Chapter 58: New Student

Start from the beginning
                                    

"Tumahimik na nga kayo! Sino ba yang si aile?" Tanong ni jasmine.

"Classmate namin at the same time bagong kaibigan"

"Ay, naku kc! Kung ako sayo. Babantayan ko na ng maigi si lance"

"Tsk. Siguraduhin mo lang na hindi ka lalapit doon dahil pag lumapit ka. Humanda ka sakin" pagbabanta ni kc kay lance na agad tumango. Ngumisi naman ako. Nasa akin pa rin ang huling halakhak, lance!

"Para kang tangang ngumingiti diyan, pandak" sinamaan ko ng tingin si yabang. Makapag-sabi ng tanga wagas!

"Thank you sa pag-sabi ng tanga, ah? Na-appreciate ko iyon"

"Well, your welcome. Dapat ba araw-arawin ko ang pag-sabi nun?" Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapag-salita, hutek. Sinamaan ko siya ng tingin ng subuan niya ako ng tinapay. "Sabihin mo pag mag-papasubo ka, ah? Para alam ko. Hindi yung nganganga ka diyan" Grabe, wala akong masabi sa kayabangan niya. Hari nga ng kayabangan, bwiset!

"Baka malusaw si kaizer" ngumiwi ako sa sinabi ni xylorh.

"Edi, maganda. Para wala ng mayabang dito"

"Tsk, pag nawala siya. Edi, wala ka na ring boyfriend"

"Ayos lan-----"

"Sasama ka ba, lorh?" Tanong ni yabang kay xylorh. Nagtaka naman ako. Saan sila pupunta?

"Ah, oo"

"Saan kayo pupunta?" Taka ko ng sabi. Wala akong idea kung saan sila pupunta.

"Maghahanap ng chicks. Bakit?" Ngumiwi naman ako.

"Edi, maghanap kayo. Simulan niyo na ngayon. Hatid ko pa kayo---ay, sa bar nila bryant! Madaming chicks dun" hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Bakit? May nasabi ba akong mali? Nag-suggest na nga yung tao.

"Seriously, zyra?" Gulat na sabi ni zana na kinataka ko ulit.

"Bakit? Maghahanap daw sila ng----aray" pinitik nila yung noo ko. Napanguso naman ako.

"Hindi mo sila pagsasabihan?" Takang tanong ni kc.

"Bakit ko naman gagawin yun?" Nasapo nilang lahat yung noo nila.

"Hindi ko alam na may pagka-slow ka na ngayon" iling na sabi ni joy.

"Tsk, hindi ah! Kung maghahanap sila ng chicks! Edi, maghanap din tayo ng lalaki. Ganun kadali yun!" Napanganga silang lahat habang ako naman ay tinaas-baba ang kilay habang nakangisi.

"What the hell!" Sabi ng mga boys na mas lalo kong kinangisi.

"Grabe! Iba ka talaga noh?" Ngangang sabi ni taylor.

"Waahh, Couz. Bilib na talaga ako sayo" papuri ni zana na mas lalo kong kinangiti.

"Oh? Ano? Alis na kayo" mataray na sabi ni kc.

"Huwag kang mag-alala. Aalis kami mamaya" sabi ni lance.

"Saan tayo maghahanap ng lalaki?" Tanong sakin ni jasmine.

"Hindi lalaki hahanapin ko"

"Ah? Eh, ano?"

"Chicks din. Yung modelo! Yung sikat na sikat na modelo" sabay kindat ko.

"Kailan ka pa naging tomboy?" Tanong ni zana.

"Hindi ako tomboy! Kakausapin ko lang yung modelo kung paano magka-pera" nganga sila sa sinabi ko.

"Bakit naghihirap ka na ba?"

"Naghihirap na nga ba ako----"

"Kumain ka na nga lang. Kung ano-ano sinasabi mo!" Suway sakin ni yabang. Totoo naman, eh! Tsk, mayayaman nga pala sila.

"Gusto niyo ipakilala ko sila sa inyo?" Tanong ko sa boys.

"Tsk, modelo? Psh" sagot ni yabang na kinangisi ko.

"Oo-----si Natasha. Ang nag-iisang modelo dito" napa-ubo sila na kinabungisngis ko.

Ayaw ba nila si Natasha? Maganda naman ang bubuyog na iyon, eh. Lagi nga lang kinukulang ang tela ng damit. Yaman-yaman walang pambili ng tela.

"President! President! President Lopez" Napatingin kami sa estudyanteng tumatakbo papalapit samin.

"Yes" sagot ni yabang ng makalapit samin yung babae.

"P-President, si natasha po may inaaway na bagong mga estudyante"

"Hindi pa kayo nasanay?" Mataray na sabi ni kc dito.

"Iba po kasi ngayon"

"Tsk, Tara na" tawag samin ni yabang kaya nagsitayo na sila. Napatingin sila sakin ng hindi ako tumayo.

"Hindi ka sasama?" Tanong sakin ni Fred.

"Hindi. Uubusin ko muna yung pagkain ko. Sige na mauna----"

"Tatayo ka o bubuhatin kita?" Masungit na awtoridad na sabi ni yabang kaya mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako.

Tsk, hindi kaya ako nag-almusal kaya nagugutom ako. Konti pa lang din nakakain ko tapos biglang dumating tong---asshh. Pa-importante kang natasha ka.

Simangot akong sumunod sa kanila. Sa susunod hindi na ako sasabay mag-lunch sa kanila! At least na nakaka-concentrate ako sa pagkain eh hindi ako nakakapag-concentrate dahil maingay na nga sila nadadamay pa ako sa pagsama sa kanila sa kung saan. Huwag ka munang magreklamo tiyan ah? Kakain tayo mamaya!

"Hindi kayo nababagay dito! Mga squatters!" Walang prenong sabi ni Natasha sa mga bagong estudyante.

"Huy, babae. Kung squatters kami! Ano tawag sayo? Reyna ng squatters?" Muntik na akong natawa sa sinabi ng babae. Grabe, ganda manood, ah. Umapprove pala si reyna ng bubuyog, hehe.

"How dare you to say that. Who the hell are you to say that? Sino ka ba sa tingin mo?"

"Tingin ko sa sarili ko? Baka pag sinabi ko mainggit ka. Alam mo kung bakit? Kami may pambili ng tela ng damit eh sayo? May pambili ka ba ng tela ng damit? Kinulang kasi sa tela yang damit mo. Naghihirap ka na ba?" Natawa na ako ng mahina. Grabe, hindi ko inaasahan yun. Astig din pala ang babaeng ito.

"Huh! HOW DARE YOU! You will pay for this! Wala kang karapatang pag-sabihan ako niyan. Dahil kahit kailan hindi kami mag-hihirap. My family will never be poor forever"

"Tanga! May forever ba?"

"Huy, babae ang kapal ng mukha mong pagsabihan ng tanga ang queen ko" singit ng kaibigan ni Natasha.

"Huwag ka ngang maki-alam dito" sabi ng kaibigan nung babae sa kaibigan ni Natasha.

"Ikaw ang huwag maki-alam dito" masungit ng sabi ni Natasha.

Akmang magsasalita si yabang ng agad kong tinakpan ang bibig niya. Taas kilay niya naman akong tinignan.

"Hehe, manood muna tayo. Mamaya ka na manermon" mahina kong sabi. Sapat na para marinig niya. Tinanggal niya naman ang kamay ko sa bibig niya.

"Tsk, hihintayin ko pa silang magka-sakitan?"

"Mmm! Pag natapos yun! Dun ka na manermon---aray"

"Stupid" iling niyang sabi at hinimas ang noo ko. Pipitikin niya noo ko tapos hihimasin niya?! Sino kaya ang stupid samin nun?!

"Matuto kang rumespeto sa mas Nakaka-ganda sayo" sabi ni Natasha sa babae.

"Sa tingin mo maganda ka. Paano sa paningin namin?" Tanong ng babae na kinahiyaw namin except kay yabang na walang ekspresyon.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now