupunta?" Marc asked.

Kanina ko pa din yan gustong itanong tsk!

"Sa canteen"

"Sa library"

Sabay nilang sabi at nagkatinginan pa sila tumataas taas ang kilay. Ano bang nangyayari sa dalawang to. Parang mga timang.

"Hindi sa canteen" Herbert.

"Hindi sa library" Zeid.

Magkaiba pa ng sagot. Halata naman sa tinginan nila na may tinatago sila sa amin.

"Sige na sige na umalis na kayo. Sumasakit lang ulo ko sa inyo" I said irritably.

Pupunta sana kaming lahat ngayon sa swimming area pero dahil may pupuntahan daw sila kaya kami na lang nina Jake at Marc ang pupunta.

"Saan kaya pumupunta yung dalawang yon?"tanong ni Marc.

"Hayaan mo na yung dalawa baka nambababae lang" balewalang sagot ni Marc.

Hmm baka nga.

Malapit na Interhigh at palagi na din kaming nagpapractice. Kaya palagi akong nagpapamasahe kay Maxine kada uuwi ako.

Nakarating na kaming tatlo sa Swimming Area at nandon din ang mga Junior Swimmer.Minsan lang sila dito namagpractice dahil meron silang sariling Swimming Pool sa Club nila.

Nagbatian lang kami ng mga Junior Swimmers at nagsimula na ding magpractice. Langoy ng langoy. Langoy dito langoy doon.

"Si Maxine ba yon?" kunot noong tanong ni Marc sabay turo sa kabilang side ng pool.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now