Chapter 20: Student Council

220 12 0
                                    


-ZEXIEN's POV

Pagkatapos naming kumain ay naisipan namin na manood na lang muna. Dumating na rin ang mga uniform na pinadala namin. Tinext na rin namin si Blake na pumunta dito pero hindi pa siya nagrereply. 

Bakit parang lumalayo siya sa amin? Sabi ko naman layuan niya muna ang kapatid ko kung 'di niya maayos gulo niya pero parang sa aming lahat siya lumayo.

Sumasakit ulo ko sayo Blake! Napaka talaga!

Maya-maya ay may kumatok kaya si Herbert na ang nagbukas dahil siya ang tinuro ng lahat. Busy na busy kasi manood ang iba at si Herbert naman ay hindi nanonood kaya siya ang nagbukas.

Mga ayaw magpaistorbo!

"Oh Blake, buti pumunta ka," sabi ni Herbert nang mabuksan ang pinto.

Pumasok na nga si Blake at pilit na ngumiti sa amin. Mukhang uminom na naman ang mokong dahil mula dito ay naamoy ko siya.

"Amoy alak, ang baho," naiiritang sabi ni Maxine at idinikit ang ilong sa T-shirt ni Jake. Silang dalawa kasi ang magkatabi. Gustong-gusto kasi ni Maxine ang pabango ni Jake dahil pambabae daw ito.

"Magpalit ka muna dude. Alam mo namang allergy si Maxine baka bugbugin ka,"natatawang sabi ng kapatid kong si Zeid. 

Kahit kelan wala talagang kwenta mga pinagsasabi. Agad namang nagpalit si Blake at tumabi sa pwesto ko.

"Umiiwas ka ba sa amin?" tanong ko ng makaupo siya sa tabi ko.

"Hindi, nagisip-isip lang ang gulo na kase" naiiling na sagot niya at tumawa. Nabaliw na rin?

Napaligiran na ata ako ng mga baliw na nilalang.

"Mukhang nabaliw ka sa kakaisip ugok!"natatawa kong sabi at natawa rin naman siya. 

Sa aming lahat, sa akin siya nanghihingi ng advice pero si Zeid ang lagi niyang kasama uminom. Kapag umiinom silang dalawa hindi nila kami inaaya kasi nga sobrang wild daw namin kasama. Ang sabihin nila, madadamot lang sila!

"Kaya pala gustong-gusto ni Maxine amoy mo! Ginaya mo pabango niya!"sigaw ni Marc at binatukan si Jake.

"Ano naman? Gaya ka, naiingit ka ata,"nangaasar na sabi ni Jake at dumila-dila pa ang baliw.

 Mga special child ata naging kaibigan ko e. Kaya naman pala, akala ko talaga gumagamit ng pabangong pambabae si Jake ginaya lang pala yung kay Maxine. Lakas din ng tama!

Kung hindi ba naman aish!

"Talo ka ni Jake,"natatawa kong bulong kay Blake at sinamaan niya ko ng tingin.

"Kapag binugbog ka ni Blake bahala ka!" nangiinis na sabi ni Zeid kaya nainis naman niya talaga si Jake. Effective, takot siya kay Blake.

"Kuya bestfriend ko siya!"naiiritang sigaw ni Maxine dahil nakataas na ang kilay niya. 

Sabay-sabay naman namin tinaas sa ere ang dalawa naming kamay dahil galit na talaga siya. Baka mamaya magwala pa 'yan kaya sumurender na lang kami.

Takot na kung takot iba pa naman magalit kapatid ko!

"Dragona," bulong ni Zeid na narinig naman namin ni Blake kaya natawa kami. 

Nanood na lang kami hanggang sa umabot kami ng madaling araw. Grabe kung may contest sa puyatan panalo na kami.

"Aish! May pasok pa tayo bukas,"inaantok ng sambit ni Maxine dahil humihikab-hikab na ito.

"Inaantok na ako. Goodnight mga pangit," inaantok ding sabi ni Jake at pumunta na sa kama niya. Pumunta na rin sa kama nila si Maxine at Marc.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें