Chapter 54: Family

Start from the beginning
                                    

"Ano iyon hija? Maupo ka muna"

"Hindi rin ho ako magtatagal, dean. May gusto lang ho sana akong itanong"

"Ano ba iyon?"

"Hindi na ho ako magpapaligoy-ligoy pa. May gusto ho bang bumili nun sa CIS?" Nagulat siya sa sinabi ko.

"Oo, hija. Bakit?"

"Nabili ho ba nila ang CIS?"

"Hindi. Dahil hindi ako pumayag"

"Bakit ho ba nila gustong bilhin ang CIS?"

"Kasi gusto nilang makuha ang black folder" yung kinuha ko? Bakit nila gustong makuha iyon?

"Bakit ho nila gustong makuha iyon?"

"Para gamitin sa kapangyarihan. Kapag nakuha nila ang black folder. Maaari nilang gamitin yun laban sa mga gangster" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"So, anong mangyayari sa mga gangster?"

"Magiging sunod-sunuran sila kung sinong may hawak sa folder. Dahil ang alas ng lahat ay ang black folder" nakahinga ako ng maluwag.

Anong dahilan ng magulang ni shadow at gusto nilang makuha ang folder? Gusto nilang maging pinuno ng mga gangster? The hell!

Gusto kong mag-liyab sa galit tuwing naiisip ko ang sinabi niya. Kailan pa nagsisimula ang magulang ni shadow?

Kaya ba gusto ni shadow maging kami para mapadali ang alis nila sakin? The hell! Walang hiya ka shadow. Naloko mo ako sa kadramahan mo! May paiyak-iyak ka pa nun! Traydor ka! Buti na lang hindi ako pumayag nun kundi baka ngayon wala na ako sa pwesto ko. Salamat din kay yabang dahil kung hindi siya nagpanggap noon baka mas lalo akong naloko nila shadow.

Hindi ako makatulog kasi tuwing naiisip ko lahat ng sinabi ni dean carl feeling ko nagsisimula na sila shadow.

Nang sumapit ang umaga agad akong nag-ayos. Tinext ko na rin si Bryant na hindi muna ako papasok sa trabaho ngayon.

"Oh, couz. Aga mo, ah. Saan ka pupunta?" Bungad sakin ni zana ng makita niya akong nag-aalmusal.

"Yeah, may pupuntahan ako"

"Magda-date kayo ni kaizer?"

"Hindi. May importante akong pupuntahan. Pag pumunta si yabang dito. Sabihin mo hintayin na lang ako"

"Saan ka ba pupunta?"

"Sa iyakan"

"Ah?"

"Tsk, Bahala ka diyan. Alis na ako. Bye" sabay alis ko sa condo.

---

Nang makarating ako sa bahay. Pinag-masdan ko agad ang kabuoan nito. Halos walang pinag-bago.

Nag-doorbell ako sa gate kaya pinag-buksan ako ng maid.

"Sino po sila?" Tanong ng maid. Bago lang atah siya dito sa bahay kasi hindi niya ako kilala.

"Andyan ba ang pamilyang vic?"

"Sino po sila? Ano pong kailangan niyo sa kanila?"

"Ah, may sasabihin lang sana ako"

"Magpa-paalam lang po ako sa kanila kung-----"

"Huwag na. Alam nilang darating ako. Hindi ba nasabi sayo?" Palusot ko. Kung magpapaalam pa siya. Edi, matatagalan pa ako dito sa labas.

"Hindi po"

"Baka hindi nasabi sayo"

"Hindi nga po"

"Makaka-pasok na ba ako sa loob?"

"Sige po. Pumasok na po kayo" gumilid siya kaya nakadaan na ako papasok. "Halika po kayo. Igu-guide ko kayo-----"

"Bakit nagpapasok ka ka-agad ng kung sino?!" Mataray na supladang sabi ng maid na nasa tapat ng pinto. Siguro bago rin ito.

"Ah, sabi niya kakausapin niya daw ang pamilyang vic" sabi ng maid na nagpapasok sakin.

"Bakit? Wala namang inaasahang bisita ang pamilyang vic, ah!" Tsk, itapon ko kaya tong masungit na maid?

"Wala ba? Pero, sabi niya inaasahan daw siya" turo sakin ng nagpapasok sakin.

"Ah, yes. Inaasahan nila ako. Hindi kayo nainform kung ganun" sabat ko na nanggigigil na ako sa masungit na maid na toh.

"Kung may inaasahan silang bisita dapat sasabihin nila samin-----"

"Huy, Leila. Papasukin mo na yung babae. Malay mo nakalimutan lang tayong iinform" sabat ng hardenero na lalaki.

May itsura naman---teka, kasing edad ko lang kung tutuusin ang mga ito, eh. Ang babata pa nila tulad ko kaya dapat i-enjoy pa nila ang buhay teenager. Siguro kapus sila sa pera katulad ko kaya nagtra-trabaho sila.

"Hi, ken. Ang bait-bait mo talaga kaya kita nagustuhan, eh" muntik pa akong maubo ng parang manok ang pagkakasabi ni Leila kay ken.

"Tsk, papasukin mo na siya" sabi ni ken at tumingin sakin. "Miss, pumasok ka na sa loob. Pagpasensyahan mo na si Leila ganiyan talaga siya"

"Okay lang. Naiintindihan ko kung bakit. Manok ang pagkakasabi niyang yun" binulong ko na ang huli kong sinabi. Yung tanging ako rin lang ang makaka-rinig.

"Tsk, pumasok ka na" masungit na sabi sakin ni leila. "Oh, ken papasok ka rin?" Tanong niya ng akmang susunod samin si ken.

"Oo, may kukunin ako sa kusina"

"Okay, sakin ka tumabi"

Napa-iling na lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Pagkapasok ko pa lang ang dami ng maids at hardenero ang naka-pila sa hagdan baka bababa sila zimon at babatiin nila ng 'good morning' tsk.

Mukhang dumami ang maids at hardenero dito sa bahay. Pumila rin sila Leila sa hagdan kaya ngayon lompleto na ang maids at hardenero. Wala na kasing space, eh.

"Bakit may bisita?" Bulungan ng mga maids at hardenero. Pero, rinig ko naman. Useless.

Umupo ako sa sofa at kinuha ko ang magic clay. Buti hindi pa ito tumigas, haha. Matagal na ito, eh. Binili ko pa ito sa HK.

"Huy, babae. Huwag ka ngang feeling-----"

"GOOD MORNING, MA'AM/SIR" naputol ang sinasabi ni leila ng sabay-sabay ng mag-salita ang lahat.

"Good morning" ngiting sabi nila zimon sa mga maids at hardenero.

Napatingin ako kay zimon. Tumangkad siya at gwumapo. Tumingin rin ako kay zaimon. Naging maganda ang katawan niya at gwumapo rin siya. Napatingin ako kay mommy. Mas lalo siyang gumanda at tumanda konti. Si dad naman may puti na rin ang buhok. Hindi ko maiwasang malungkot.

Kasalanan ko naman ito, eh. Ginusto kong umalis kesa makasama sila. Masakit kasi ang nangyari sakin kaya mas pinili ko talagang umalis. Tuwing tumitingin ako sa bawat sulok ng bahay hindi ko maiwasang masaktan. Napaka-rami kong memorize dito na maganda at masama.

"Who are you?" Rinig kong tanong nila zaimon. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa kanila. Kita ko agad ang gulat sa mukha nila.

"Zyra/lil'sis/my princess" reaksyon nila. Tumayo ako at lumapit sa kanila.

"A-Anak ko *hik*" umiiyak ng sabi ni mommy. Ngayon kita kong namamaga ang mata niya. Baka babad sa kakaiyak. Hindi ko rin naiwasang maluha.

"M-Mommy, D-Daddy, K-Kuya zaimon, *hik*" mabilis nila akong niyakap na mas lalo kong kinaiyak.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now