Chapter 28:Kiss

208 11 0
                                    

Nakarating na kami sa isang fastfood restaurant.Hindi ko pa din maiwasan mapangiti sa nangyari kanina.Wala pa nga akong ginagawa nagagagalit na siya.Pfttt kawawa

Umupo na kami at syempre pinaggigitnaan ako ni Brent at Jake.Niyaya nila si coach pero busy daw siya kaya hindi siya makakapunta.

"Makakapagrelax relax na din"sabi ni Yinyin at inakbayan ang girlfriend na katabi.Akala naman may aagaw sa girlfriend niya.Napakaseloso.

"Akala mo naman pagod na pagod e halos nakaupo ka nga kapag may training"pangbubuska ni Benz sa kaniya.

Dumating na ang order namin kaya tumahimik muna kami saglit.Nagumpisa na din kaming kumain ng tahimik.Mukhang gutom na gutom sila kaya ganadong ganado kumain.

Masaya sila kasama.Magaan na agad ang loob ko sa kanila kahit kakakilala lang namin.Hindi naman kasi sila mahirap maging close.Kung mahiyain ka naman sila agad ang magapproach sayo.

"So kamusta ang lovelife?"pangbabasag sa katahimikan ni Kix.

"Walang lovelife"deretsong sagot ni Mocky.

"Iniisnob mo kasi yung kaklase nating nagpapapansin sayo"sagot ni Jake kaya napalingon kami sa kaniya.

Magkaklase nga pala silang dalawa.

"Shut up Jake"inis na sabi ni Mocky kay Jake.At ang walanghiyang Jake tumatawa lang.Mukhang nasisiyahan kapag naiinis si Mocky.

Paano kaya nila natatagalan ang isat isa.Mukhang puro pangaasar ang naabot nito ni Mocky kay Jake.

"Pansinin mo na kasi yon para may lovelife ka na"pangaasar ni Jake kaya mas lalong tumaas ang kilay ni Mocky.Sa mukha pa lang ay halata ng naiinis na siya sa pinagsasabi nito ni Jake.

Tinampal ko ang kamay niya kaya napalingon siya sa akin."Tumigil ka na baka magkapikonan pa kayo"

Nagtawanan naman ang iba dahil biglang tumiklop itong si Jake.Nanahimik sa tabi ko at kumain na lang.Sinasamaan niya lang ng tingin ang mga tumatawa.Alam niya kasing sasawayin ko na naman siya kapag nagsalita pa siya.

"Ky lagi mo ng isama si Maxine para hindi ka na maasar ni Jake"natatawang sabi ni Jet.Ky pala ang nickname netong si Mocky.

Napailing na lang kami sa sinabi niya.Hindi yon maganda dahil mabubwisit lang ako sa kanila.Maikli pa naman ang pasensiya ko.Baka masapak ko na lang sila ng wala sa oras.

Natapos kaming kumain at nagaasaran na naman sina Jake at Mocky.Hindi ko na lang sila pinansin dahil sasakit pa ang ulo ko sa kanila.Nagbayad na muna si Kix dahil sabi niya ay libre niya daw.

Bukas pa naman ang birthday niya pero ngayon agad siya nagpakain.Bukas daw kase ay mas magiging busy ang schedule nila dahil napapalapit na ang interhigh.

Lumabas na kami ng natapos at napagdesisyonan na bumalik na sa University.Si Yinyin ay hinatid na ang girlfriend na si Kianna sa bahay nila.Pupunta daw muna sa locker etong mga kasama ko para kunin ang gamit nila.Sumama na din ako dahil kasama naman si Jake at sabay na din kaming pupunta ng Music Room.

Mula kagabi ay hindi pumunta sa Music Room si Blake.Simula nung makauwi ako ay kanina ko lang siya nakita at mukhang totoo nga ang kumakalat na balita.Masakit pero wala naman akong karapatan ni hindi nga kami nagkaroon ng label e.

Siguro hindi talaga kami yung para sa isat-isa.Ang hirap naman kung maghahabol pa ako e may nahuli na nga siyang iba.Siguro hahayaan ko na lang sila.Baka kasi dun talaga sasaya si Blake diba ipagkakait ko pa ba.

"Di na kita maihahatid nagmamadali kasi ako may family dinner kami e"sabi ni Brent kaya napailing naman ako sa kaniya.Ang lapit lapit na kaya ng Music Room ihahatid pa ako.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now