Chapter 32:Patagong Nasasaktan

208 13 1
                                    

BRENT's POV

Hindi naman siguro masama magmahal kahit may mahal na yung tao na yun. Hindi naman natin napipigilan ang nararamdaman natin.

Lahat naman kasi magugustuhan siya. Ideal type kumbaga ng karamihan. Maganda siya panloob man o panlabas na anyo.

Patago mong nagugustuhan patago ka ding nasasaktan.

Pero kahit anong sakit maramdaman ko siya pa din ang gusto ko. Kahit alam ko sa sarili kong wala akong pagasa gusto ko pa din siya.

Ang lapit lapit niya lang saken pero parang ang layo niya.

"Nakakabadtrip talaga pre akala ko dito gaganapin basketball" reklamo ni Jake. Kanina pa to reklamo ng reklamo sarap batukan. Isang oras na ng makalipas si coach at isang oras na din siyang nagrereklamo tungkol sa schedule ng interhigh.

"Nakakarindi ka pre" inis na sabi ni Benz. Isa pa tong siraulo na to ang siya ang pinakamaingay sa lahat pero galit na galit kapag may ibang maingay.

Nandito kami ulit sa tambayan namin. Pagkatapos kasi ng announcement ni coach ay pumunta na kami dito. Wala din namang klaze dahil vacant.

"Kaya niyo yan magaling naman kayo" sabi ni Maxine. "At saka yung lugar lang naman ang magbabago e hindi yung galing niyo sa pagbabasketball" nakangiting dagdag niya pa.

Ang ganda ng mga ngiti niya. Yung gugustuhin mong ikaw ang maging dahilan ng pagngiti niya.

Imposibleng mangyari yon

"Sus ang sweet mo talaga" nakangiting sabi ni Mocky. Nginitian lang siya ni Maxine at nagpatuloy sa pagkain ng snacks.

Bumili kasi sila ng mga junk foods at softdrinks para daw may makain naman kami habang nakatambay dito.

"Pero ang rupok talaga ni Yinyin pre" pagiiba ng usapan ni Jet. Napalingon kami sa kaniya at hinhintay ang sunod na sasabihin. "Biruin mo yun isang sorry lang ni Kianna okay na agad"

Ang rupok nga

"Mahal ko e" simpleng sagot ni Yinyin.Kinilabutan naman ako sa sinabi niya.

"Mais"tila anandidiring sabi ni Kix. Ako din gusto ko din mandiri. Joke lang ang bibitter namin. Pero para sakin okay lang naman maging marupok e basta wag maging tanga. Yung tipong paulit ulit ka ng sinaktan paulit ulit mo ding patatawarin. Okay lang sana kung nagbabago e kaso kung hindi ay naku tanga ka na pag ganon.

"Matunaw naman bestfriend ko" mahinang puna sa akin ni Jake kaya nilingon ko siya. Hindi ko namalayan na nakatingin, nakatitig pala kay Maxine. Nahahalata na siguro ako.

"Gusto mo siya?" wala siyang binaggit na pangalan pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Gust kong um-oo pero alam kong mas gugulo pa ang sitwasyon. At alam ko din na wala akong pagasa.

"Hindi pre" sagot ko. Tumango na lang siya at nakinig na sa pinaguusapan ng iba. Gusto ko ding makinig pero nawalan ako ng gana.

Ang hirap pala magmahal. Lalo na kapag ganito. Mahal ko siya tapos may iba siyang mahal. Ang hirap pang umamin kasi alam ko namang mababsted lang ako. Lalo na at kagagaling niya lang sa pain.

Ang sakit. Patago ko siyang nagugustuhan patago din akong nasasaktan.

-BLAKE's POV

Tinititigan sa malayo. Tanging pagtitig na lang ang kayang gawin. Ang lapit lapit niya pero hindi ko siya maabot. Malapit lang siya sa akin pero parang ang layo niya.

Nandito ako sa bahay namin. Matapos ang nangyari kanina ay umuwi na ako. Sobrang gulo na ng isip ko at gusto ko na lang magpahinga.

Ang daming nawala sa isang galaw ko lang. Nawala yung mga kaibigan kong palaging nasa tabi ko sa lahat ng oras at syempre ang nagiisang Maxine sa buhay ko.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now