Chapter 58:Cancel

85 2 1
                                    

Sobrang busy namin ngayong araw. Habang papalapit ng papalapit ang kasal namin mas lalo kaming nagiging busy. Inaayos na namin lahat ng kailangan sa kasal.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Maxine.Kanina pa kaming umaga nagaayos kaya kanina pa kami hindi kumakain.

"Not yet.Tapusin muna natin ito."sagot niya

Tumango na lang ako sa kaniya. Tinapos na namin ang ginagawa namin at niyaya siyang kumain.

"Mga anak kumain muna kayo."yaya sa amin ni Manang."Naghanda na kami para s ainyo kumain muna kayo."

Pumunta na kami sa kusina.Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa.Ipinaghila ko ng upuan si Maxine at nilagyan siya ng pagkain sa plato niya.

"Tataba ako niyan."sambit ni Maxine,nakasimangot habang nakatingin sa paglalagay ko ng pagkain sa plato niya.

I smiled and kiss her forehead."Even if you gain weight, I still love you."

We have already started eating. Zexien and Zeid are not here yet.

"Manang ang aga aga pa bakit niyo naman ako ginising."

Napalingon kami sa pinaggalingan ng boses na iyon. At nakita namin si Zeid na nagkukusot pa ng mga mata niya, halatang kagigising lang.

"Tanghali na iho. Ano bang ginawa mo kagabi at napuyat ka."tanong sa kaniya ni Manang.

"Wala Manang gusto ko lang talaga matulog."pagdadahilan ni Zeid.

"Ay naku kumain ka na diyan ang gigisingin ko na si Zexien."

Manang went upstairs.Zeid approached and washed his face in the sink.

"Bakit mukhang napuyat ka?" tanong ko sa kaniya ng makaupo siya.Tiningnan niya ako ng masama,alam na aasarin ko siya.

"He's watching some love story movie."Maxine answered.Natawa ako sa sinabi niya.Alam ko na kung bakit nanonood si Zeid ng mga love story movie.

"You're lying."matalim ang tingin ibinigay ni Zeid kay Maxine.

"She's not lying.Nanonood ka talaga kagabi ng mga love story movie." Napalingon kami sa nagsalita."Siraulo ka, pati ako napuyat dahil sayo."pagpapatuloy nito.Si Zexien ang nagsalita, kagigising lang din.

Mukhang wala talagang alam si Zeid sa pagmamahal.Nanood pa talaga ng mga love story movie para doon.

"Inlove ka ba Kuya?" tanong ni Maxine sa kaniya.Umiwas siya ng tingin at nagsimula ng kumain, hindi sinagot ang tanong.

Halata namang inlove siya. Pero dahil wala pa siyang experience, hindi pa niya alam kung paano mainlove,hindi niya maamin na inlove siya.

"Hinaan mo volume kapag nanonood ka.Nakakaabala ka sa tulog ng iba."sermon sa kaniya ni Zexien na kumakain na ngayon. Nagsimula na din kaming kumain.

Napalingon ako kay Maxine ng makitang inilalagay niya sa plato ko ang mga patatas na galing sa plato niya. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Why?" tanong ko.

"I don't like potato."

Ngumiti siya sa akin at itinuon na ulit ang pansin sa plato niya.Kumain na ulit siya.Kinain ko na lang din ang mga patatas na nilagay niya sa plato ko.

Pagkatapos namin kumain ay nagpatuloy na ulit kami sa pagaayos.Tumulong na din sa amin sina Zeid at Zexien,kaya mas napadali ang pagaayos namin.

"Nagyaya si Jake.Kain daw tayo sa labas mamaya."sabi ni Zeid habang nakatingin sa phone niya,mukhang nagtext sa kaniya si Jake.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt