Chapter 6:Viral

541 18 1
                                    


~MARC's POV~

Nakarating na kami sa bahay nina Zexien at hinihintay na lang namin ang kotse ni Jake na sakay si Maxine at Herbert. Kung saan-saan pa siguro pumunta yung mga 'yon. Kasama pa naman si Maxine e lasing na lasing pa naman 'yon. Napag-usapan namin na dito na lang ulit kami matutulog sa bahay nina Zexien. Si Blake, hindi pa rin dumadating dahil hinatid pa si Bea. Nang makarinig kami ng busina ng kotse ay lumabas kami at bumungad sina Jake at Herbert na inaakay bumaba si Maxine.

Halata sa mukha nila na hirap na hirap sila kaya sabay-sabay silang natumba.Napatampal naman kami sa mga noo namin at tinulungan silang tumayo.

"Saan pa kayo pumunta?" tanong ni Zexien habang inaakay papasok si Maxine.

Napailing iling naman si Jake bago nagsalita, halata ang inis sa boses. "F***inengshet bro sinukahan ni Maxine yung sasakyan ko tapos nag-eskandalo sa kalsada"

"Ipinagsigawan na supot pa siya," nahihirapang sabi ni Herbert tuwang-tuwa ang ugok. Kaya pala nakasimangot ang mukha ni Jake nung inaakay niya si Maxine.

"Tado!" singhal sa kaniya ni Jake na ikinatawa naming lahat.

Supot amp.

Pumasok na kami sa loob at umupo sa couch. Dinala na ni Zexien si Maxine sa kwarto niya para magpahinga. Hindi naman kasi masyadong lasing na lasing katulad ni Maxine. Dumating naman si Blake na hindi maipinta ang muka at may bakat pa lipstick sa leeg ang ugok.

Iba talaga to,kakaibabe.

Inakbayan siya ni Jake at ngisihan."Sarap ba? Nagiwan pa ng marka si hipon oh!"

"Hell" sagot nito sa kaniya at hindi na kami umimik dahil halatang bad mood ito. Siguro pinipilit na naman siya ni Bea na maging boyfriend kaya ganito kasibangot ang mukha niya. Patay na patay sa kaniya si Bea kaso iba naman gusto nito ni Blake. Malakas pa tama niya kay Maxine.

Pain.

"So, ano ba talagang nangyari kanina?" tanong ni Zeid kay Herbert habang nagpupunas ng mukha. Katatapos lang maghilamos para pampawala ng hangover.

Tumawa muna ito nang tumawa bago ikwento. Baka daw hindi niya maikwento at puro tawa na lang ang mangyari. Si Jake naman matalim na nakatingin kay Herbert at inaabangan ang ikukwento.

Kakaiba talaga ang ugok na to, nawawala palagi mga utak.


~HERBERT's POV~

Nakaabang naman 'tong mga ugok na 'to sa ikukwento ko. Kapag naalala ko yung nangyari kanina at nakikita ko yung mukha ni Jake natatawa na lang ako. Mukhang may magwawar na magbestfriend.

Napakaepic talaga ng pangyayari.


-FLASHBACK-

Nakasakay kami ngayon ni Maxine sa kotse ni Jake at nasa likod kaming dalawa. Nakapikit siya at nakasandal sa balikat ko. Hindi naman kami masyadong lasing ni Jake pero si Maxine tinalo pa kami sa kalasingan. Nang mapadaan kami sa ministop ay nagyaya si Jake na bumili muna ng ice cream pampawala ng hangover.

Iniwan namin si Maxine sa kotse pero nang makabalik kami ay nasa labas siya nagsisisigaw sa harap ng napakaraming tao. Pinagtitinginan na siya pero tuloy pa rin siya sa pagsigaw.

"Si Jake supot pa 'yon. Kaya walang girlfriend kasi walang nagkakagusto dahil supot siya!" sigaw at humalakhak pa ito. Natawa na lang din ako sa sinasabi niya dahil malakas ang loob niya kasi lasing.

Napatampal naman sa noo si Jake. "Jusmeyo! Nakakahiya pinaggagagawa nito!"

Nilapitan namin si Maxine at pinipilit na pasakayin sa kotse kaso tuloy pa rin sa pagsigaw at nanlalaban din.

Tinuro niya si Jake na ngayon ay nakahawak sa kamay nito at pinipigilan siya "Eto supot po 'to mga ate at kuya kaya walang nagkakagusto. Sayang 'no pogi sana kaso supot!" 

At malakas na tumawa. Tawa ng mga mangkukulam na baliw.

Malakas na tawanan ang narinig ko mula sa mga taong nasa kalsada. Pinilit namin makasakay si Maxine at nagtagumpay naman kami. Mabilis na sumakay din sa driver seat si Jake at bago ako sumakay ay nagsorry muna ako sa kanila at sinabing lasing si Maxine kaya gano'n. Nang matapos ay sumakay na din ako.

Napatingin naman ako kay Jake at ginugulo gulo niya ang buhok niya at paulit-ulit sinasabi ang katagang "Kung hindi lang kita bestfriend nasapak na kita nakakahiya fck".Napailing iling na lang ako sa kaniya at pinaandar na din niya ang kotse.

-End of Flashback-


Nang matapos ako magkuwento ay napuno ng tawanan ang sala maliban kay Jake na masama ang tingin sa akin. Natatawa pa din ako hanggang ngayon kapag naaalala ko 'yon.

"Mukhang may magbestfriend na mag-aaway bukas." pagpaparinig ni Marc habang tumatawa pa din.

"Magviviral ka na pre, may sikat na kaming kaibigan," pang-aalaska ko sa kan'ya. 

Tinapik siya sa balikat ni Zexien."Pagpasensiyahan mo na bro nilasing mo kapatid ko e".

"Bat mo kasi nilasing? Ayan tuloy, bilis ng karma!" sabi naman ni Blake at humalakhak sinamaan naman siya ng tingin ni Jake.

"Supot moments," nakangising sabi ni Zexien na kakababa lang ngayon.

"Kasalanan mo 'yon kaya nalasing" depensa naman ni Jake dito.

"Hayaan mo sa susunod huwag na natin isama  yung kapatid ko na 'yon pre" pagtatanggol ni Zeid at umakbay pa dito.

Pinagtanggol pa si Jake kesa sa kapatid, ibang klase!

"Tado" sigaw sa kaniya ni Jake at tumayo na para pumunta sa guest room. Iniwan kaming natatawa pa din sa nangyari sa kaniya.

"Kumusta naman kayo ni Bea, Blake?" tanong naman ni Zeid na umiinom na ngayon ng chuckie.

"I'm okay, she's okay," pashowbiz na sagot ni Blake kaya natawa kami.

Pwede na siya imbitahan ni Boy Abunda. Napakapashowbiz talaga sumagot.

"So, what's your plan?" tanong ni Zexien na nagsisindi na ng sigarilyo ngayon. Nagtaka naman ako dahil do'n. Hindi ko alam kung kelan nagsimulang manigarilyo si Zexien dahil ang alam ko ay ayaw na ayaw niya sa usok nito.

"Plan for what? We're not a thing." sagot nito. Mukhang malalim ang iniisip niya. "Gusto ko na rin siyang iwasan para hindi na magkagulo. But she's so persistent."

"I don't want to interfere in your decisions but I hope you don't involve Maxine because I don't want her to get hurt." the authority in Zexien's voice caused us to remain silent. "I want you for her but I don't want you to be the reason to destroy what she built himself."

"Kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na saktan siya." Tumayo na siya at kumuha ng tubig sa kusina. Lahat kaming naiwan dito ay tahimik lang at nakikiramdam sa paligid.

"Woah! Ang intense, nakakatayo ng balahibo.." Zeid said. Hinawakan pa niya ang mga balahibo sa braso niya na akala mo ay totoo talagang nangyari.

Natawa naman kaming lahat kaya pumunta na din kami ni Marc at Blake sa guest room na katatakot lang uminom ng tubig. Sina Zexien naman at Zeid ay pumunta na sa kanilang kwarto.  Magkakahiwalay kami ng guest room dahil ipinagawa talaga ito ng mga magulang ni Zexien para sa amin. 

Oh, 'di niyo keri!

When I got to the room, I got dressed and lay down to sleep. I'm still smiling at what happened today, it was so memorable and I'm ready for what will happen tomorrow. And I fell asleep with a smile on my face.




Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora