Chapter 38:Explain

208 10 1
                                    

-JAKE's POV

Kaya pala!!!

Kaya pala laging wala tong dalawang to kaai tinutulungan nila si Blake.

Binatukan ni Zexien si Herbert at Zeid ng makalapit silang dalawa sa kanila.

"Ano na namn yon? Ipaliwanag mo" utos ni Zexien. Oh oh nagagalit na ang hari ng mga maiinit ang ulo.

"Ay hala may meeting daw kami mauna na kami a" at mabilis pa sa alas kwatro na umalis ang dalawa.Ang kukulet talaga. Gumawa pa ng dahilan.

"Mga siraulo talaga yon meeting daw e hindi nga sila pumapasok sa klase nila" natatawang sabi ni Marc.

Natawa din naman ako sa sinabi niya. Tama naman kasi siya. Hindi naman pumapasok palagi yung dalawang yon sa klase nila tapos may meeting pa. Halatang gumagawa lang ng dahilan tsk.

Pero natutuwa ako. Nararamdaman ko ng babalik ulet kami sa dati. Maaayos ulit kami. Sana ngayon maging matapang na si Blake. No to duwag na dapat.

"Tara na umuwi na lang tayo pre pakainin mo kami"sabi ko at hinila na si Zexien. Sumunod naman sa amin si Marc na nakapamulsa.

"Aba wala ka bang bahay" sarkastiko niyang tanong. Ahm wala nga ba?

"Meron pre pakainin pa kita don e" at inakbayan ko siya. Pinipilit niyang alisin pero dahil makulet ako wala siyang magawa.

"Edi dun ka kumain may bahay ka naman pala e" inis niyang sabi.

Ehh? Ang damot!!

"Pakainin mo na kami pre ang damot mo a" singit ni Marc at umakbay din siya kay Zexien.Nice kakampi ko talaga to.

Yuhoi8ooo pagkainnn!!

-BLAKE's POV

Nanonood kami ni Maxine ng kung ano ano lang. Nagpaluto na din ako kay Manang ng pagkain para sa lunch namin.

"Inaantok ka ba?" tanong ko ng mapansing papikit pikit ang mata niya. Nakakatulog pa kaya siya ng maayos?

"Hmm" ang tanging sagot niya. Hinigit ko siya papalapit sa akin at isinandal sa balikat ko. Aangal pa sana siya pero inunahan ko na siya.

"Sige na magpahinga ka na muna di ka na ata nakakatulog ng maayos e" malambing kong sabi at tumango naman siya. Ipinikit na niya ang mata niya kaya hinaplos haplos ko ang buhok niya.

Namiss ko to. Yung malapit sa kaniya. Namiss kong hawakan siya. Namiss ko lahat sa kaniya.

"Iakyat mo muna siya iho mukhang pagod na pagod siya" puna ni Manang ng makita si Maxine na nakahilig sa balikat ko.

"Sige po Manang" sagot ko.

"Sige na dadalhan ko na lang kayo ng pagkain kapag nagising na siya" huli niyang sabi bago ko iakyat si Maxine.

Mataas ang respeto ko sa kaniya. Malaki. Hindi ko sisirain yung tiwalang ibinigay ni Zeid.

Inihiga ko siya sa kama ko at nilagyan ng kumot. Malinis naman ang kwarto ko dahil palaging nililinisan ito ni Manang.

Puro picture ni Maxine ang nakalagay sa wall ko. Syempre kasama na din don ang picture naming dalawa.

"I love you" bulong ko sa tenga niya bago ko siya dampian ng halik sa noo niya.

Lumabas muna ako ng kwarto ko at pumunta ng sala. Hihintayin ko muna siyang magising bago kami kumain. Kakatulog niya lang for sure mamaya pa yon magigising.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now