Chapter 3:Toy

815 24 13
                                    


Blake's Pov

After I dropped off Bea, I went straight to Zeid's house. When I arrived, Zeid, Zexien, Herbert, Jake, Maxine, and Marc were in the living room and were watching a movie, so I sat down with them.                                                                                                                                                                                           

Kapagod. 

"Naihatid mo na ba si hipon?" tanong sa akin ni Jake kaya natawa na lang ako. Lagi niyang tinatawag si Bea na hipon at hindi ko din alam kung bakit.

"Huwag mo ngang tinatawag ng ganon." Saway sa kaniya ni Maxine at binatukan ito. Mangiyak ngiyak naman yung isang tumingin kay Maxine at yumakap pa ang loko. Natawa naman sila dahil halata namang nagpapaaawa lang ito. Pero inis ang nararamdaman ko masyado siya malapit kay Maxine.

Tsk!

"Kain katawan tapon ulo," sambit naman ni Marc na ikanahalakhak naming lahat. Napapailing na lang ako sa mga kalokohan nila. Tumingin ako kung nasaan si Maxine at saktong nakatingin din siya sa akin. Nakangiti siya pero malungkot ang mga mata. Napaiwas na lang ako ng tingin dito dahil mas lumalambot ako kapag nakikita ko yung mga mata niya.

Sorry at paliwanag lang gusto ko, mahirap ba yon?

"Nakahanda na po ang pagkain niyo sir,kain na po kayo," sabi ng yaya nila at ngumiti siya sa amin. Bago pa kami makatayo ay nauna na si Jake papunta sa kusina. Kapag talaga pagkain hyper na hyper 'tong siraulong 'to.

"Salamat po manang." Pagpapasalamat namin bago kami sumunod kay Jake at nagsimula ng kumain. Panandaliang tumahimik ang paligid ang binasag 'yon ni Zexien.

"Kumusta naman ang pag-aaral sa ibang bansa Maxine?" tanong nito sa kapatid.

"Mahirap sa una Kuya, medyo naninibago pero habang tumatagal nasasanay na din," sagot ni Maxine. I was staring at her and she was frowning  while looking at the green peas and she's placing it on the side of her plate, an indication that she didn't like it.

"Nagkaroon ka ba ng boyfriend do'n?" bakas ang strikto na tanong ni  Zeid. 

"U-Uhm...wa-wala...'di 'yan pumasok sa isip ko Kuya." Maxine answered, stuttering. Why does she stutter? Was she not sure of her answer? Or she's lying?

Bakit nga ba 'ko naiinis?

"Why are you stuttering?" Zexien asked with a silly grin. Maxine just scratched her head, unable to answer her older brother. 

We continued to eat when Zexien started talking again, with a goofy grin looking at me. I already know where this is going. I'm the next one he's going to tease. 

"So, kamusta na kayo ni Bea?" nang-aasar na tanong nito.

Kamusta nga ba kami? Wala namang kami.

"Kayo na ba?" sunod namang tanong  ni Herbert. Why do I feel like they will tease me with their questions? All their eyes were on me, waiting for my answer. I can also feel Maxine's eyes on me. 

"Wala laruan lang siya para sakin, no label." Kibit-balikat kong sagot sa kanila kaya natawa sila. Syempre yun ang palagi kong sagot kapag tinatanong nila ako. Pero 'yon naman ang totoo. Bea is by my side when I'm sad, I guess, but that's all.

Iba ang gusto ko.

"Hanep ka talaga," natatawang sambit ni Marc at napapailing pa. I could see how he's not agree. 'Di nila ako masisisi kasi simula nang umalis si Maxine nagbago na ako. Iba-iba kasamang mga babae papalit palit parang mga damit. Laruan na lang sila para sa akin simula nung umalis siya. Ayaw niyang ginagawa kong laruan ang mga babae.

Take note, hindi ako proud.

"Alam mo naman 'yan parang damit lang sa kaniya ang mga babae palit-palit." Naiiling na sambit naman ni Zexien. He  can't believe what I'm doing  but he's used to it. But no matter how many women I have, Maxine is still the one I really want. She's my main.

"Mismo, hindi nauubusan ng babae bigyan mo kaya kami," sabi ni Zeid at humalakhak.

Kahit sa inyo na silang lahat basta akin si Maxine.

"Kelan pa naging laruan ang mga babae?" seryosong tanong ni Maxine kaya bumaling ang tingin namin sa kaniya. I could feel that she's not really happy with what I'm doing. From her serious voice, I know she doesn't like what I'm doing. Hindi ko siya masisisi at hindi niya rin ako masisisi. Naiwan akong walang nakuhang sagot sa pag-amin ko. Iniwan akong gulong gulo.

"Simula nung umalis ka pagkatapos kong umamin!"I answered with emphasis that made her stop. The others were also stunned because of that. Umaakto siyang parang okay lang ang lahat kahit hindi naman. Na walang nangyaring pag-iwan kung umakto siya. Gustong-gusto ko siya no'n. Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob para umamin tapos wala man lang akong makukuhang sagot at ang pinakamasakit ay ang pag-alis niya. Tapos ngayon parang okay lang yung ginawa niya.

Sakit mo sa puso, Maxine.

"Next time na lang ako magoovernight uuwi na muna ko," walang emosyon kong paalam sa kanila at lumabas na. Narinig ko pang tinawag ako ni Zexien pero hindi ko na pinansin. Tumatawag naman sa akin si Marc at Herbet pero in-off ko na lang ang cellphone ko at pinaharurot ang kotse ko papuntang bar.


Jake's POV

Pagkatapos umalis ni Blake ay natahimik naman kami. Tinatawagan nila si Blake pero nakaoff ang cellphone. Tumingin naman ako kay Maxine malungkot ang mga mata niya.

"Okay lang yan magkakaayos din kayo," pagpapagaan ko ng loob niya. Pero wala rin akong kasiguraduhan kung magkakaayos pa ba sila. Hindi ko sigurado kung matitibag pa nga ang mga harang na ginagawa niya.

 "Ang laki ng pinagbago niya simula nang umalis ka. Gumawa na siya ng harang na kahit sino hindi makakatibag," sabi ni Herbert at sinangayunan naman ng iba. Totoo sila kahit yung pakikitungo niya sa amin nagiba na. Ibang Blake na ang kaibigan namin ngayon ang laking harang ang laki ng harang na ginagawa niya.

"Kahit nga kami ang kasama niya hindi namin matibag" si Zexien naman ang nagsalita. "Araw araw siyang nasa bar simula nung umalis ka iba-ibang babae ang kasama, iba-iba ang kahalikan, wala na ring pake sa grades niya kung bumagsak at matigas na siya" pagpapatuloy ni Zeid sa sinabi ng kuya niya.

Ibang blake na ang nakakaharap namin.

"Hindi ko naman sinasadya 'yon," sagot ni Maxine. Hinagod naman ni Marc ang likod nito para patahanin. Isa pa 'tong may gusto dito sa bestfriend ko.

Love Triangle, good luck na lang.

"Sinabi kong hindi ka rin tumatawag at nagtetext samin," saad ni Herbert. Sinabi namin kay Blake na wala kaming komunikasyon kay Maxine kahit ang totoo ay meron naman talaga. Tinapos na lang namin ang pagkain at dinala na kami ni Zexien sa guest room nila.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now