Epilogue

43 1 2
                                    


-BLAKE's POV

Ang sarap sa pakiramdam na hinihintay mo ang babaeng makakasama mo sa buhay.Nagsimulang tumugtog ang violin habang ang paningin ko ay nasa babaeng naglalakad sa dulo ng boardwalk.

"Congrats bro,alagaan mo kapatid ko."nakangiting sambit ni Zexien.Ngumiti lang ako sa kaniya at ibinaling ang tingin sa dulo ng boardwalk kung saan ang naglalakad ang babaeng pinakamamahal ko.

She's wearing a long all white gown with some flower on her head.She's so beautiful.Hindi ko maialis ang tingin sa kaniya.Nakatitig kami sa isa't-isa habang papalapit siya.

Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito.Sobrang daming nangyari sa aming dalawa.Naalala ko pa nung una niya akong nireject.Hindi ko alam kung ano gagawin ko.

"Labas tayo?"yaya ko sa kaniya.Ngayong araw ko napagpasiyahan na umamin na ng nararamdaman ko sa kaniya.Matagal ko na itong itinatago kaya gusto ko nang umamin sa kaniya.

d "Saan ba tayo pupunta?"tanong naman ni Maxine.Ang dami niyang tanong pero sasama din naman siya.

"Magdate tayo" sagot ko at mukhang nagulat siya."Joke lang."

Inirapan niya ako at nauna nang lumabas.Sinundan ko lang naman siya at papunta kami sa isang park na lagi naming pinupuntahan.

"Ano ba talagang gagawin natin dito?Ang dami ko pang gagawin Blake."inis na sabi niya at natawa lang din naman ako sa asal niya.Napakamainipin naman.

Umupo kami sa may bench at umalis ako saglit.Isusurprise ko siya at kasabay na ang pagamin ko sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya habang may hawak na bulaklak.Nagulat siya nang makita ako at napatayo sa kinauupuan niya.

"What's this? Ano meron bakit may pa bulaklak ka?"Any occasion?" tanong niya nang makalapit ako sa kaniya.

"Today is the day that I want to confess my feelings for you."

"Nangpaprank ka ba? Hindi naman April ngayon e,hindi din naman ako uto-uto" sabi niya at tumawa pa pero aam kong pilit yon.

"Hindi April ngayon at hindi din ako nangpaprank."seryoso kong sabi."Gusto kita Maxine, matagal na."

Natahimik siya at napailing-iling pa.Dahil sa reaksyon niya alam ko na agad na wala akong pagasa.Alam ko namang wala na akong pag-asa sinubukan ko lang.

"Tigilan mo na 'to.Hindi ako natutuwa Blake."Alam ko.Alam kong hindi ka matutuwa pero ginagawa ko pa din.

"Hindi ka ba talaga naniniwala? Walang halong biro lahat ng sinasabi ko Maxine.Gusto kita, gusto kita matagal na."desperado kong sabi.May pagpipilit sa boses na maniwala siya.

Natahimik siya sandali.Hindi pa din makapaniwala sa nangyayari.Magsasalita na sana siya nang tumunog ang phone niya.Sinagot naman niya ito at sandali silang nag-usap.

"Yes,okay pauwi na ako."sagot niya sa kausap at ibinaba na ang telepono.Hinarap niya ako at seryosong tumingin sa akin.Handa na ako. Sa reaksyon niya pa lang alam ko na.

"Blake alam mo namang---"Hindi pa niya natatapos sinasabi niya ay pinutol ko na.

"Alam ko na.Matagal ko nang alam na wala talaga akong pagasa.Okay lang sa akin Maxine tanggap ko naman na e matagal na."Kahit sobrang sakit sabihin ay ngumiti pa din ako sa kaniya.Ipinakita ko pa ding okay lang ako kahit hindi naman talaga.

"Sorry Blake."

Umiling ako sa kaniya at pagak na tumawa."Huwag kang magsorry dahil nagustuhan kita.Huwag kang magsorry dahil umamin ako sayo.Ganon naman talaga hindi lahat ng gusto mo gugustuhin ka kaya okay lang."

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now