Chapter 30

200 10 5
                                    

-MAXINE's POV

Papunta kami ngayon ng mga Beagle sa Cafe para maglunch.Medyo okay na ako ngayon wala ng gumugulo at nananakit.Simula ng mangyari bumalik ulit sa dati ang buhay ko.Tahimik pero may mga kaibigan pa din.

Nang mangyari yung sa gym hindi ko nanilapitan ang Flumes.Ako na din ang kusang umalis kesa naman magkasira-sira sila dahil lang sa akin.And nginingitian ko na lang sila kapag nakikita ko.Kapag alam ko namang uuwi sina kuya sa bahay pupunta naman ako sa condo para dun muna mamalagi.

Ang daming nagbago pero masaya pa din naman kahit papano.Hindi talaga natin mapipilit ang isang bagay na hindi naman talaga pwede.

"Pag iniwan ni Kianna si YInyin ako unang tatawa"natatawang sabi ni Benz.Apakabitter naman ng isang to.Palagi sigurong kumakain ng ampalaya.

"Pre wag ka na kumain ng ampalaya a"paalala ni Kix at nagtawanan kami.Ganito kami lagi puro asaran tuwing magkakasama.

Nakarating na kami sa cafe at muli na namang umingay ang paligid.Sabi sakin ni Brent mas naging maingay daw ang fans nila simula ng sumama ako sa kanila.Hays iniexpect ko na talaga yun sa ganda ko ba namang to joke.

"Ayan na ang mga Beagles"

"Ang popogi"

"Ang ganda ng girlfriend ni Yinyin"

"Wow mas lalo atang gumanda si Maxine"

"Hala sira na talaga ang Flumes?"nanghihinayang na sabi pa nung isa.

Napalingon ako sa gawi ng mga Flumes at tipid akong ngumiti sa kanila.Napansin ko ding ang katabi naming table ay ang table nina Blake at Bea.Well ayoko na ng gulo katulad ng dati.

"Buti pa ako kahit walang jowa madami namang naghahabol saken"taas noong sambit ni Jet.Grabe nagmana ata saken to sa confidence.

"Kapal ng mukha" nasusukang sambit naman ni Mocky.

"Alam mo te inggitero ka"parang babaeng sabi ni Jet at may paghand gesture pa kaya natawa kami sa kaniya.Siya ang mood maker sa grupo.

"Tama na yan kumain na tayo"saway sa amin ni Brent kaya sumunod na lang kami.

Kumain na kami habang nagkukwentuhan.Sa mga nagdaang araw mas naging tahimik ang mundo ko umiingay lang syempre kapag kasama ang Beagle.

"Alam niyo bang sina Blake at Bea ang kinuha ng Junior Swimmer para sa Interhigh"pagbabalita ni Yinyin.Hindi na ako naapektuhan kapag ganon ang usapan nila.Pag nagpaapekto ako talo ako."Pero walang muse at escort ang Senior"

"Ako kaya"natatawang sabi ni Kianna kaya nilingon namin siya.

"Ha?"kunot noong tanong ni Yinyin.

"Ako ang kinuha nila para sa muse tapos sa escort daw si Zexien"pagpapaliwanag nito.Nagiba naman ang timpla ni Yinyin ng marinig ito kaya natawa ako.

"Hoy bat ganiyan mukha mo nagseselos ka sa Kuya ko?"inirapan lang naman ako ng walanghiya.Ay bakla?"Kalma lang Yin hindi marunong mangagaw si Kuya"at kumalma naman ang loko.

"Mas gwapo kasi si Zexien"sabi ni Jake at bumunghalit ng tawa.Kahit kelan talaga hindi siya nawawalan ng entry.

Hindi naman na siya pinatulan ni Yinyin at nanahimik na lang ito sa tabi ng girlfriend niyang pasimpleng tumatawa.

Nang matapos kami kumain ay tumayo na kami para pumunta naman sa tambayan.Nagpatawag kasi ng meeting si Brent sa mga Student Council at dun sa garden gagamitin.Wala namang gagawin ang ibang Beagle kaya sasama na lang daw sila.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now