Chapter 51: Mafia Queen

Mulai dari awal
                                    

"Kung sila yun. Tiyak na mahuhuli ko dapat agad. Kasi kahit amoy at singhal pa lang nila alam ko na. Ganun ko sila kakilala"

"Tsk, kung sino man ang nagbanta sayo. Siguro may gusto siya kay lorh kaya niya nagawa yun" Natawa na lang ako sa sinabi ni ashley.

Napatingin ako kay yabang na kanina pa tahimik. Hindi din siya tumitingin samin parang ang layo-layo ng iniisip niya. Napapansin ko rin na parang lumalayo siya sakin.

Hays, kung ano mang problema niya sana maayos niya agad.

---

"Oh, aga mo ah" bungad sakin ng mga kaibigan ko.

"Yeah, maaga akong natulog, eh" sabay upo ko sa tabi ng puno.

Nandito nga pala kami sa garden ngayon. Wala namang klase kasi two days nga ang teachers day at intramural.

"Hindi niyo bibigyan ng bulaklak yung mga teachers niyo?" Tanong samin ni jace.

"Tapos na" sabay-sabay nilang sabi except sakin.

"Pagkatapos nila akong bigyan ng mababang grade. Bibigyan ko sila ng bulaklak? Tsk, ayoko nga. Gastos na nga sa project tapos gagastos pa ako ng bulaklak nila!" Natawa sila sa sinabi ko.

"Hindi ka kasi umayos" sabi sakin ni lance.

"Aba, lance ginawa ko ang lahat. Mabigyan lang ng mataas na grade. Pero, napaka-damot nila ng grade sakin!" Natawa at napa-iling na lang sila sakin.

"Oh, kaizer" awtimatiko akong napalingon sa likod ko at nakita ko si yabang na nakatayo sa hindi kalayuan.

"Mm" singhal niya lang.

"Punta ka muna dito" aya sa kaniya ni brix.

"Mag ro-round pa ako" sabay alis niya. Anyare dun? Ni hindi man lang ako tinignan. Tsk.

Umupo na lang ako at tumulala sa sanga ng puno. Bakit ang lamig ng pakiki-tungo ni yabang? Oo, malamig talaga siyang makitungo pero iba yung ngayon eh. Iba yung pangingi-tungo niya ngayon.

Tsk, anong nangyayari sayo yabang? Bakit ka lumalayo sakin?

"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni zana ng tumayo ako.

"Ah, may titignan lang" sabi ko at umalis na.

Kailangan kong mag-isip kung bakit nagkaka-ganiyan si yabang hindi ako makapakali eh. Pati ako nasasama sa kawirduhan niya.

Lakad lang ako ng lakad ng may mabangga akong tao.

"F*ck" mura niya na kinabilis ng tibok ng puso ko. Boses pa lang alam ko na. Si yabang.

"S-Sorr--" hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil umalis agad siya. Tsk, anyare dun? Iniiwasan atah ako?!

Tatawagin ko na sana siya ng may mag-text sa cellphone ko.

From: GR33N

M.C.H, sinusugod po nila ang organization natin. Please, pumunta ka na po dito. Asap.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Shit, nasa panganib ang orga.

Dali akong pumunta sa packing lot at agad akong sumakay sa kotse ko. Nang makasakay na ako. Pinaandar ko na agad papunta sa organization.

---

Nang makarating ako agad akong nag-mask. Pagkatapos kinuha ko ang mga armas ko sa ilalim ng upuan ko.

Yes, isa akong gangster. Ops, hindi ako isang ordinaryong gangster. Dahil isa akong mafia gangster. Ang kinatatakutan ng lahat. Pero, duh. Hindi naman ako nangangain ng tao. Pagkain lang, hehe. Ako din syempre ang sinusunod ng mga gangster---pati pala si general, mwehehe.

Nag-gloves muna ako bago bumaba sa kotse ko. At napa-mura ako ng sinasalakay nga nila ang organization namin.

Mabilis kong binaril ang mga nakaharang sa dinadaanan ko. Well, para lamang akong cool pag lumalaban. Pangit kung magpapa-stress ako.

"Si mafia. I-cover niyo" rinig kong sabi ng mga ka-member ko.

Mabilis akong yumuko sa mesa ng paputukan ang dinadaanan ko. Tumayo ako at ako naman ang nag-paulan ng mga bala sa kanila. Parang lata lang ang mga ginagawa kong kalaban. Maiingay pag napuputukan ng bala.

Binato ko ng dagger yung kalaban ng akmang siyang papasok sa loob ng orga. Sa labas lang tayo, ah!

Nag-hagis ako ng dynamite sa mga kalaban sabay paputok ko ng baril. Edi, ang saya, hehe.

"Maka-bilang ako ng tatlo at hindi pa kayo nakaka-alis. Hinding-hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang mga bungo niyo. Matira ang matibay na lang" seryosong sigaw ko sa kanilang lahat. "Isa...Dalawa..tat---" nagsitakbuhan na papalayo ang mga kalaban ng muntik ko ng sabihin ang 'tatlo'.

Kilala nila ako. Pag sinabi ko gagawin ko. Binaba namin ang mga armas namin ng mawala na sila ng tuluyan.

Nag-bow silang lahat sakin na tinanguhan ko lang. Dito isa akong boss at doon isa akong ordinaryong tao na ang inatupag lang ay ang mga pagkain.

"WELCOME BACK, MAFIA QUEEN" sabay-sabay nilang sabi at nagpaputok sila ng bala sa itaas.

Masaya ako kasi ginagalang pa rin nila ako kahit matagal na akong hindi nakaka-punta dito. Wala, eh. Busy tayo sa pagkain, haha.

"Mafia" bungad nila sakin ng maka-pasok ako sa gaming room. Napangiti ako ng makita ko sila ninja.

"Ninja este light, hehe" light ang totoong pangalan ni ninja.

"Ninja?" Tanong niya pa.

"Ayun oh. Ninja" turo ko sa pinapanood nilang ninja, haha. Nakalusot ako doon, ah.
"Whatever. Oh, my, gosh. Namiss kita"

"Sorry, but. I don't----"

"Hindi mo ko miss?" Ngumuso siya, hahaha. Ang cute niya talaga.

"Namiss Syempre. Hindi ka na mabiro, eh"

"Eh, kasi ang unfair pag hindi mo ako namiss"

"Psh, nasaan pala si shadow?"

"Nakikipag-date sa girlfriend niya" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Kailan siya nagkaroon ng girlfriend? Tsaka, bakit hindi niyo ko inimform?"

"Kahapon lang naging sila"

"I see. Nagseselos ka naman?" Sabay upo ko sa sofa.

"Slight" natawa ako at binato siya ng unan.

"Slight? Lokohin mo panot! Huwag ako!" Natawa din siya at sumubsob sa kama.

"Mafia, ang sakit pala noh? Ang sakit pala pag nalaman mong may iba na yung taong gusto mo" lumapit ako sa kaniya at hinagod ang likod niya.

"Umiyak ka kung gusto. Huwag mong pigilan" pagka-sabi ko nun. Napa-luha agad siya. "Napagdaanan ko na yan. Talagang masakit lalo na kung hinintay mo talaga siya pero kakaintay mo may iba na pala siya"

Kailangan ko bang hintayin si yabang? Kailangan ko bang hintayin na magka-gusto siya sakin o mas maganda kung umamin na ako sa kaniya para alam niyang andito ako.

Natatakot kasi ako baka matulad ito kay xylorh na kakaintay ko napunta sa wala.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang