Chapter 47:Hopefully Lahat

209 5 7
                                    

Mahaba habang update para makabawi!
____________________________________

-ZEID's POV

Masaya ako para sa kanila. Syempre masaya si Maxine. Masaya ako kasi madami ng pagsubok na dumating sa kanila pero sila pa din pala. Ang dami na nilang luha na nilabas, sakit na naramdaman pero sila pa din talaga.

Pero hindi ko maiwasan mainggit. Mas nauna pang magkajowa tong kapatid ko na to. Hindi naman ako nagmamadali dahil alam kong darating din ako sa sitwasyon na yon. Hindi ko lang talaga maiwasan mainggit.

Mapapahopefully lahat ka na lang talaga.

"Woi Steve kamusta?" napabalik ako sa ulirat ng magsalita si Maxine. Nasa harap na pala namin si Steve. Medyo pumayat siya at lumaki ang eyebags niya. Stress.

"Eto ayos lang busy practice doon practice dito" sagot nito. Halata nga. Mukhang di siya nakakatulog ng maayos.

"Di na sila bumalik?" kahit hindi sabihin ni Kuya Zexien ang tinutukoy niya ay alam na agad ni Steve kung sino yon.

"Oo e kasalanan ko rin naman e" malungkot na sagot ni Steve.

"Kasalanan yon ng ex mo sampalin ko siya e" gigil na sabi ni Maxine kaya nilingon namin siya. "What? Totoo naman a duh"

"Boiling na naman yung dugo mo bhiE" maarteng sabi ni Herbert na inirapan lang ni Maxine. Ang taray talaga neto.

"Maayos niyo din yan" biglang sulpot ng kung sinong mongoloid at yon ay si Jake.

"Si Marc ang kasama niyong maglalaro sa Junior Swimmer kaya wag ka na magalala" at tinapik ni Kuya Zexien ang balikat ni Steve. Sobrang stress na neto.

"Sige salamat sa inyo kita kita na lang bukas" nakangiti man si Steve ng sabihin yon ay mababakas mo pa din ang lungkot sa mata niya. Hindi siya magaling magpanggap.

"Pumayat siya" sabi ko ng makaalis si Steve. Talaga namang pumayat siya at halatang puyat pa.

"He's the only co-worker. Then the other members left. So they have to train the new member they took."Kuya Zexien replied. Ngayon ko lang nalaman na medyo may pagkatsismoso pala si Kuya.

"Tara na maaga pa tayo bukas"yaya ni Marc at nauna ng maglakad. Habang palabas kami ay puro pagbati ang naririnig namin. Todo congratulate kay Jake at si Jake naman todo kaway pa ang yabang ng datingan siraulo talaga.

" Congrats permanent member ka na ng Beagle" Blake congratulated him.

"Its me lang pre pero congrats din sa inyo kayo na pala" sabi ni Jake at tumingin pa sa magkahawak na kamay nina Blake at Maxine. "Pag sinaktan mo pa bestfriend ako na makakalaban mo. Tandaan mo yan" at tinuro turo pa sa mukha si Blake. Tapang tapangan naman neto duwag naman naku.

"Ang hot mo din bhiE kalma" maarteng sabi na naman ni Herbert at ipinulupot pa ang kamay ss braso ni Jake. Puro talaga kalokohan.

"Ano ba ano ba bitawan mo ko sasapakin kita" pagpupumiglas naman ni Jake pero dahil makulet ang Herbert wala siyang nagawa.

Sumakay na ako sa kotse ni Kuya Zexien. Yung iba naiwan na din. At syempre naiwan sa labas ang magjowang Maxine at Blake. Di ako bitter goize inggit lang joke.

"Kita na lang tayo bukas Phom Rak Khun" malambing na sabi ni Blake at hinalikan muna sa ulo ang kapatid ko bago ito pinapasok. Sweet.

Ngiting ngiti namang pumasok sa kotse ang kapatid ko at itinuon ang paningin sa labas ng bintana. Inlove na inlove ang lukaret kong kapatid.

Nang makarating kami sa bahay ay nagkaniya kaniya na kaming akyat sa sarili naming mga kwarto. Nagbihis muna ako bago nahiga sa kama ko.Naririnig ko pang may kausap si Kuya Zexien dahil magkatabi lang ang aming kwarto.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz