Chapter 39: Parking lot

Start from the beginning
                                    

*pakk*

Sinampal ko ng malakas si patricia na kinagulat nilang lahat.

"How dare you slapping me!! Who are you?! Why did you do that?!" Galit na sabi ni pat pero mas galit na galit ako sa kaniya. "Who are you?!"

"Hey, bakit mo siya sinampal? Sino ka ba, miss?!" Galit na ding sabi ni euna pero ngumisi lang ako.

"Trip ko lang, ho" mahinhin kong sabi na kinanganga nilang lahat.

"What?! Trip mo lang yun?!" Galit na galit ng sabi ni pat na kinangiti ko. Ganiyan nga pat. Magalit ka ng magalit sakin. Mas gusto ko yan. Ang ganda mong panoorin diyan. Tignan natin kung hanggang saan ka aabot. "Hindi mo ba ako kilala, ah?!"

"Ahm, p-pagpasensyahan mo na y-yung kaibigan ko, pat. L-lasing na siguro s-siya kaya n-niya nagawa y-yun" utal-utal na sabi ni thea habang nagtatago sa gilid ni troy na ang sama na ng tingin sakin.

"Eh, gago ba siya?! Bakit kailangan niya akong sampalin, eh wala naman akong ginawa sa kaniya?!" Tinuro niya ako. "You! Anong problema mo, ah? Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga ganun, ah?!"

"Hindi ho" gusto ko ng tumawa ng malakas. Ganito ka na pala kasiga, pat.

"Pwes, ipapakita ko sayo-----" sinampal ko na naman siya na kinagulat na naman nilang lahat.

"Ganun ho ba ang gagawin niyo sakin?"

"How dare you!!! Sino ka ba sa akala mo, ah? Sa pagkaka-alam ko wala akong atraso sa isang gaya mo----"

"Wala nga ba?"

"Hey, miss ang kapal naman ng mukha mong sampalin ang girlfriend ko" galit na sabi sakin ni troy na kinangisi ko ng malaki.

"Girlfriend mo ito?" Inosente kong sabi sabay turo kay pat na hanggang ngayon ay galit pa rin sakin.

"Oo!"

"Ilang years na ho ba kayo?"

"At bakit ko naman sasabihin sayo?! Sino ka ba sa akala mo-----"

"Hmm, magfo-four years na siguro kayo, noh?"

"Paano mo nalaman? Stalker ka ba ah?" Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Halos humagalpak na ako sa lupa kakatawa habang sila ay naguguluhan sakin.

"Stalker? Hahahaha. Sorry, natawa ho ako. Hmm, hula ko lang ho. Yun pala totoo" nakangiti akong bumuga ng hangin.

"Baliw ba itong kaibigan mo, thea?" Galit na sabi ni pat kay thea na napapa-lunok na lang.

"Huy, miss umalis ka na bago pa kita masaktan-----" sinampal ko si troy na kinagulat ulit nilang lahat.

"Sinaktan mo na nga ako noon tapos sasaktan mo na naman ako ngayon? Ano ka hanep?!" Galit kong sabi sa kaniya na kinakunot noo niya. Humarap ako kay pat. "Wala kang karapatang saktan ang kuya ko!!!" Galit kong turo sa mukha niya na kinagulat nilang lahat.

"Zyra?" Gulat na sabi nila troy, euna at pat na kinangisi ko ng malaki. Inalis ko ang maskara ko na mas lalo nilang kinagulat.

"It's not NICE to see you again" galit kong sabi na kinatungo nila. "Ano? Hindi kayo makapagsalita? Bakit ganun na ba kayo kagulat at wala kayong masabi? Kanina ang tapang-tapang niyo tapos ngayon? Nasaan na yung kanina? Gusto ko ulit makita. Patricia! Troy!"

"Z-Zyra" maamong sabi nila na kinatawa ko. Para silang pusa na naging maamo dahil nakakita sila ng tigre.

"Nasaan na yung tapang niyo kanina, ah? Ang kapal din ng mukha mo pat noh? Ang kapal-kapal ng mukha mong saktan ang kuya ko! Para sabihin ko sayo wala kang karapatang saktan ang kuya ko! Una sa lahat hindi ka namin kaano-ano kaya wala kang karapatang saktan kami!!" Galit na galit kong sabi na kinaiyak na ni pat.

"Z-Zyra, sorry, *hik* patawarin mo ako, zyra, Huhuhu"

"Ayokong makita kang ganiyan pat. Nahihinaan ako sayo. Gusto ko yung kanina. Natutuwa ako doon!"

"Patawarin mo ako, huhu"

"Gusto mong patawarin kita?" Agad niya akong tinignan dahil sa sinabi ko.

"Lahat gagawin ko, zyra. Mapatawad mo lang ako. Gusto ko ng bumalik sa dati. Sa dating magka-kaibigan pa tayo"

"Tsk, papatawarin lang kita kung magbibigti ka" nagulat silang lahat sa sinabi ko na kinangisi ko. "Mapapatawad lang kita, patricia. Kung magbibigti ka kaya gawin mo na kung gusto mong mapatawad pa kita" mas lalo siyang napa-iyak sa sinabi ko. Agad kong pinunasan ang luha ko ng mapaluhod siya. "Anong ginagawa mo? Tumayo ka diyan! Hindi ka ganiyan patricia! Kaya tumayo ka diyan!"

"Huhuhu, patawarin mo ako. Hindi ko ginusto ang lahat, Huhuhu"

"Hindi! Ang sabihin mo ganun ang role mo sa buhay!" Tumingin ako kay joy na agad natakot sakin. "Si joy nga! Inagawan mo noon diba? Si joy na pinsan mo. Kinawawa mo! Hindi man kita panoorin sa ginagawa mo sa kaniya noon. Alam ko ang mga katarantaduhang ginagawa mo sa kaniya. Masyado ka kasing INGGITERA, eh!" Mas lalo siyang napa-iyak dahil doon. Bumuga ako ng hangin para pigilan ang luha ko.

"Wala akong pakialam sa kaniya, huhu. Sayo ako may paki kaya nakiki-usap ako sayo, huhu. Patawarin mo na ako"

"Zyra" nagmamakaawang tonong sabi ni euna.

"Siya ang pinalit mo sakin, diba? Siya ang pinili mong kaibigan kesa sakin diba, euna?!" Pigil ang galit kong sabi. Ayaw kong magalit kay euna dahil labas siya dito.

"Ano ba kayo?! Ganiyan na lang ba kayo habang buhay? Nasaan na yung mga kaibigan ko noon? Bakit nagbago na? Nasaan na yung halos kapatid na ang turing nila sa isa't-isa? Miss na miss ko na ang dati. Kung saan masaya tayong pumupunta sa iba't-ibang bansa para lang mag-bonding" mangiyak-ngiyak na sabi ni euna na kinaluha ko ng maalala ko iyon.

"Namatay na siguro si zyra dahil sa labis na sakit na dinanas niya. Yung zyrang kilala niyo. Wala na! Patay na siya! Pinatay niyo sa sakit! Mga walang kwenta daw kayo!" Galit kong sabi. "Nang dahil sa inyo. Wala na siya! Pinatay niyo siya! Pinagka-isa niyo siya! *sniff*" umiiyak ko na ring sabi na mas lalo nilang kinaiyak habang si troy naman ay nakayuko lang.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now