Chapter 2:Babe?

947 27 13
                                    


Maxine's Pov

Naiwan kami dito pagkatapos umalis ni Blake kasama yung Bea daw. Selos ang nararamdaman ko. 3 years lang ako nawala may girlfriend na pala siya. Kasalanan ko din naman siguro kasi text or call 'di ko nagawa sa kanya.

"Grabe talaga 'yon si Blake sa restroom pa talaga" nakatatawang kwento ni Herbert at naiiling pa. Hindi naman siya gano'n dati. "Mukhang natuklaw ng ahas nang makita ako," pagpapatuloy nito na wari mo'y sayang-saya sa nakita kaya napailing na lang ako.

Ang daming nagbago,lalo na sa kanya.

"Alam naman nating lahat na fling niya lang 'yon e," nakangising sabi ni Kuya Zeid na akala mo ay siguradong-sigurado siya sa sinabi niya. "Tatawagan kapag nalulungkot." Naiiling pa si Kuya nang sabihin niya ito at halatang nasanay na.

Nagmukha tuloy silang baliw.

"Simula nang umalis si bestfriend naging gano'n na siya," sabi ni Jake na nagpatigil sa akin sa kinatatayuan ko. Nakatingin siya sa akin habang may nakakalokong ngiti. Nang-aasar na naman 'tong makulit na bestfriend ko na 'to.Pero totoo kaya? Simula nung umalis ako nagbago na siya?

"Mismo, paano kasi umamin sa kapatid ko sakto namang mag-aaral sa ibang bansa kaya di na nag-usap." Naiiling na sabi ni Kuya Zexien kaya tiningnan ko siya ng masama. Nginitian niya lang pero ngiwi lang ang naiganti ko sa kanya.

"Kuya!" naiinis kong sigaw kaya natawa na naman silang lahat dahil do'n. Kakauwi ko lang at sinimulan na naman akong asarin. Yes, umamin siya sa akin pero wala akong naisagot. And the next day, I went to another country to study there. Hindi ako nagparamdam sa kaniyaI was also ashamed because I ran away from him after he confessed. Teka bakit ang conyo ko?

 Baka dahil do'n kaya iniiwasan na niya ako.

"Hindi ko naman kasi sinasadya, syempre nagulat ako kababata ko siya tapos umamin siya sa akin and di ko naman sinasadya na flight ko na kinabukasan e." Nakangusong dahilan ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Lumapit naman sa aking 'tong bestfriend kong si Jake.

"Okay lang yan bestfriend pero mahirap suyuin ang naging yelo na e plus pabebe pa," seryoso pero nakangiting sabi nito sa akin.

Kaya ko ba? Kakayanin!

"Laruan lang sa kanya ang babae simula nang umalis ka. Basta na lang itatapon kapag nagsawa siya," seryosong sabi ni Marc. Do'n ako nagulat, nagbago na talaga siya. Dati hindi niya 'yon ginagawa kasi nagagalit ako sa kanya . Iniwan muna nila ako sa couch habang nagpapractice sila. Wala pa din si Blake pero nagsimula na sila kasi hahabol na lang daw ito.

I put my headset on my ears. I played a song by Taylor Swift, my favorite, and leaned myself on the couch and closed my eyes. I didn't realize I fell asleep.


Blake's POV

She really just went to eat. She said he wanted to go with me so I just went with her. She is not my girlfriend. It is more correct to say that she's just my toy. When I'm bored she's there, since Maxine left, Bea has been by my side.                                                                                      

"Una na ako babe may klase pa ako and practice ka na din," nakangiting sabi niya sa akin kaya nginitian ko din siya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi at saka kumaway na sakin. Kinawayan ko rin naman siya at dumiretso na 'ko sa music room.

Nagpapractice na sila ng maabutan ko sila at nahagip ng mata ko sa gilid si Maxine na natutulog. Nagtatampo ako sa kanya. Naalala ko na naman ang ginawa kong pag-amin sa kanya pero wala siyang naging sagot. Napako lang siya sa kinatatayuan niya. At kinabukasan flight na niya at ang pinakamasakit ay wala man lang siyang paramdam nang makarating siya do'n. Doon na rin pumasok sa eksena si Bea. Nasa tabi ko siya kahit na tinataboy ko siya. Palagi ko siyang nakikita sa bar dahil nakagawian ko na rin pumunta sa bar.

"Im back!" sigaw ko kaya napalingon sila sakin. Mga nakangisi ang loko.

Ano na naman kayang iniisip nitong mga 'to?

"Masaya?Masarap?" ngiting asong tanong ni Herbert kaya binatukan ko siya. Napailing na lang ako sa kaniya at pumwesto na.

Sabi ko na iba na naman iniisip nila e.

Zeid and Zexien are drummers, Jake and Herbert are guitarists, and Marc and I are vocalists. We were able to practice well so we decided to spend the night at Zeid and Zexien's house. So we arranged the things while Zexien woke up Maxine.

"Tapos na kayo kuya?" Tanong ni Maxine habang nagkukusot ng kanyang mata. Napangiti naman ako kasi hanggang ngayon antukin pa din talaga siya.

Maganda kahit bagong gising, pero mas maganda kung gigising siyang katabi ako.

"Hoy anong ngini-ngiti mo jan?" sigaw sa akin ni Jake at sumakay pa sa likod ko kaya halos hindi ako makahinga.Siraulo talaga 'to papatayin pa ata ako. Pinalo-palo ko yung kamay niya pero ayaw pa din bumaba.

May lahi ba 'tong unggoy?

"Hoy hindi na makahinga yan!" sigaw ni Zeid habang natatawa kaya natauhan naman ata ang Jake na 'to kaya umalis. Uubo-ubo ako nang biglang mag-abot sakin ng tubig si Maxine na nakangiti. Napahawak ako sa dibdib ko dahil lumalakas ang tibok nito.

Ang lakas pa din ng epekto mo sa akin,ginayuma mo ata ako.

Kinuha ko 'yon at tipid siyang ngitian. Hindi ko pinakita na interesado ako sa kanya. Dahil alam kong bibigay agad ako sa kaniya.

Kainis!

"Yun oh! Magbati na kasi kayo." Pang-aasar ni Jake habang nakangiting aso kaya napailing na lang ako sa kanya. Ang kulet talaga, parehong-pareho sila ni Maxine. Bestfriend moments ba 'to?

Isip bata!

Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-inom ko pero nagtama ang paningin namin ni Maxine. na nakangiti ngayon. Ang ganda ng mata niya yung tipong maiinlove ka talaga. Iniwas ko na lang ang paningin ko at nagpasalamat sa kaniya.

Palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin , isang ngiti mo lang wala na umiikot na ulit ang mundo ko sayo.

"Thank You Spongebob," nakangisi kong pagpapasalamat sa kanya dahil tinawag ko na naman siyang spongebob .Sobrang dami niyang spongebob sa kwarto niya dahil collection niya 'yon. Simula pagkabata nag-iipon na siya at paborito na talaga si Spongebob. Napailing na lang ako sa sarili ko, ang bilis ko talagang lumambot sa kaniya.

Nahagip ko namang nakangiti siya ng matamis sa akin. Siguro dahil tinawag ko siya sa endearment namin. Napangiti na din ako kasi nararamdaman kong gumagawa siya ng paraan para maging maayos kami.

Gumagawa nga ba?

"Babe," sambit ng kung sino sa labas ng music room at alam kong si Bea 'yon. Tiningnan ko siya at nasa pintuan na siya, nakangiti sa akin.

"Bakit ka nandito hipon?" Nakataas kilay na tanong ni Jake kaya natawa naman silang lahat maliban syempre sa akin at kay Maxine. Mukhang nairita naman si Bea dahil do'n.

Siraulo talaga!

"Anong tawag mo saken?" umaapoy sa inis na tanong ni Bea kay Jake pero dinilaan lang siya nito at umakbay kay Maxine.

"Ikaw, hipon ka tapos ang bestfriend ko prinsesa namin," nagmamayabang na sabi ni Jake dito at niyugyog pa ang balikat ni Maxine. Napangiwi naman si Maxine at mukhang nahihilo sa pagyugyog niya dito.

"Tigilan mo nga yan, nahihilo na si Maxine!" saway ni Marc at lumapit dito para batukan na nagpabitaw naman kay Jake at hinawakan ang ulo.

"Wow, you're back." Nakataas kilay na sagot ni Bea .Agad ko naman siyang nilapitan at niyaya nang umalis do'n.Ihahatid ko muna siya bago pumunta sa bahay nina Zeid. Kumaway ako sa kanila bago umalis para ihatid si Bea.


~AUTHORS NOTE~

Sorry kung nabago yung story ko HAHAHAHA ang gulo kase e sobrang bata ko pa nung sinulat ko yon. Iniedit ko na din and sobrag dami pa lang typo.

Maayos pa kaya nina Blake at Maxine? Maibabalik pa kaya nila sa dati ang kanilang pagsasamahan? Abangan!

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now