Chapter 41:Representative

225 14 7
                                    

DISCLAIMER:This is an unedited story. Maaring may makita pa kayong mga maling bagay, or errors in terms of grammar and such sa librong ito.

For more concerns and updates visit my social media account.....

Facebook:Heart Gatbunton
Instagram:heartalday
Twitter:ry_alday
Email:heartalday7@gmail.com

__________________________________

Pagkatapos ng opening ay hinayaan muna ang ibang studyante mula sa ibang University na maglibot. May mga booth kasi ngayon at bagong pakulo daw nila ngayon Interhigh.

Nagtataka nga din ako kasi dapat nagsisimula na ang laro ngayon pero dahil may ganito pang pakulo ay mamaya na daw magsisimula.

"What do you want?" tanong sa akin ni Blake ng nasa harap kami ng isang smoothie drink.Sina Kuya Zexien hindi ko alam kung nasan. Siguro naglilibot libot din.

Nagkalat ang mga studyante. Hindi naman siksikan dahil nga malaki ang University namin.

"Ahm chocolate smoothie na lang" at umorder na siya. Habang hinihintay namin ang order namin ay napansin ko si Zandro na nakatayo medyo malapit sa amin at nakatingin sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. Hindi naman sa pagaassume pero I always catch him looking at me. He looked scary.

"Here". Naalis ang tingin ko kay Zandro ng magsalita si Blake. Inabot na niya sa akin ang chocolate smoothie.

I tasted it and it was delicious.

May pangtulak kami pero walang pangbara. Nagpalinga linga ako at may nakita akong stall ng fries ng kung saan nandunnsi Zandro. Pero wala naman akong pake.

"I like fries. Can we buy?" tanong ko kay Blake at ngumiti naman siyang tumango. Hinila ko na siya para pumunta sa stall ng fries.

Nang makarating kami sa stall ay agad akong namili ng flavor.

"Barbecue Flavor saken yung large" nakangiti kong sabi at agad namang sinunod ni Blake. Gusto ko sanang ako ang magbayad pero dahil babawi daw siya kaya hinayaan ko na lang.

Naramdaman ko na namang may nakatingin sa akin at sa pagharap ko nga sa gilid ko ay naabutan kong nakatingin sa akin si Zandro. Nakakatakot kinikilos niya.Kumindat pa hmp!

Napahawak na lang ako bigla sa braso ni Blake at agad naman siyang sumulyap sa akin.

"Are you okay?" nagaalalang tanong niya. Tumango na lang ako sa kaniya at humigpit ang kapit.Bakas pa din ang pagaalala sa mukha niya at mukhang hindi kontento sa sagot ko.

Binigay na sa amin ang order namin at agad kaming nagbayad. Gusto ko na din umalis dito. Natatakot ako sa katabi ko.

"Ang ganda ng girlfriend mo pre" sabi ni Zandro ng nakangisi. Nilingon namin siya. Presensiya niya pa lang nakakatakot na.

Hinila ko na lang agad si Blake dahil ayokong gumawa pa siya ng gulo at hindi na talaga ako komportable don.

"Hayaan na lang natin siya. Please. Hindi kasi ako komportable kanina nakakatakot siya tumingin" sabi ko at agad naman siyang tumango.

"Its okay. Tara na baka magsimula na mamaya e" nakangiting sabi niya kaya napangiti na din ako. Hinawakan niya ang kamay ko at naglibot libot kami.

Kapag kasama ko siya feeling ko safe ako. Kapag hawak niya kamay ko nararamdaman kong walang mangyayaring masama sa akin.

Sana talaga walang mangyaring masama.

Falling For Her (Delmundo Siblings 1)Where stories live. Discover now