Chapter 38: The Truth

Start from the beginning
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Agad kong pinunasan ang luha ko ng marinig ko ang boses niya. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at nakahinga ako ng maluwag ng mag-isa lang siya.

"I-Ikaw? A-Anong ginagawa mo d-dito?"

"Magpapa-hangin" tumango lang ako at tumalikod na sa kaniya. "Hanggang kailan mo ako lolokohin?"

Nanlamig ako sa sinabi niya. Alam na ba niya ang totoo? Nilingon ko siya at deretso lang siyang nakatingin sakin.

"Pag-sawa na ako" sabay iwas ko ng tingin.

"Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo? Niloko mo ako, zy! Niloko mo ako. Bakit mo nagawa sakin yun, ah? Bakit ka nagsinungaling sakin? Bakit kailangan mong mag-panggap na nagkaroon ka ng amnesia kahit ang totoo ay hindi ka naman nagkaroon ng amnesia" napa-iyak na naman ako dahil sa sinabi niya.

"I-I'm sorry, huhuhu. I'm sorry. Please, patawarin mo ako. Hindi ko ginusto ang lahat, huhu. I'm sorry"

"Paano mo nagawa sakin yun, zy? Alam mo bang sobra akong nasaktan nun? Tell me. Sinong nag-utos sayo niyan? Sino ang nagsabi sayo na magpanggap ka" umiling ako ng umiling.

"Hindi mo na kailangan pang malaman, *hik*"

"Tapos ngayon hindi mo sasabihin kung sino----"

"Kasi mapapahamak ka! Mapapa-hamak kayo. Ayoko ng pati kayo ay madamay pa sa pesteng gulong toh. Kaya please lumayo ka na lang muna sakin. Huwag mo muna akong k-kausapin. Kalimutan na n-natin ang nakaraan---ops, mukhang nauna ka ng nakalimot sa nakaraan, *sniff*"

"Anong bang pinag-sasabi mo, ah? Nasisiraan ka na ba? Ang tagal kong hinintay toh tapos ganiyan na lang sasabihin mo?! Ginagawa mo ba akong tanga, zy?" Napahagulgul na ako sa sinabi niya.

"Ikaw ang nasisiraan na, xylorh! Hindi mo na alam ang pinag-sasabi mo. At isa pa. Tumigil ka na nga! May girlfriend ka na kaya dapat sa kaniya mo na ibigay ang buo mong atensyon" pinunasan ko ang luha ko kahit nakamaskara pa rin ako. "Paano mo nalaman ang totoo?"

"Pumunta ako sa hospital kung saan ka noon naka-confined. Tapos tinanong ko kung nagkaroon ka ba talaga ng amnesia. At sinabi niyang hindi!" Napatulo na naman ang luha ko sa sinabi niya.

"Bakit mo ginagawa toh? Xylorh, bakit kailangan mong gawin toh. Hindi mo ba alam na nanloloko ka na ng tao? May girlfriend ka na at si joy yun! Mabait na tao si joy, xylorh. Mabait siyang tao hindi man niya ipakita yun mararamdaman mo naman yun. Kaya please xylorh. Huwag mong sasaktan si joy. Nakiki-usap ako sayo. Ito na lang ang tanging magagawa ko sa kaniya sa dami ng kasalanang ginawa sa kaniya noon ng dati kong kaibigan" Nakiki-usap ko ng sabi sa kaniya. Napayuko naman siya at sinuntok ang pader na mas lalo kong kinaiyak.

"Paano yung nararamdaman ko sayo? Hahayaan ko na lang?"

"Kung kinakailangan, oo! *sniff*"

"Tang*na, zy. Bakit? Bakit mo ito ginagawa? 3 years kitang hinintay tapos ganto lang pala ang mapapala ko sa pagbabalik mo?" Kung alam mo lang, xylorh! Kung alam mo lang. Pero, mali pag sinabi ko ang nararamdaman ko sayo. Isang pagkakamali na ayaw kong mangyari. "Hindi mo na ba ako gusto, ah?"

"H-Hindi na. Because, I-I already move on" sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Napa-upo na siya habang umiiyak na mas lalo kong kinaiyak ng sabunutan niya ang sarili niya.

"Bakit, zy? May bago ka na bang gusto? Ah? Kaya ba hindi mo na ako gusto kasi may iba ka ng gusto?" Itong araw na ito ng pinaka-malas.

"Wala ako ibang gusto, xylorh. Wala! Kaya tumayo ka na diyan at puntahan mo na yung girlfriend mo baka hinahanap ka na niya"

"Pag wala na ba akong girlfriend. Babalikan mo na ako? Gugustuhin mo na ba ulit ako?"

"Hindi. Kung ano-ano ang pinag-sasabi mo. Wala ka mang girlfriend h-hindi na kita m-magugustuhan pa" mas lalo siyang napa-iyak sa sinabi ko. Tahimik naman akong humagulgul ng iyak. Ang sakit-sakit, grabe.

Tumayo siya at mabilis akong niyakap na kinaiyak ko na ng todo at niyakap rin siya pabalik.

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon, zyra" bulong niya sa tenga ko na kinailing ko.

"Hindi tama ito, xylorh. Sana maintindihan mo. Siguro hindi tayo ang para sa isa't-isa. Tanggapin na lang natin yun" niyakap niya ako ng mahigpit at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak. Hinayaan ko na lang siya kasi baka ito na ang huli naming yakapan.

Kumalas siya sa yakap at inayos niya ang sarili niya. Natawa naman ako sa itsura niya kasi mukha siyang batang umiyak.

"What?!" Nguso niyang sabi kaya piningot ko ang ilong niya.

"Mukha ka kasing bata, hahaha"

"Ano kamo?"

"Pag sinabi ko na hindi ko na uulitin pa"

"Aba, linya natin yan, ah"

"Linya ko!"

"Linya ko"

"Ko! Xylorh"

"Ko, zyra!" Nagsamaan kami ng tingin at natawa. Mukhang tanga lang.

At sa wakas natanggal din ang tinik sa lalamunan ko kaya nakakahinga na ako ng maluwag. Salamat dahil sa wakas ayos na rin kami ni xylorh. Hindi man kami total na ayos tulad ng dati pero okay na rin yun at least na magloko at sinungaling pa ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko piniling magmakasarili ngayon. Dati-dati naman mas gusto kong magmakasarili para makuha ko lang ang gusto ko pero ngayon iba na. Mas pinipili ko ng magparaya. Siguro dahil nagbago na ako ngayon. Siguro narealize ko na. Na mas masayang magparaya kesa maging selfish.

Siguro yun ang natutunan ko sa lahat ng sakit na dinanas ko noon. Nang dahil sa sakit nagbago ako. Nang dahil sa sakit nag-iba ako. Siguro tama sila. Pag nasaktan ka magbabago at magbabago ka talaga.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Where stories live. Discover now