Chapter 50:Araw ng mga ampalaya

182 4 1
                                    

-HERBERT's POV

Ang bilis ng araw. Parang pumikit ka lang tapos boom yun na. Pero seryoso mabilis talaga. Katulad na lang ngayon. Valentines na,pero wala pa din akong jowa. Pinanganak ata ako para maging single. Pinanganak lang ako para magsana all.

Nakakabitter. Magkakayakap na magjowa ang dumadaan sa harap ko. Yung iba naglalampungan pa tapos may nakikita pa kong humahalik yung lalaki sa pisngi nung babae. Dapak!!

"Tindi ng simangot a"

"Ano ba kayo bitter yan"

"HAHAHAHHA okay lang yan pare"

"Ilang kilong ampalaya nakain mo?"

Mga epal sa buhay bwisit!!

"Ano ba? Bakit ba kayo nandito?" tanong ko kay na Marc, Jake at Zeid.Wala sina Zexien at Blake kasi basta. Hindi ko din alam kung nasan sila. Si Maxine? Hindi ko din alam. Wala akong alam. Alam ko lang kung paano maging single.

"Pinapanood ka malamang" sagot ni Marc.

Muka ba akong TV para panoorin?

"Tinitingnan pagiging bitter mo" sagot naman ni Zeid.

Tsk bitter din naman sila at saka ampalaya ba ako?

"Wala kasi siyang jowa" natatawang hirit ni Jake kay mabilis ko siyang hinablot at binatukan.

Masyadong pasmado ang bibig. Wala din naman silang jowa.

"HAHAHAHA okay lang yan karamay mo ko" natatawa ding sabi ni Marc. Edi inamin din niya. Mga wala din naman silang jowa.

"Tsk. Pero bakit nga ba kayo nandito?" tanong ko ulet. Di pa nila simasagot e. O baka pumunta sila dito para mangasar?

"Bobo ka ba?" Yawa nabobo pa nga ako. "Syempre booth natin to alangan namang nandun kami sa booth nina Steve" inis na sabi ni Zeid. Ay bakit mainit ang ulo? Bitter din?

"Sina Zexien at Blake may ginagawa. May pasurprise ata kay Maxine." Sana all. "Dahil nga araw ng mga PUSO at hindi araw ng mga AMPALAYA" may diin pa talaga yung pagkakasabi ni Jake sa puso at ampalaya. Parang siraulo.

E ano naman kung may pasurprise. Wala pa man akong jowa ngayon pero soon siguro magkakaron na.

At kapag nangyari yon who you tong mga to!!

"E si Maxine nasan?" tanong ko ulet. Pansin ko kasing naiinis na sila kakatanong sa akin kaya mas lalo ko pa silang iinisin.Pambawi man lang sa pangaasar nila saken.

"Ang dami mong tanong. Nasa Student Council sila" inis na sagot ni Zeid kaya natawa ako. Iksi ng pasensiya neto. Manang mana kay Zexien. Awitizers.

Nlibot ko ang paningin ko at ganon pa din. Magjowang magkaakbay at naghaharutan sa daan. Grabe sana all na lang talaga.

May mga booth ngayon dahil nga Valentines. May Jail booth, Horror Booth, Marriage Booth, Kiss and Hug Booth, Dedecation Booth, Temporary Tattoo Booth, Photo Booth at Food Booth.

At ang booth namin ay Kiss and Hug Booth. Kung hindi ba naman siraulo si Jake tsk. Siya ang nagsuggest non. Kiss at Hug Booth daw pero sa amin Hahalik sa pisngi at yayakap. Shunga niya.

"Bat nga ba Kiss and Hug ang Booth natin?" inis na tanong ni Marc. Wala kasi siya kahapon kaya hindi niya alam.

Kung saan sana kasi pumupunta!!

"Naisip ni Jake kahit wala siyang utak" sagot ko. Totoo naman kase. Kung may utak siya hindi Kiss at Hug Booth ang maiisip niya. Okay lang sana kung lalagyan lang ng tatak na kiss yung mga pupunta dito e hindi samin sila hahalik at yayakap. Buang na Jake.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon