Chapter 43: Dagat

Start bij het begin
                                    

Kaka-uwi lang ni zana dito sa pilipinas mula sa Singapore ng ipakilala ko sa kaniya si luis nun. Hindi lumaki sa pilipinas si zana bagkus sa Singapore siya lumaki. Nandodoon kasi ang business nila. Nung kailan lang nailipat dito kaya dito na sila maninirahan.

Pagkatapos nilang kumain nagkwento-kwento na sila sa mga buhay nila habang umiinom sila ng beer habang ako ay kumakain pa rin.

"So, lance. Paano mo nakilala si zyra?" Tanong ni jace kay lance. Natawa tuloy ako ng malakas ng maalala ko kung paano kami unang nagkakilala. Habang si lance naman ay napalunok.

"Gusto niyo ako na magkwento? Hahahahaha"

"Ako na. Baka mamaya kung ano-ano pa sabihin mo"

"Sus! Baka ikaw!"

"Anong ako? Ikaw kaya. Baka gumawa ka pa ng kwento"

"Naku, lancetot. Hindi ako ganun, ah. Baka kapag ikaw nag-kwento putol-putol. Kaya mas maganda kung ako na"

"Baka mas putol-putol sayo kasi inuuna mo ng tawa at pagkain mo"

"Baka naman sayo. Halos mukha kang ewan habang nagkwe-kwento"

"Tumigil na nga kayo! Sino ba talaga ang magkwe-kwento?" Sabat ni Wayne.

"AKO!" Sabay naming sabi ni lance. Nagsamaan naman kami ng tingin.

"Lance, sige ka hindi na kita papahiramin ng gamit ko tuwing magsusulat!" Pagbabanta ko pero hindi siya natinag.

"Zyra, sige ka hindi na kita papakopyahin!"

"Aba, math lang naman kinokopya ko sayo"

"Anong math lang? Huy, pati science noh! Tapos english-----"

"Ikaw kumukopya sakin ng English! Hindi mo kasi maintindihan ang sulat ni miss clown kaya kumokopya ka sakin!"

"Sulat ang kinokopya ko sayo hindi quiz!"

"Aba, eh ako nga nag-sulat ng report!"

"Ako naman nag-search!"

"Madali lang yun! Ako kaya ginandahan ko pa yung sulat ko para kita hanggang likod!"

"Nakakahiya naman sayo, ah. Ako na nga nag-search ang konti pa ng pinakain!"

"Ayan, oh ang daming pagkain!"

"Baka kulang mo pa nakakahiya sayo"

"Aba, aba, aba, lance. Kung hindi dahil sakin baka hanggang ngayon hanggang tingin ka pa rin kay kc!"

"Sinasama naman kita sa ISI, ah"

"Sinasama mo ko kasi tayong dalawa ang inuutusan ni dean Carl na ibigay ang mga folder kay dean max!"

"Anong tayong dalawa? Ikaw lang inuutusan at sinasamahan lang kita para makita ko si kc!"

"Baka, ikaw nga tong nagpapasama! Sinamaan nga kita sa Starbucks para makita mo si kc! Akala ko titignan mo lang yun pala aamin ka na!"

"Aba, kung hindi dahil sakin hindi mo makikita si---"

"Aba-------"

"TUMAHIMIK NA NGA KAYO" napatigil kami ni lance ng sabay-sabay nilang sabihin iyon.

"Ganiyan ba kayo araw-araw?" Hindi makapaniwalang sabi ni Bryant. Napataas naman ang kilay namin.

"Yes, why?"

"Hanggang saan kayo umaabot pag ganiyan?" Tanong ni mike.

"Hanggang sa makarating kami sa parking lot"

"Teka nga. Ang layo na ng usapan! Sino ba talagang magkwe-kwento?" Tanong ni yuan.

"Ako" sabay ulit naming sabi ni lance. Napa-iling naman silang lahat.

"Magbato-bato pik na lang kayo. Kung sino ng mananalo siya ang magkwe-kwento" sabi ni Frey na sinang-ayunan nilang lahat.

"Sige ba! Hanggang ilan?"

"Isa lang!"

Humarap kami ni lance sa isa't-isa at pinag-tapat namin ang kamao naming naka-yukom na.

"Handa ka na ba lancetot?" Ngisi kong sabi na kinangisi niya rin.

"Handa ka na rin ba zyratot" nagsamaan kami ng tingin.

"Sige na sige na" sabi ni yabang at pumunta sa gitna namin. "Bato-bato pik" pagkasabi niyang yun agad kaming nag-bato-bato pik hanggang sa maglabasan na kami ng kanatak namin.

Sabay naming tinignan kung sinong panalo at halos tumalon ako sa tuwa ng ako ang panalo. Gunting ako at papel naman siya, hehehe.

"Panalo ako kaya ako ang magkwe-kwento!" Mayabang kong sabi at sumubo ng manok.

"Tsk" singhal ni lance at umupo sa tabi ni kc.

"Handa na ba kayong makinig?" Ngisi ko pang sabi.

"Gandahan mo ang kwento mo, pandak"

"Mas maganda pa toh sa iniisip mo" ngisi kong sabi kay yabang na umirap na lang. "So, ito na sisimulan ko na ang storya.. Habang naglalakad ako papuntang room may nabangga ako. Kaya inis kong tinignan yun pero biglang nalukot ang noo ko ng makita ko ang isang lalaking umiiyak? Haha. Sabi ko nun sa isip ko bakla ba toh? Kalalaking tao umiiyak. 'S-sorry' hingi niya pa ng tawad tapos tatalikod na sana siya ng higitin ko siya at ipaharap sakin. Nagulat siya sa ginagawa ko syempre. At dahil sa curious ko tinanong ko siya ng 'bakla ka ba?' Pero, mukhang wrong move atah dahil agad siyang tumigil sa pag-iyak at sinabihan akong 'hindi ako bakla' tinanong ko ulit siya 'bakit ka umiiyak kung hindi?' Sagot niya naman. 'I-ikaw ba n-naman iwan sinong hindi iiyak?' Sabi ko naman 'ah? Dahil lang nag-break kayo ganiyan ka na. At sa public mo pa talaga ipapakita na umiiyak ka? Kahit sino iisipin na bakla ka kasi umiiyak ka. Kalalaki mong tao' sagot niya naman. 'Alam mo miss kung wala ka rin lang magandang----' pinutol ko agad ang sinasabi niya. 'Ako maganda' sagot niya naman. 'Ah? Saan?' Sago ko naman. 'Saan ba nakikita ang ganda?' Sabi niya naman. 'Tsk, pilosopo' sagot ko. 'At least hindi katulad mo' sagot niya. 'Nakakahiya naman sayo ah. Ang sabihin mo bitter ka' sagot ko. 'Tsk, kung wala kang sasabihing maganda---' pinutol niya ang sasabihin ko. 'Ako magandang lalaki' then nagkatinginan kami at natawa. At nung time na rin na yun hindi ko ini-expect na mag-kaklase kami at dahil dun naging malapit kami sa isa't-isa hanggang sa naging mag-best friend kami" nag-bow pa ako ng matapos kong mag-kwento nagpalakpakan naman sila kaya kumaway-kuway pa ako na parang tanga, hahaha.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu