Chapter 35: Acquaintance Party

Beginne am Anfang
                                    

Nagsitango at ayos naman kami ng maayos. Una akong nagpatugtug hanggang sa sunod-sunod na sila.

Tinignan ko silang lahat at lahat sila nakangiti. Kahit ba may problema dapat pang ngumiti? Sabagay, wala namang masama kung ngingiti ka.

"Zyra, samahan mo nga ako sa cafeteria" sabi ni yanna ng magtanghalian na. Tumango naman ako bilang sagot

Nang makarating kami sa cafeteria. Bilang lang ang estudyante. Baka nagsisi-prepair na ang iba at hindi na nila inisip na may pasok pa kahit acquaintance party mamaya.

Hinintay ko na lang si yanna dito sa labas kesa naman pumasok pa ako sa loob. Baka may masinglot akong pagkain. Edi, makabili pa ako ng wala sa oras.

"Oh, Ms. Vic" halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses ni sir remeo. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya na kinalunok ko ng nakangiti na agad siya sakin.

"G-Good afternoon, s-sir"

"Good afternoon, ms. Vic. Nanang-halian ka na ba?"

"A-Ah, oho"

"Mmm, mabuti masama kasi ang nalilipasan ng gutom"

"Hehehe"

"By the way------"

"Zyra, halika na-----oh, hi sir" masayang bati ni yanna kay sir remeo na agad sumama ang mukha.

Hays, hulog ka ng langit yanna. Mabuti na lang dumating ka agad kundi naku. Kunot noo akong tumingin sa gilid ko ng may marinig akong nagsisibungisngisan.

At agad sumama ang mukha ko ng makita ko si yabang at xylorh na nagpipigil ng tawa. Bakit magkasama ang dalawang toh?

"Anong tinatawa-tawa niyo diyan?" Salubong ang kilay kong sabi.

"Mukha ka kasi natatae sa mukha mo, hahaha" pang-aasar nila na mas lalong sumama ang mukha ko. Mga bwiset.

"Tara na, yanna" aya ko agad kay yanna ng matapos silang mag-usap ni sir remeo.

"Oh, miss vic. Samahan niyo----"

"Good bye, sir. See you when I see you" putol ko agad sa sinasabi niya. Tumawa naman ng malakas si yabang at xylorh.

Hinila ko na agad si yanna papalayo sa mga iyon. Hays, kailan ba tatahimik ang buhay ko katulad sa CIS?

Nang makarating kami ni zana sa music room agad na kaming nagsimula. Maaga kasi kaming uuwi para makapag-prepair kami ng maayos.

---

Nang maka-uwi ako sa condo nakita ko agad si zana na inaayos na ang mga make up niya.

"Oh, aga mo ah" bungad niya sakin ng makainom na ako ng tubig.

"Yeah, para raw makapag-prepair pa kami ng maayos"

"Waahhhh, couz. Kinakabahan talaga ako"

"Huwag ka ng pumunta kung ganiyan, zana"

"Tsk, pupunta ako noh! Madaming fafa noh"

Umirap na lang ako at inayos ko na ang gitara ko. Nilagay ko siya sa bahay niya.

"Anong oras magsisimula ang party?" Tanong niya.

"7:00pm ho madam. Napaka-excited hindi naman pala alam ang oras ng pupuntahan"

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumatawag si zimon.

"Oh?" Bungad ko.

"Kamusta na pakiramdam mo, lil'sis"

"Ayun, maayos na. May kailangan ka ba?"

"Wala naman. Gusto lang kitang ikamusta"

"Mm, maayos na pakiramdam ko kaya don't worry"

"Mmm, mamaya na pala acquaintance party niyo"

"Yeah, hindi naman ako kasali sa sayawan"

"Ah? Bakit?"

"Kasi kami ang tutugtug"

"Huh, I see"

"Mm, yeah. Paano? Bye na may gagawin pa ako"

"Sige, good luck"

"Mm, salamat" sabay patay ko ng tawag.

"Nakakatuwang isipin na okay na kayo" nakangiting sabi ni zana.

"Mas nakakatuwang isipin na maraming masasarap na pagkain mamaya" natawa ako ng mapanganga siya.

Nang mag-ala sais. Naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Kailangan kami ang mauna doon kasi kami nga ang tutugtug.

Kulay black ang uniform namin. Black jacket, black pants, black na sapatos, black na sumbrero at black na maskara. Yeah, kaming mga tutugtug lang ang magma-maskara. Ewan ko ba kung anong trip nila at ganito ang ayos namin.

Nang makarating ako sa gym dumeretso agad ako sa back stage ng gym at dun ko nakita ang mga kasamahan ko na nag-aayos na.

"Name?" Tanong ni yanna sakin. Boses pa lang alam ko na.

"Zyra" tumango siya at sinulat ang pangalan ko sa papel na hawak niya.

Umupo naman na ako sa tabi nila habang sila ay nag-aayos ng instrument. Maayos naman na ang gitara ko kaya wala na akong aayusin.

"Aga mo, ah" nakangiting sabi ni lanie. Boses pa lang alam na.

"Ah, yeah. Pag ganito kasi dapat maaga kasi madaming pagkain ang sasalubong sayo, haha" natawa rin siya sa sinabi ko.

"Ikaw lang ang kilala kong matakaw pero hindi tumataba"

"Huwag kang mag-alala pag-tumaba ako sasabihin ko sayo, haha"

"Loko ka talaga, hahaha"

"Slight lang, haha" sabay kaming natawa ng sumenyas pa ako ng konti sa daliri.

"Guys, magpre-pair na kayo dahil mag-aala syete na" anunsyo ni yanna. Tumingin ako sa relo ko. 6:45pm na. So, malapit na nga magsimula.

Nilabas ko na ang gitara ko sa lalagyan niya at inayos ko kung tama na ba ang tono. Nang maayos naman ay sumilip ako sa labas at halos tumiwang-wang ako ng napaka-daming estudyante. Buti na lang maluwang na maluwang itong gym kaya hindi sila siksikan.

Bumalik na ako sa upuan ko ng maayos na nila lahat ng instrument.

"Guys, wala na sanang magkakamali" pag-papaalala ni yanna na tinanguhan namin.

Nang mag-ala syete na nagsimula na kaming tumugtog. Ngayon ko lang napansin na ang lakas pala. Sabagay ang daming speaker dito sa gym.

Hanggang dito rinig ang ingay ng mga estudyante. Mukhang nagsasaya na sila. Naalala ko tuloy yung acquaintance party namin noon sa CIS.

Halos hindi na ako makatayo kakakain, haha. Si lance lang din ang date ko nun. Pero, mas nakakatawang isipin na isang beses lang kaming sumayaw at puro kain na kami.

Marami noon nag-aaya sakin pero hindi ako pumayag na makisayaw sa kanila dahil hindi ko maiwan-iwan ang mga pagkain na nasa mesa, haha.

Pag naalala ko ang araw na yun natatawa na lang ako. Minsan din kasing pumalpak si lance doon.

Makikisayaw sana siya sa isang babaeng nag-aaya sa kaniya ng sayaw ng bigla maapakan ni lance yung gown niya kaya muntik na mahubadan yung babae kasi tube ang gown niya, hahahaha. Ang dami ko kayang tawa nun buti na lang mas malakas ang music noon kaya hindi kami napapansin ng mga schoolmate namin.

The More You Hate. The More You Love, Nga Ba??Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt